Chapter 25: Fiesta

23 3 0
                                    

KYLE'S POINT OF VIEW

Hanggang ngayon hindi padin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Pero at the same time kinakabahan ako. Natatakot ako or what. Ayokong makarating kay Mr. C to kasi for sure hindi sya papayag. Alam kong papayag sina Daddy at Mommy tsaka si Tito.

"Kyle." Tawag nila Sam at Gail ng makarating kami sa bahay nila Jiro.

"I'll go ahead." Sabi ni Jiro sakin kaya ngumiti ako at pumasok na sya sa loob. Naiwan naman kaming mga babae.

"Girls, anong pakiramdam na may umamin sa inyo?" Bigla kong tanong na naguluhan naman sila.

"Uh, masaya pero may halong kaba." Sagot ni Gail.

"Why?" Sam.

"Kasi.... Jiro was confess with me." Sagot ko at nagiritan sila.

"Huy ano ba! Ingay no." Sabi ko.

"Damn. I can't believe it." Sabi ni Gail at iiling iling si Sam.

"I know." Sabi ko at tumatawa tawa.

"Alam naman naming aamin yan sayo pagnandito na tayo." Sabi ni Sam kaya nagulat ako.

"You knew?" Tanong ko.

"That he likes you, yes but other than that, no." Sagot ni Sam at tango ang sinagot ni Gail.

"Alam mo Kyle, talagang may magkakagusto sayo. Eh sa ganda mong yan." Sabi ni Gail kaya nahiya ako.

"Tss. Kalokohan." Sabi ko at nagtawanan kami. "Tara na nga!" Sabi ko at pumasok kami sa loob.

Nakita namin yung lahat ng boys even Kuya Red and Tito Miel na nagtatawanan sa living room.

"Hi guys." Napatingin kami sa dumating. Isang mag-asawa. Maganda at sexy yung babae at matangkad at gwapo yung lalaki.

"Mom, Dad." Sabi ni Jiro.

'Woah! Mommy at Daddy nya yan?'

"Hi, son." Sabi nung mommy at nagbeso sila ni Jiro at Kuya Red.

"Hi Tita at Tito." Sabi nila Sam.

Pagkatapos nilang magbeso ay nahagip ako ng tingin nila Tita.

"Who's the beautiful girl here?" Tanong ni Tita kaya lumapit sakin si Jiro.

"Mom, Dad. This is Kyle Zyrene Chavez.... The girl i like." Sabi ni Jiro kaya nagulat ako at ngingisi ngisi naman sina Aaron.

"Oh.. Hi ija. So, you're Jiro's girlfriend?" Tanong ni Tita.

"Mom, no. Nililigawan ko palang." Sabi ni Jiro kaya tumango ako.

"Oh, nice pick son. She's beautiful. Hi Kyle Zyrene." Sabi ni Tito at nakipagbeso.

"Hi po, Mr. and Mrs. Salameda." Sabi ko.

"No need to be formal Iha, just call me Mom." Sabi ni Tita kaya nagulat ako at nahiya.

"Mom." Suway ni Jiro.

"Just kidding, just Tita." Sabi ni Tita at nakakagulat kasi niyakap nya ako.

Nagkwentuhan lang kami ng mga magulang ni Jiro at nakakatuwa kasi ang dami nilang kwento. Muka namang pahiyang pahiya si Jiro sa tabi ko. Natapos nadin kaming kumain ng tanghalian at naglibot libot nalang kami.

"Hahahaha..... Panda ka pala eh." Asar ko.

"Ang daldal kasi ni Mom." Sabi nya.

"Ayaw mo nun. Nakilala kita." Sabi ko at natawa sya.

"Okay ganito nalang. Magsabihan tayo para makilala natin ang isa't isa." Sabi nya at tumango ako.

"Favorite color?"

"Brown." Me.

"Black." Sya.

"Favorite dish?"

"Sinigang." Me.

"Abodo." Sya.

"Birthday?"

"January 27." Me.

"October 24." Sya at nagulat ako.

"Tomorrow." Sabi ko at tumango sya.

"Animal na takot?"

"Mouse." Me.

"Bee." Sagot nya.

"Love animal?"

"Cat, because i have a rogdoll." Me.

"Dog." Sya.

"Favorite cartoons?"

"Grizz of bare bears." Me.

"Panpan of bare bears." Sya.

Matagal din kaming nagganon ni Jiro at aaminin kong nakilala ko sya kahit sa maliit na bagay na yun.

Lumipas ang gabi at natulog kami dun at kinaumagahan ay rinig na rinig na namin ang mga banda dahil sa lakas ng pagpapatutog nila. Marami kaming nakisayahan at nakakatuwa kasi ganito pala ang fiesta. May mga sumali ng contest gaya ng sayaw at kanta. Niyaya kami pero hindi kami sumali. Nannood din kami ng contest ng ginoo at ginang San Lucas ng taon. Madami din nagpakilala sakin pero harang agad nitong isa. Natapos naman ang contest at nanalo yung Caloy at Maan. Dahil magaling silang sumagot na dalawa.

Nagkaroon din ng mga laro at sumali pa sina Aaron at Bryle. Panay naman cheer ang ginagawa namin kahit natalo si Bryle at si Aaron ang nanalo. Madami ding nagpakilala sa kanya pero sinabi nyang taken na sya at si Sam ang sinabing girlfriend kaya todo hampas at batok ang ginawa ni Sam kay Aaron na tatawa tawa sa ginawa.

Nang lumipas ang gabi ay nanood kami sa plaza ng mga palabas gaya ng pagtatanghal tsaka mga nakakabilib na ginagawa. Namangha naman ako sa mga naarteng tao dahil parang sila yung tunay na pinoprotray nila. May damang dama ang iyak, galit, lungkot at iba pa. Nakakakaba din yung mga acrobatic stunt's na ginagawa nung acrobat, napapasigaw kami at napapatili sa bawat may nagtatakang mahulog pero magaling. May dumating din palang artitsta, si Kyle Echarri daw yung name. Ang galing kumanta nung Kyle at kapangalan ko pa sya. Nage-english sya tapos minsan tagalog at gwapo talaga.

Nang matapos lahat ng nagtanghal ay umuwi na kami. Pagkarating namin ay naligo na ako at natulog. Kinabukasan, ay maaga kaming nagising lahat at namasyal sa buong San Lucas.

"Maganda dito." Sabi ko sa tabi ko ng masilayan ko ang buong damuhan sa malawak ng lupa dito.

"Oo, madami kapang mapupuntahan dito." Sabi nya.

"Sa susunod babalik ako dito." Sabi ko.

"Babalik tayo dito." Sabi nya.

"Babalik." Nakangiting sabi ko.

"At sa panahon na babalik tayo dito, girlfriend na kita." Sabi nya.

"Before i forgot, happy birthday Jiro." Sabi ko.

"Salamat." Sabi nya.

Nagcelebrate kami ng birthday ni Jiro at naging masaya naman. Kumanta sya at sumayaw. Puro kami tawa dahil sa mga kalokohan nila Aaron at Bryle.

Napangiti naman ako. Hindi ko to makakalimutan. Na naging masaya ako sa piling nyo kahit panandalian lang. Sana wag kayong magalit sakin kung sakaling hindi ako magpapaalam na umalis ako. Pero babalik ako para sa inyo.

'Happy birthday Jiro. Thank you for all you've done to me. I hope that you're happy today. Sana wag kang magalit sakin paginiwan kita kasi sa ngayon takot pa ako pero isa lang ang alam ko at hindi ako nagsisisi. Malalaman mo rin sa tamang panahon na... Gusto din kita.. Jiro.'

Bad Timing Of LoveWhere stories live. Discover now