Chapter 40: No way!

19 2 0
                                    



Sa nagdaang pasko, sobrang saya ko. Hindi maaalis sakin ang memoryang ginawa aming pamilya. Masaya lahat kami na animo'y walang problema.

Hanggang sa nagnew year na at sabay sabay kaming nagbukas ng bagong taon. Bagong taon na masaya at masagana. Hindi nawawala saking mga labi ang ngiti sa mga diriwang na ginawa namin. Kumpleto din kaming lahat, kasama pa ang pamilya ni Tita Kylie kaya lalong sumaya.




And now, it's a normal day at panibagong pasok na naman ng school. Kahit gano ako kasaya noong nagdaang pasko at new year hindi padin maalis saking aalis na ako sa buwan na to. Nangangamba akong baka mamaya o bukas sunduin na ako dahil six months na ang nakaraan. Kahit anong gawing kong iyak wala parin, aalis padin talaga ako.


Ngayon'y aalis ako nagbahay dahil nagyayang lumabas sina Daryl at magki-KTV daw kami.


"Hi, love." Napangiti ako sa tawag niya sakin tsaka ko siya bineso.

"Hi," sabi ko din.

"Advance happy birthday?" Nakangiting sabi niya.

Birthday ko na kasi bukas kaya ganyan nalang ang bati niya. Nakapagcelebrate din kami together ng aming first monthsary. Lumabas lang kami at naghanda siya ng isang simpleng dinner para saming dalawa at sasabihin ko talagang kinilig ako dahil lahat ng paborito ko nandon lahat.

"Ano kaba, wala pa naman e pero thank you." Sabi ko at niyakap siya.



Gaya ng gagawin namin, nagpunta kami sa KTV at naabutan naming nandon na ang lahat at kami nalang ang hinihintay. Nalaman ko ding irentahan pala ng kambal ang private room para dun kaming lahat. Ilang oras din kaming nagsaya at nag-kantahan. Sinurpresa din nila ako ng cake para sa birthday ko bukas.

"Ang wish ko sayo, sana manatili kang maging mabait at maganda." Sabi ni Bryle at kumindat pa kaya natawa kami pero di lang yun, nakatanggap din siya ng batok kay Jiro kaya mas lalo din kaming natawa.

"Ako naman, sana wag kang magbago tsaka sana magkaibigan parin tayo hanggang dulo." Sabi ni Darwin kaya ngumiti ako at tumango.

"Ako naman, sana wag magbago ugali mo at sana hatian mo ako sa mamanahin mo." Pagbibiro ni Daryl kaya nagtawanan kami.

"Me, sana magkasama pa tayo ng matagal para meron naman akong mukang nakikita hindi lang puro sina Sam at Gail." Biro ni Aaron kaya nakatanggap siya ng batok sa dalawang girls.

"I'm the next," sigaw ni Gail kaya natawa ako. "Sana maging doctor ka para sayo na ako magpapagamot at sana may discount ha." Sabi niya kaya tumawa na ko. Wish ba yun?

"Ako naman, wish you all the best, stay what you are and be kind always." Sabi ni Sam at niyakap ako.


"Salamat sa inyong lahat, hindi ko to malilimutan." Sabi ko at tumulo ang luha ako. Agad naman nila akong inamo lalong lalo na si Jiro.

"Hey, what's wrong?" Tanong ni Sam habang hinihimas ang likod ko.

'Wala lang, hindi ko lang matanggap na mawawala ako sa inyo. Kahit anong pakiusap ko hindi padin pwedeng manatili sa tabi niyo.'


Hindi naman maaaring sabihin yan kaya iling nalang ang tanging nasagot ko.


"Stop crying, ako ang nasasaktan eh." Bulong ni Jiro kaya palihim akong lalong umiyak.


'Nasasaktan din ako Jiro, pero pano ko to pipigilan kung mawawala ako sayo. Patawarin mo sana ako kung iiwan kita. Alam kong magagalit ka pero sana wag mo kong kakalimutan. Makita lang kitang nasasaktan tinutusok na ako. Mahal kita.'





Nang humupa na ang iyak ko ay nagpatuloy na sila sa pagpaparty. Nanahimik naman kami ni Jiro sa isang tabi na magkahawak ang kamay.

"I love you," rinig kong bulong niya habang tinutusok ang daliri niya sa kamay kong hawak niya. Pinipigilan kong umiyak baka kasi pagumangat ang ulo niya makita niya akong naiyak.

"Birthday mo na bukas, Kyle. Alam mo bang masaya ako ngayon kasi kasama kita. Masasabi ko sayo ang nararamdaman ko." Sabi niya pa. "Masaya ako pag masaya ka, malungkot ako pag malungkot ka, iiyak ako pag naiyak ka, nasasaktan ako pag nasasaktan ka at mahal mo ko at mahal kita." Narinig ko naman siyang natawa kaya napaiwas ako at pasimpleng pinupunasan ang mga luha ko.


Tumingin siya sakin ng nakangiti kaya ngumiti din ako sa kanya pero kahit anong pilit kong maging masaya malungkot at  parin na ngiti ang binibigay ko sa kanya. Naputol ang paguusap namin ng biglang nag-vibrate ang phone ko..



From: Mom


Go home. Now!






'Teka! Kinakabahan ako ah.'




"U-uh, guys. I need to go. Hinahanap na ako eh." Sabi ko at nagayos na.


"Luh? Ganon ba, sige. Bye Kyle." Sabi nila.



"Hatid na kita." Sabi ni Jiro.


"No need, nasa labas na ang sundo ko." Sabi ko at muka naman siyang nadismaya kaya hinalikan ko nalang siya sa pisngi. "I love you," bulong ko.


Lalabas na sana ako ng pinto ng biglang humarang si Jiro.

"Te amo." Bulong niya at hinalikan ako sa noo at niyakap. *Te amo = I Love You*




Pagbaba ko sa ground floor, nakita ko don ang hindi ko inaasahan na taong makikita ko ulit.


"Get in," seryosong sabi niya. Seryosong sabi ni Kuya Zane.



Anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito? Sinusundo niya ba ako? Bakit?



Habang nasa byahe ako ay nanatili akong tahimik, hindi pa nagsi-sink in sakin ang nangyayareng to. Pero isa lang ang nasa isip ko. Uuwi na ba ako ngayon?



"Zyrene, I'm sorry." Salita palang ni Kuya Zane iba na eh. Ayoko na.


"Ginawa ko ang lahat, princess pero sadyang ayaw niya." Pagpapatuloy niya.


Tulala. Yan ang ang ginawa ko sa buong byahe hanggang sa makarating ng bahay. Pagkarating ko, ramdam ko na ang kakaibang atmosphere sa bahay hanggang sa makapasok ako at hanggang sa makita ko ulit siya.


Ang taong kasama ko buong buhay ko. Ang nagtuturing saking princessa at ang taong ayaw akong mawala sa paningin niya.


"It's nice to see you again, mi amor." Nakangiting bati niya at niyakap ako.








"M-mr. C..."

Bad Timing Of LoveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang