Prologue

14.9K 290 17
                                    



"The HEART of Education" (Probinsya series 2)

"The Heart of Education"
Bilang isang guro, layunin niyang bigyan ng sapat na edukasyon ang kabataan. Ngunit iyon nga lang ba ang mahalaga kung pati mga magulang ng mag-aaral ay kailangan pa niyang pakisamahan? Paano niya maunawaan ang mga ito kung hindi niya naranasang maglakbay ng ilang kilometro para lang matuto at ne minsan ay hindi kumalam ang sikmura habang nagbabasa't nagsusulat? Sino nga ba ang natuturuan? Siya o ang kabataan?


Ang edukasyon ay nagsisimula sa tahanan subalit paano kung ang kabataan ay sila pa ang nagtuturong magbasa at magsulat sa mga magulang? Paano ko bubuhayin ang sarili kong pamilya kung pati krayola, lapis at tsinelas ng mga estudyante ko ay akin pa? Paano ko hahatiin ang kakarampot na sahod at oras sa lahat kung pati anak ng iba ay itinuturing akong AMA? White Concepcion Villafuerte, isang "GURO LAMANG" sa probinsya!



The Heart of Education (probinsya series 2)Where stories live. Discover now