Napatigil siya saglit, na para bang hindi niya inaaaahan ang tanong ko.




Pagak siyang tumawa, “Gusto mo na bang mamatay?”




Umiling ako. “O-of course not!” sagot ko.




May sinenyasan siya sa bandang likuran ko, hanggang sa may lumitaw sa harapan kong naka fully black suit na lalaki. Tinanggal nito ang mga kadenang nakatali sa akin, pagkatapos ay hinila ako palapit kay Artheni.



“May ipapagawa ako sayo, kapalit ng buhay mo,” wika ni Artheni, kaya nabuhayan ako ng lakas ng loob.




“W-what is it?” tanong ko sa kanya.


“Hold this things.” Iniabot niya sa akin ang isang ballpen at puting papel pang liham.




Nagtataka ko siyang tiningnan, “Ano ang gagawin ko sa mga ito?” tanong ko sa kanya.




Nagulat ako nang bigla niya akong sampalin, gamit ang baril na hawak-hawak niya, “Huwag kang bobo, Fiarra!”




Itinuro niya ang maliit na bakanteng mesa sa sulok. Inipon at hinila ko ang dulo ng  suot kong gown. Humakbang  ako palapit sa mesa na itinuro ni Artheni. Ramdam ko ang presensiya niya sa likuran ko, kaya alam kong nakasunod siya sa akin at paniguradong nakatutok sa akin ang baril niya.




Inilapag ko sa mesa ang ballpen at papel. “Ano ang gusto mong isulat ko rito?” tanong ko, nang hindi siya tinatapunan ng tingin.




Pumwesto siya sa harapan ko. “Isulat mo lahat ng mga masasakit na salita, na alam mong makakapanakit kay Demhon, at makakatulong para magalit at kalimutan ka niya.” muli siyang ngumisi, “After that, ihahatid ka ng mga tauhan ko sa mismong panamahay mo, para kumuha ng mga importanteng gamit na kakailanganin mo. Umalis ka sa bansang ito. Make sure na wala kang pagsasabihan or else papatayin ko lahat ng mga mahal mo sa buhay!” Pagbabanta niya.




For your baby Fiarra, do it!


-




“Alam ba ni Artheni, kung saang bansa ka pumunta at tumira?” tanong ng kaibigan ni Demhon na si Jakell, pagkatapos kong isalaysay ang buong pangyayari, tatlong taon na ang lumipas.




Matapos ang party, ay bigla nila akong hinila palayo kila Khryte, sa isang sulok para kausapin at tadtarin ng mga tanong. Hindi nila kasama si Demhon, dahil matapos nitong kumanta ay naglakad ito palabas at hindi na bumalik.




Ayaw nila ako payagang umalis hangga’t hindi ko sinasabi ang totoo, kaya napilitan akong magkwento at magpaliwanag sa kanilang tatlo.




“Anak ba ninyo ni Demhon, ‘yong batang buhat-buhat ni Khryte? Hindi pala kayo nagkabalikan ni Khryte? Bakit nawala rin siya tulad mo?”  sunod-sunod na tanong ni Jake, kakambal ni Jakell.




“Ikaw ba iyong nagtangka sa buhay ni Demhon?” tanong naman ni Khlyde.




Itinaas ko ang dalawang kamay ko, para patahimikin sila. “Pwede isa-isa lang?” sarkastiko kong paki usap sa kanila.




I took a deep breath, “Walang alam si Artheni, kung saang bansa ako pumunta at tumira. Iyong batang buhat-buhat ni Khryte, yes! Anak namin siya ni Demhon. Her name is Demhoirra, and she's the real reason why bumalik ako dito sa Pilipinas. Hindi kami nagkabalikan ni Khryte. Actually ngayon lang ulit kami nagkita. I don’t have any idea kung bakit siya nawala nang umalis ako. I just used his name sa letter, because siya lang ang kilala ni Demhon na naging ex-boyfriend ko. Lastly, hindi ako ang nagtatangka sa buhay ng kaibigan ninyo, okay? I'm a very busy person, halata naman siguro? Wala akong time para magtangka ng buhay ng isang tao. Bumalik ako for Demhoirra, and also for Artheni,” mahabang sagot ko sa kanila.




Pumalatak si Jakell. “Kung hindi ikaw ang may pakana ng death treats messages, sino?”




Nagkibit balikat ako. “I don't know.”

We Meet Again, My Runaway Bride [EDITING]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora