Chapter 46: Miss

20 5 0
                                    

KYLE



Napatuloy ang party ni Bryle at panay naman kami kwentuhan pero syempre hindi dumadahas ang tingin ko kay Jiro aba, sino ba naman magiging tino kung ginawa niya yun. Kung hindi pa kami tawagin nina Gail hindi siya aalis sa tabi ko eh. Pinagpapawisan tuloy ako.

"Doc, hindi ko ineexpect na barkada pala kayo nina Sam," pagkukwento ni Sari kaya binigyan ko siya ng magandang ngiti.

"Bakit Sari, hindi ka ba makapaniwala na may Doctor kami sa tropa?" Biro ni Bryle at uminom ng alak.

"Hindi, hindi lang ako makapaniwalang may kaibigan kang maganda," bawi ni Sari at inirapan si Bryle. Agad naman kaming natawa sa asaran ng dalawa.

"Uh, yes. Since high school pa kami magkaibigan." Sabi ko kaya nakita naman ang amazed na muka ni Sari.

"Luh, ang galing," puri ni Sari at tumingin kay Jiro. "Saan nga pala kayo naghigh school?" Tanong niya dito kaya saglit itong tumingin sakin kaya nagiwas agad ako ng tingin.

"Bernardo Lirio International School," sagot niya.

"Ang bongga ng dating school niyo ha," puri naman ni Sari at ngumiti sakin. Lumabas naman siya pagkatapos dahil may tumawag sa kaniya.

"Teka, kelan kasal?" Napatingin naman kaming lahat ng magsalita si Sam. Akala ko kay Gail niya sinasabi yun pala nakatingin siya kay Paul.

"Uh, hindi pa namin alam eh, diba Kyle." Sagot ni Paul.

Tumango naman ako. "Pinagpaplanuhan pa namin eh,"

Tama, kasama ako sa pagpaplano ng kasal ni Paul, tutal ako lang ang babae sa pamilya sakin inasa ni Paul lahat para sa kanya. Ganyan siya kakapal ang muka.

Napatingin naman kaming lahat kay Jiro nang malakas niyang inurong ang upuan niya.

"Excuse me," seryosong sabi at umalis.

Naiwan naman kaming tahimik at napadako ang tingin ko kina Gail, Darwin, Bryle, Daryl, Aaron at Sam dahil sa kakaiba nilang tingin.

"Tsk, HB siya," biglang sabi ni Aaron kaya nakita ko ang pagaalala sa muka nilang anim.

"Huh? Ano daw?" Bulong ni Paul kaya nagkibit balikat ako.

"By the way, congrats sa inyong dalawa." Sabi ni Gail kaya nagkatinginan kaming dalawa ni Paul. Congrats saan?

"Para saan?" Tanong ni Paul.

"Sa kasal, invited kami ha." Sagot ni Sam kaya hindi namin mapigilang humagalpak kakatawa ni Paul.

Taka naman silang napatingin samin kaya sinenyasan ko na si Paul na tumigil.

"Anong nakakatawa?" Takang tanong ni Daryl.

"Seriously? Akala niyo kaming dalawa ni Paul?" Natatawa kong tanong at nagsitanguan naman sila.

"Oo kaya, nung una namin siyang nakita may dala siyang bulaklak sayo tapos kalat sa buong hospital na engaged na kayo kasi narinig daw ng mga nurse na nasigaw si Paul ng 'she said yes' at higit sa lahat yang singsing na suot mo," pagpapaliwag ni Sam kaya natawa ulit kami.

Bad Timing Of LoveWhere stories live. Discover now