Chapter 18 - Rain And Kisses

7.5K 432 25
                                    

Hindi ko namalayan na masyado na akong nagtatagal dito sa University kaya naman napagpasyahan ko nang umuwi

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

Hindi ko namalayan na masyado na akong nagtatagal dito sa University kaya naman napagpasyahan ko nang umuwi. Masyado na rin akong napapaisip.

I was walking near the parking lot nang may mapagtanto ako.

Damn it! I forgot wala akong dalang kotse dahil number coding ko ngayon at hindi rin naman ako nagdala ng iba dahil sabi ni Yana ay sabay na lang kami at susunduin nya ako kaninang umaga.

Napafacepalm na lang ako sa sarili ko. Bakit nga ba 'di na lang ako sumabay kay Yana pauwi rin?

Wala naman akong nagawa kundi lumabas ng Gate na lulumo-lumo. What a great timing naman. Hay.

I was about to praise the weather dahil hindi kainitan ngayon ng biglang napalingon ako sa braso dahil may naramdaman akong likido. A raindrop.

"Naman! Uulan pa ata! Kainis!" Buntong hininga kong dismayado na di naglaon ay bumuhos na nga ang malakas na ulan.

Agad akong sumilong sa pinakamalapit na waiting shed ng university para mag-abang ng taxi pero sa kasamaang palad ay walang dumadaan na taxi. Sinubukan ko din magbook ng sasakyan para sunduin ako pero akalain mo nga naman, sa todong swerte ko ngayon ay low battery pa ako kaya naman wala na akong nagawa kundi ang hintaying tumila ang ulan na sa tingin ko ay halos sa susunod na mukhang isang taon pa kung matatapos sa lakas.
Hindi narin ako nagtyagang bumalik sa university dahil medyo malayo-layo na rin itong shed na pinuntahan ko.

Hindi ko alam kung anong posisyon ang gagawin ko dito sa waiting shed na ito para lang hindi ako lalong mabasa dahil sa sobrang lakas ng ulan at alos basang sisiw rin naman na ako. Ilang minuto lang ay may isang silver Benz na huminto sa tapat ng waiting shed na kinaroroonan ko. Bumusina ito nang malakas na halos mapatalon ako sa gulat. Sira ulo ba sya at kailagan nyang manggulat?

"Get in. Mukha kang nasalantang sisiw dyan," sabi ng babaeng nasa harap ng manebela nang bumaba ang tinted window ng sasakyan na nasa harap ko.

You have to be kidding me. It's not her.

Hindi naman siguro ako nananaginip no?

She can't be here, why would she give me a ride?

"I'm... okay." Nag-aalangan na balik ko sa kanya habang yakap ang sarili dahil sa totoo lang ay nilalamig na rin ako.

"Really huh? Okay, if you say so. Bye," walang tinag na sabi ni Ava.

Grabe wala man lang second question, kung final answer ko na ba iyon? Kaagad naman akong nagsalita ng makita kong papataas na ulit ang bintana nya.

"Wait! Wait up! Let me in." Agad na sabi ko na sa kabutihang palad ay hindi naman nya nilock ang pinto.

"Arte-arte pa kasi." balik na bulong nya, na narinig ko naman pero hindi na lang ako nagreact at mahirap na at sya nalang ang pag-asa kong makauwi.

What Happened to Vienne Heatherson (GirlxGirl)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن