Chapter 12: Fetching Zeke

36 3 0
                                    

KYLE'S POINT OF VIEW

"Ate, si Kuya Jiro nasa baba na." Tawag sakin ni Zyrone.

"Sandale." Sabi ko at nag makaayos ay bumaba na din ako. Nakita ko pang kausap ni Manang si Jiro.

"Let's go." Saad ko kaya tumayo na sya't nagpaalam.

It's Saturday and ngayon na namin susunduin si Zeke.

"You're outfit is fit on your personality." Sabi nya sabay bukas ng passenger seat. Napatingin naman ako sa suot ko.

Simpleng pantalon, na puting t-shirt na may denim at puting sapatos.

"Salamat?" Patanong kong sabi kaya natawa sya.

"Hahaha... Let's go." Yaya nya kaya umalis na kami. Nakarating kami sa airport mga around 10:45 am at ang landing ng airplane ni Zeke ay 11 am. Naghintay pa kami ni Jiro hanggang sa nagsidatingan na ang mga pasahero. Napangiti naman ako ng makita ko si Jirong nakatutok sa phone nya.

"Bakit?" Tanong nya. Ay nahuli pala ako.

"Wala. Nakakatuwa lang kasi."

"Ha?"

"Wala."

"Zyreneee??" Sigaw ng nasa harap ko at pagtingin ko....

"Zeke." Sambit ko at yumakap naman sakin ang lalaking to.

"I miss you." Nakangiting sabi nya.

"I miss you too." Sagot ko at napatingin naman sya kay Jiro.

"Who is he, Zyrene?" Tanong ni Zeke habang nakatingin kay Jiro.

"I'm Jareen Antonio, Jiro for short." Pakilala ni Jiro habang nakalahad ang kamay kaya tinanggap ito ni Zeke.

"Zeke Khemmer, Zyrene's cousin." Pakilala din nya.

"Tapos na ba kayong magpakilala sa isa't isa? At baka pwede na tayong kumain dahil kanina pa ako nagugutom." Sabi ko kaya umalis na kami at pumunta sa mall nina Jiro.

Pumasok kami sa isang restaurant tsaka umorder si Jiro.

"Zyrene, ka-ano ano mo si Jiro?" Tanong ni Zeke ng saglit na umalis si Jiro.

"He's my classmate."sagot ko.

"Classmate? Eh bakit sya ang kasama mo sa pagsundo sakin?" Tanong nya.

"Sya lang kasi ang available para samahan ako. Tsaka mabait sya, ano ka ba." Natatawang sagot ko.

"Muka naman kaya okay lang." Sagot nya kaya natawa ako't nahampas sya.

"Aray ah." Maktol nya.

"O.A ah." Sagot ko kaya natawa kami.

Dumating na yung order at dumating nadin si Jiro. Nagkwentuhan naman kami ni Jiro at Zeke at nakakatuwa dahil close na agad silang dalawa. Palibhasa, mas matanda kami kay Zeke ng dalawang taon.

"Hey, tara ng umuwi." Yaya ko kaya umuwi na kami. Around 4pm na kasi eh.

Hinatid naman kami ni Jiro sa bahay.

"Bro, thank you ha. Kita tayo ulit." Nakangiting sabi ni Zeke kay Jiro.

"Okay....bye bro." Sabi ni Jiro at dali daling pumasok si Zeke sa bahay at naiwan kami ni Jiro sa labas.

"Hey, thank you ha, sa pagsama mo sa pagsundo kay Zeke." Sabi ko at natawa sya.

"Okay lang yan, sige na." Sabi nya at pumasok na sa loob ng kotse nya.

"Bye." Sabi ko at kumaway nalang sya tsaka umalis kaya nakangiti akong nakasilay sa palayo nyang kotse.

Pagpasok ko sa bahay namin, ay kausap na nina Mom si Zeke.

"So, ano iho dito ka daw muna?" Rinig kong tanong ni Dad kay Zeke.

"No Tito, six months lang po ako dito then pagbalik ko po sa states ay kasama ko na daw po si Zyrene." Sagot ni Zeke kaya walang nakapagsalita saming lahat.

Ang tagal na nahimik. Noong nakangiting si Mom and Dad ay naging seryoso pagkatapos marinig ang sagot ni Zeke. Noong nakikinig na sina Tito Miel at Kuya Zymon ay napaiwas ng tingin sa narinig eh. At noong lalapit na ako sa kanila ay napatigil sa narinig.

"A-ah, pagod ka na ba Zeke?" Pagiiba ni Mom ng usapan at tumango naman si Zeke. "Manang, pakihatid nga po si Zeke sa guests room." Dagdag ni Mommy at sumunod naman si Zeke kay Manang.

Pag-alis ni Zeke ay ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming lima kaya napabuntong hininga ako bago magsalita.

"Mommy, may taping kami bukas." Nakangiting sabi ko at napakunot naman ang noo nila sa sinabi ko.

"Bakit Zyrene, artista ka?" Asar ni Tito.

"Baka kasi po sa grades yun. Nye." Asar ko rin at ngingisi ngisi si Kuya.

"Saan, anak?" Tanong ni Daddy.

"Ewan pa po eh, depende po sa mga locations ng scenes." Sagot ko.

"Okay, but kailangan mo ng kasama." Sabi ni Mommy.

"At ako yun." Sabi naman ni Tito.

"Yah, Miel will join you in your taping." Sagot ni Dad at tamlay tamlay akong tumango bago tumingin kay Titong ngingisi ngisi.

Pagkatapos kong magpaalam ay pumunta na ako sa kwarto ko at nahiga muna upang magpahinga. Habang nakahiga naman ako ay naisip ko si Jiro kaya kinuha ko yung phone ko at tinext siya.

To: Jiro

Thank you sa kanina.

At wala pang ilang minuto ay nagreply na sya. Napangiti naman ako sa reply nya.

From: Jiro

No problem tsaka nandito lang ako, wag kang magalala.

Kaya pagkareply niya ay naligo na ako't nagbihis tsaka bumaba para kumain.

Panay lang din kwentuhan sina Mom, Dad, Kuya, Tito at Zeke. Nakatingin lang kami ni Zyrone.

"Ikaw Zyrene?" Biglang tanong ni Kuya kaya gulat akong napatingin sa kanya.

"Ha?" Tanong ko. Di kasi ako nakikinig.

"Sabi ko, kung may boyfriend ka na ba?" Tanong ni Kuya kaya gulat na gulat ko.

"Ano? Wala no! Ba't naman ako magbo-boyfriend?" deretsong sagot ko kaya nagtawanan sila.

"What's funny?" Takang tanong ko.

"Defensive ka kasi Ate." Sagot ni Zyrone kaya nahiya ako't nagiwas ng tingin.

"Oh, bat ka biglang nahiya? Is there something wrong?" Tanong ni Tito na nangaasar lang.

"Tss. Wala po." Sagot ko at umirap ng kunwari sa kanila.

"Akala ko pa naman boyfriend mo si Jiro kaya kayo yung nagsundo sakin." Biglang sabi ni Zeke kaya napadilatan ko siya ng mata na nagpatigil sa kanya.

'Patay.'

"Wait! What? Kasama mo si Jiro na magsundo kay Zeke?" Tanong ni Kuya kaya tatango tango ako.

"Bakit Zyrene?" Tanong ni mommy.

"Mom, siya lang po kasi ang available that time kaya siya nalang niyaya ko." Sabi ko at tumingin kay Kuya na hindi kumbinsido.

"It's okay. Mabait na bata naman ni Jiro kaya okay lang." Sagot ni Dad.

"Pero sa susunod Zyrene, kami ang una mong tatanungin pag nangyari ulit yun. Okay?" Sabi ni Kuya.

"Okay." Sabi ko at nagpatuloy akong kumain.



'Okay? What's wrong with Kuya Zymon?'

Bad Timing Of LoveWhere stories live. Discover now