Chapter 48: He knew

51 4 0
                                    

Kyle




The next thing I knew, kinausap ako ni Sari about kay Jiro. Maari siyang sinabi sakin tungkol kay Jiro at hinanakit sakin. Hindi ko siya masisisi, nagmahal siya eh. Nagmahal lang siya kay Jiro. Yes, mahal niya si Jiro. Ang sakit sakin na parang hadlang ako pero nagulat ako ng magaubaya siya. Sakin na daw si Jiro. Ang tapang ni Sari. Nakakatuwa. Pagkatapos naming magusap ni Sari hindi ko na siya nakita. Nakaalis na daw siya sabi nina Sam. Nalaman na din nila na nagusap kami ni Sari tungkol kay Jiro. Nagulat pa nga sila dahil ngayon lang nila nalaman na may gusto si Sari kay Jiro well not Sam kase matagal niyang alam.

"So, you need to talk to Jiro." Paalala ni Aaron at tumango naman ako.

Hindi ko alam kung tama bang kausapin ko siya baka kasi itaboy ako pag nagpaliwanag ako.

"Natatakot ka no?" Tanong ni Sam naka nagpilit ako ng ngiti.

"Yeah, natatakot ako na baka tabuyin niya ako." Nagaalangang sagot ko.

Napapikit naman ako dahil sa kabang nararamdaman ko. Parating na kasi si Jiro dito sa unit ni Sam. Nagpaalam ako na baka pwede dito kami magusap at pumayag naman sila.

"Wag kang matakot, maniniwala siya sayo. Tandaan mo, mahal ka ata ng pinsan ko." Determinadong sabi ni Sam kaya nabawas bawasan ang kaba ko.

Napatingin naman kaming lahat kay Darwin na tumayo at puwesto sa pinto.

"He's here." Sabi niya kaya nagtatatalon na naman ang puso ko sa kaba.

"Don't nervous, we're here for you." Paalala ni Gail kaya ngumiti ako sa kanya.


"Why?" Salubong agad ni Jiro kay Darwin ng makarating siya.

"May gustong kumausap sayo." Sabi ni Darwin kaya napakunot ang noo ni Jiro.

Ngumiti naman ako ng tumingin siya sa gawi ko. Nagpaalam na sila sa samin na umalis kaya naiwan kami ni Jiro ditong tahimik.

"Uhmm..." Paniwala ko kaya natawa siya ng konti. Napairap naman ako sa pagtawa niya. At least nabawasan ang tensyong naguhit sakin.


"Jiro, gusto kong sabihin na sorry..." Sabi ko kaya napatingin siya sakin. Ako naman, may nagbabadya ng luha.

"Sorry kasi iniwan kita ng walang paalam. Sorry kung nakipagbreak ako sayo ng walang pasabi. Sorry kung naging duwag ako sa pagmamahalan natin. I'm scared, Jiro. I'm scared na baka walang santuhin sa inyo ang lolo ko." Pagpapatuloy ko at tuloy tuloy na din ang luha ko.

"Nung nagKTV tayo, dumating ang Lolo ko at nalaman niya ang tungkol sa relasyon natin.... Nagbanta siya na sisirain niya ang buhay mo kung hindi ako sasama sa kanya at natakot ako nung panahon na yun... Ayaw kong masaktan ka kasi mahal kita kaya pumayag ako."


"Nung birthday ko, yun yung last na pagsasama natin at pumayag siya kaya sayo ako nagcelebrate ng birthday kasi kailangan kita nung mga panahon na yun....ikaw lang ang gusto kong kasama.. ayokong mawalay sayo pero kailangan kong gawin parin na rin sayo."

"August, nagtanong ka sakin kung okay lang ako nung mga panahon na yun at sinagot kita ng oo, okay lang ako pero hindi. Hindi ako okay. Yun yung panahon na sinabi saking hanggang anim ng buwan nalang ako dito. Umiyak ako ng umiyak nun kasi hindi nila ako mapayagang dito nalang pero ayaw ni Lolo. I hate sunrise because it represents another day, another day with every one but less time to us and I don't love it."


"Pinigilan nila akong lahat na mahalin ka kasi ng aalis ako pero hindi ko napigilan kasi mahal na kita umpisa palang, pano ko pipigilan ang nararamdaman ko kung araw araw kitang nakikita at nakakasama? Pero nilimitahan ko ang pagmamahal ko kasi aalis ako pero wala akong isang salita, Jiro. Kasi sumobra na eh. Sumobra ang pagmamahal ko sayo kaya I'm sorry, Jiro. I'm sorry."


Iyak ako ng iyak habang sinasabi lang ng yun sa kanya. Nakakabawas naman ng hinanakit ang lahat ng yun.

"Alam ko ang lahat ng yan." Napatingin naman ako kay Jiro ng sabihin niya yun. Alam niya? Pano?


"What?"


"Alam ko ang lahat ng yan, Kyle. Kaya hindi ako nagalit sayo kasi hanggang huli ako parin ang inintindi mo." Ulit niya kaya napahawak ako sa bibig ko.


All this time he knew. Fvck!


"H-how?"


"Kay Tito Miel, nagkausap sila ni Kuya Red at nasabi ni Tito Miel kay Kuya kasi nalaman niya na hindi na ako napasok at nagpapatuloy pa.."

Nanatili naman akong tahimik habang nagpapaliwanag siya.

"Ang daming nawala sakin, Kyle nung iwan mo ko. Hindi ako napasok, hindi ako ang nagrepresent ng fashion week kasi wala ka. Ano pang gagawin ko kung wala ka naman na sa tabi ko? Magmumuka lang akong tanga nun. Naging pariwara ako nun, inom, tulog, inom, tulog lang ako. Hindi ako napasok ng college at muntik pa akong hindi makatungtong ng 2nd year. Then, nakilala ko si Sari, tinutulungan niya ako kahit ayaw ko sa kanya noon. Para siyang naging kaibigan ko at kasandal maliban dun sa anim. Hindi naalis sa tabi ko kahit anong gawin kong pagtataboy sa kanya kaya naging kaibigan ko siya."


"Nakausap ni Kuya si Tito Miel at sinabi kay Kuya ang pinagdaanan mo kaya sinabi sakin at kina Mom. Hindi ko matanggap noon na ganun yung sinapit mo kasi buong akala ko, iniwan mo ako kasi wala lang. Nagkulong ako sa kwarto ng tatlong araw dahil nalaman ko yun. Ang sakit saking malaman na ang kaisa isang babaeng minahal ko, pinagtanggol ako. Wala akong nagawa, tangna! Kaya bilang kapalit, nagaral na ako ng mabuti at nakuha akong model sa university ng pinapasukan ko. Kumanta din ako doon kaya napansin ako ng showbiz industry kaya kinuha ako bilang trainee at hindi nagtagal, naging isang sikat na actor at singer ako. Pinagsabay ko ang pagaaral kasi alam kong matutuwa ka kapag nagaaral ako. Kaya ngayon, malayo na ang narating ko nang dahil yun sayo."


Nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit at doon ko na binuhos ang mga luha ko. Thank you, Jiro.


"Thank you for understanding me, Jiro." Bulong ko.

"Salamat kasi may tiwala ka sakin." Bulong naman niya.


"May hindi pa ako sinasabi, Kyle." Sabi niya kaya napakalas ako ng yakap.

"What is it?"


Ngumiti siya. "I.....still....love.....you.."

The next thing I knew.....he kissed me.

"God knows how much I missed you and I love you." Bulong niya pagkatapos niya akong halikan.

Oh. Geezzz... That's my first kiss and I'm sure, he is my last kiss.


"I love you, Kyle Zyrene."


Ngumiti ako at sinabi ang matagal ko naring gustong sabihin.





"I love you too, Jareen Antonio."

Bad Timing Of LoveWhere stories live. Discover now