Chapter 2 - Not A Dream

10.3K 478 42
                                    

Kinapkap ko ang katawan ko na parang hinahanap ang dating ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kinapkap ko ang katawan ko na parang hinahanap ang dating ako. It felt so me but at the same time, a different me. Narito parin ako sa hanrapan ng salamin, with a wide eyes staring horrified at the man in the mirror. I screamed the hell out of my lungs and confusedly got out of the bathroom, panicking. Natauhan lang ako ng bumukas ang pintuan ng kwarto ko.

"Oh bakit iha? Anong nang..." putol na banggit ng matandang babaeng hindi katangkaran at nakasuot ng pulang duster dress, may itim na maikling buhok at halata ang pangungulubot ng balat sa kantandaan. Si manang Ester, na nasa pintuan, hawak ang doorknob mula sa pagkakabukas nito ng pintuan. She's as confused as i am at halata mo na gulat na gulat rin ito sa di mawaring ekspresyon na ibinigay nito sa sandaling makita nya ako o kung ako man nga ito.

"Manang Ester, help me! It...it's me, it's me, Vienne!" sabi ko na pautal-utal at halos napalunok at nagtataka dahil pati ako ay di ko na makilala ang boses ko, na kung sa akin nga ba galing ang mababang boses na iyon.
It felt so odd and weird. Para akong nagsasalita na walang lumalabas sa aking bibig at mayroong ibang nagsasalita para sa akin.

"Nako jusko! Wag ka lalapit! Sino ka? Asan si Vienne, anong ginawa mo sa alaga ko?" tarantang sabi ni manang Ester. Her hands grip the doorknob tightly.

Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa para sagutin sya dahil wala rin naman akong maisip. Ilang sandali lang ay halatang paalis na si Manang sa pinto ng kwarto ko para tumawag ng pulis dahil sa takot nito, pero dahil mabilis kong naisip iyon ay agad ko na nagawang pigilan si manang Ester sa binabalak nya at pinapasok sya sa kwarto, grabbing her wrist and pulling her in.

"Manang Ester ako to, si Vienne! Please believe me!"

"Nahihibang ka na, babae si Vienne at hindi lalaki. Nasaan na ang alaga ko! Anong ginawa mo sa kanya!" galit na asik ni manang Ester, kulang nalang ay sapakin ako nito sa pagpupumiglas nito sa pagkakahawak ko.

I know she won't believe me, sino ba naman ang maniniwala sa ganto? Na mismo ako ay hindi ko rin maipaliwanag ang nangyayari. Unti-unti akong nakaramdam ng pagkalungkot sa ideyang walang maniniwala sa akin, at pagnagkataon ay palalayasin ako rito at hindi ko na alam kung saan ako pupulutin.

Hinawakan ni Manang ang tennis racket na nakasabit sa kaliwang parte ng pader ng kwarto ko. Handa na niya na iyong ipalo sa akin bilang pagpapalayas sa sarili kong condo. Ang pagpapalayas sa isang lalaking nasa kwarto ng isang babaeng nagmamay-ari ng lugar na ito. That's me! She can't do this to me!

"Mama Esleng, please!" I slowly said as i cried out loud. Sa hitsura ko ngayon ay mapagkakamalan akong bakla na umiiyak habang nasa pink pajamas na hiwagang lumaki rin.

"Don't do that, mama Esleng. I beg you!"

"Anong sinabi mo?" ani nya at napatigil sa handang gawin nito.

Ibinaba nito ang kamay na may hawak ng white and blue na tennis racket ko pero nakatingin parin ito sa akin na may malaking pagdududa at takot.

"Mama Esleng, let me ex-explain please." Halatang gulat parin ang gumuguhit sa mukha ni manang Ester. Ako lang ang tumatawag sa kanya ng ganuon. Nuong bata pa ako ay mama na ang tawag ko sa kanya dahil sya madalas na naiiwan sa amin ni kuya Vinz para mag-alaga kapag busy ang parents namin, at Esleng naman dahil sa hindi ko pa mapronounce ang mga bagay-bagay nuong kabataan ko.

What Happened to Vienne Heatherson (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon