Chapter 24: Confession

24 2 0
                                    

KYLE'S POINT OF VIEW

Nandito parin kami sa burol at tinatawag nya tong 'paraiso'. Hindi narin ako magtataka kung bakit kasi napakaganda ng lugar nato. Makikita ang buong San Lucas dito. Yung hangin masarap ang simoy, yung mga bulaklak masarap pagmasdan.

"Alam mo ba, dati gusto kong maging mayor dito." Sabi nya at nahihiya pang tumingin sakin kaya natawa ako.

"Seryoso? Bakit?" Natatawang tanong ko.

"Kasi para akin, masarap magpatakbo ng ganito kagandang bayan." Sagot nya kaya tumango ako.

"Ah. Ako naman, gusto kong maging Artista dati." Sabi ko at gulat syang napatingin sakin.

"Bakit?" Aniya.

"Kasi para sakin, lahat ay arte. Bawat galaw mo, bawat ipakita mo, bawat pagmamahal mo at bawat pagpapahalaga mo ay arte. I like acting before pero nabago yun nung dumating ako dito." Sagot ko ng hindi man lang tumitingin sakanya.

"So, ngayon ka lang nakapunta dito." Tanong nya.

Tumango ako. "First ko dito, four months ago. Akala ko wala lang ang bansa to. Syempre, laking america to." Turo ko sa sarili. "Pero, when i arrived here ay nagbago lahat. Dating masaya naman ako naging mas lalong sumaya ako, dating wala akong hinihiling ngayon, may hiling ako, at dating gusto ko nakukuha ko agad ngayon kailangang ko pang itrabaho." Dagdag ko.

Hindi sya nagsalita kaya tinuloy ko yung kwento ko.

"Ngayon lang ako naging malaya. Malayang gumalaw at malayang gawin ang gusto. When i was in states i feel like, I'm in the cave that doesn't have a key to go out." Sabi ko. "Nakakulong pero masaya, kontrolado pero masaya." Sabi ko at natawa.

"I never had a friends." Biglang sabi ko at nakita ng sulok kong mata ang pagtingin nya sakin. "That's why I'm very happy when the seventh of you came to my life." Dagdag ko at nakita ko syang natawa.

"And i never fell i love with someone." Sabi ko pa. "May nanligaw pero harang agad, may sumubok pero harang agad at may nahulog pero harang agad. Hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend kasi gusto ko yung hindi ako iiwan at ipaglalaban ako kahit gaano kayaman ang pamilya ko." Sabi ko pa.

"Mayaman. Yan ang description ko sa pamilya ko pero ang description ng iba ay 'sobrang yaman'. Feel ko sya pero binabalewala ko sya because i hate it. I hate being rich, i hate being famous because of my money and i hate being one girl in the whole family." Kwento ko.

"Only girl ka?" Gulat na tanong nya.

"Oo. Sa pamilya Chavez, nagiisang babae lang ako kasi dalawa lang ang anak ng lolo ko at parehong lalaki. Si Dad at Tito Miel. Tatlo anak ni Dad, Kuya Zymon, Ako at si Zyrone kaya ako lang ang babae. Sa pamilya Almero, lolo ko ay may Tatlong anak at puro ito babae and that's Tita Kyline, Tita Kylie at Mom. Anak naman ni Tita Kyline ay si Zeke at Kuya Zane, anak naman ni Tita Kylie ay sina Paul and Piel tapos si Mom ay kaming tatlo kaya ako lang din ang babae. Bansag nila sakin ay Princess." Sagot ko sa tanong nya.

"They call me Zyrene instead of Kyle but i hate the times that they call me Kyle. Because Kyle is for my real friends." Sabi ko kaya gulat na gulat na naman sya.

"Isa lang ang paniniwala ko sa buhay ngayon at sa pagibig." Sabi ko.

"Ano?" Tanong nya.

"Wag kang manatili sa buhay na nakagisnan mo dahil hindi ka nito madadala sa tamang buhay na ikakasaya mo." Sabi ko at tumango sya.

"Wag kang magmadaling magmahal ng tao kasi darating ang araw na may magmamahal sayo higit pa sa pagmamahal mo." Sabi ko.

"Ako din." Sabi nya kaya napatingin ako sa kanya.

"May gusto akong tao pero natatakot ako." Sabi nya at hindi ako nagsalita.

"Four months ago, i saw a girl in the mall. She's the reason why my heart is beating so fast. I tried to follow her but she's so fast that time until Darwin saw me and tell me that I'm inlove with that girl. I denied what he said because i don't believe at love at first sight then i saw her again and Darwin's right. I'm inlove with that girl." Sabi nya pero hindi pa din ako nagsasalita.

"Pero natatakot akong umamin kasi baka ireject nya ako pero minsan hindi ko mapigilang sabihin sa kanya noon lalo na't lagi kong nakikita ako mga tawa nya, ngiti nya, saya nya at pagmamahal nya sa bawat taong nakapaligid sa kanya." Sabi nya pa.

"Sabihin mo ang sinasabi ng puso mo." Sabi ko.

"Pero pano kung tanggihan nya?" Tanong nya.

"Pano nya tatangihan kung hindi mo sinasabi?" Sabi ko atsaka tumayo at tumayo din sya.

"Eh pano kung tanggihan.....mo?" Sabi nya kaya natigilan ako.

'I knew it.'

"Kyle, pano?" Sabi nya pa pero natigilan padin ako.

"Alam kong nakakagulat pero Kyle, gusto kita." Sabi nya at gulat akong napatingin sa kanya. Huminga sya ng palalim. "Gusto kita matagal na. Sinubukan ko namang wag mahulog eh pero hindi ko mapigilan." Sabi nya.

"Nagulat nalang ako ng paggising ko, totoo na pala yung sinabi ni Darwin."

"Jiro." Tanging nasabi ko lang ang pangalan nya.

"Nagulat din ako ng malaman ni Sam na may gusto ako sayo." Sabi nya.

'Kaya pala tinatanong ni Sam.'

"At laking gulat ko kanina ng magparinig silang anim sakin ng 'pangiti ngiti lang pero hulog na hulog na yan sa bestfriend nya' at alam na pala nila matagal na." Sabi nya pa.

"I know Kyle, I know. Pero hindi ko mapigilang mahulog sayo. I like you a lot, Kyle." Sabi nya pa.

"U-uh, Jiro..." Sabi ko. "Four months ago, merong sumusunod sakin na lalaki at nakita kita at Darwin kaya nung nagtransfer ako sa school at nakita kita at Darwin naalala ko yung sa mall kaya sayo agad ako nagpakilala." Natatawang kwento ko kaya napakamot sya sa buhok nya.

"S-sorry." Sabi nya.

"It's okay. Pero sa pag-amin mo ngayon ay....hindi ko alam." Sabi ko at ngumiti sya.

"Pero, liligawan kita." Sabi nya kaya nagulat ako.

"What?"

"I court you and I'll proved to you that I am the man who willing to love you more and who willing to fight for you no matter what happen. I promise to you that i will never lose you." Sabi nya pa kaya napatitig ako sa kanya at nasabi ang isang salita na nagpasaya sa kanya ng sobra.





"Okay."

Bad Timing Of LoveWhere stories live. Discover now