Chapter 23: San Lucas

26 3 0
                                    

KYLE'S POINT OF VIEW




Dahil sa pagpunta naming pamilya sa Villa ay hindi ako nakasabay kina Sam sa pagpunta sa San Lucas. Around 3hours na silang umalis pero nandito parin kami sa Villa. Ang sabi sakin ni Darwin ay 5hours daw mula rito ang papuntang San Lucas at binigay nya samin ni Tito ang map papunta dun.

After an hour ay nagpaalam na kami ni Tito kina Mom na aalis na kami ay pumayag naman sila, since 7am pa naman kaya aabot kami dun. Nagsimula na kaming umalis ni Tito. Siya ang driver at ako ang nasa passenger seat. Hindi naman kami naboring sa buong byahe dahil may tugtog naman sa kotse at hindi gaano traffic papunta dun. After, 5hours ay nakarating na kami sa San Lucas. Tinigil ni Tito ang kotse sa plaza para magtanong kung saan matatagpuan ang bahay ni Jiro dahil ilang beses ko ng tinawagan sina Sam pero cannot be reach at walang signal.

"Uh, manang!" Tawag ni Tito kaya napalabas din ako ng kotse.

"Bakit iho? Muka kayong bago ah." Sabi nung Manang.

"Ah oho. Magtatanong lang ho sana kami, saan ho ba dito ang bahay ng mga Salameda?" Tanong ni Tito.

"Ah, kina Mam Janice po ba?" Tanong nung Manang kaya tumango si Tito. "Ako si Manang Puring, ang dati nilang katulong. Ay sya sasamahan ko kayo sa bahay nila." Dagdag ni Aling Puring.

"Ah, ito nga po pala ang pamangkin ko si, Zyrene." Pakilala ni Tito sakin kaya nadako ang tingin ni Aling Puring sakin.

"Ay kagandang bata. Ika'y ga'y nobya ni Antonio, iha?" Tanong sakin ni Aling Puri.

"Uh, hindi ho." Tanggi ko.

"Nako at sayang naman, bagay pa naman kayo." Sabi nito kaya ngumiti nalang ako at tumingin kay Tito na ngingisi ngisi.

Sinakay namin si Aling Puring sa kotse at nakakatuwa kasi ang dami nyang sinasabi tungkol sa San Lucas. Kwento ng kwento hanggang sa makarating kami sa Mansion ng mga Salameda. Pumasok kami dun at nakita namin si Kuya Red. Nagusap muna kami bago ituro ni Kuya kung nasaan si Jiro.

"He's in the farm, nasabak sa laro." Sabi ni Kuya Red at tinuro ang mga tao nakumpulan sa malayo. Sinabi din nya nandon sina Sam kaya pumunta ako. Ayaw naman ni Tito.

Kinuha ko ang salamin ko at sinuot yun. Dahil mainit sa kotse ay pinindot ko yung botton na magbubukas sa taas ng kotse kaya ang kotse ngayon ay walang bubong. Pumunta ako dun, at nakita ko yung daan ay may nakalagay na 'we're close' kaya bumaba ako at pinark ang kotse sa mga kumpulan din na kotse. Naglalakad ako papunta sa mga kumpulan na tao. Pagkarating ko dun, nakita ko ang hindi inaasahang pangyayare. Si Jiro nakikipagbuno habang nasa putik. Punong puno ng mga putik ang buong katawan nya.

Pinagmasdan ko sya, magaling siyang makipaglaban, malakas, bawat galaw mabilis, bawat galaw ng kalaban nya alam nya kaya di nakapagtataka namananalo sya. Napapangisi tuloy ako sa tuwing napapatumba nya yung kalaban. Napatigil naman ako sa panonood ng biglang dumako ang tingin nya sakin at ngumiti. Napangisi naman ako ng makita kong napabagsak nya na ang kalaban nya. Todo tili at sigaw ng mga babae at bading na nanonood sa kanya. Ngumiti naman sya at nagpasalamat. Napapatawa naman ako sa itsura nyang punong puno ng putik ang buong katawan nya.

"At ang nagwagi ay si, Antonio Salameda." Sabi nung Tatay at may inabot na bulaklak kay Jiro. "Maari mo ng ibigay ito sa isang taong pinagaalayan mo ng iyong pagkapanalo." Dagdag niyon.

Nagtilian naman ang iba at sinasabing 'akin nalang' pero ngiti lang ginaganti ni Jiro. Nakita ko syang umalis sa putikan at deretsong lumakad papalapit......sakin.

Nang makalapit siya ay nginitian nya ako.

"Miss, para sayo." Abot nya sakin ng bulaklak at napatingin pa ako sa bulaklak bago ito kunin. It's a rose.

"I thought you're not coming." Sabi nya habang inaamoy ko yung rose.

"Pwede ba naman yun?" Sagot ko at napangiti sya.

"KYLEEEE!!" sigaw sa likod ni Jiro at napatingin ako dun. Nakita ko yung anim.

"Hi, guys." Bati ko. Inakbayan naman ako ni Daryl, ginulo naman ni Bryle ang buhok ko, inapiran naman ako ni Aaron, niyakap naman ako nina Sam at Gail at tinanguan ako ni Darwin.

"Miss na miss ah." Sabi ni Jiro kaya nagtawanan kami.

"Oy Jiro, baka naman makakapagbanlaw kana. Nakakadiri." Suway sa kanya ni Sam at gulat pang tumingin sakin bago kumaripas ng takbo papaloob ng banyo sa isang bahay.

"Kaninong bahay yung pinasukan nya?" Tanong ko.

"Kay Tatay Juan yan. Dating driver nila Jiro." Sagot ni Aaron.

"Uy Kyle, akala ko di kana pupunta." Sabi ni Sam.

"Uh, haha.. Hindi ah... Natagalan lang ako." Sagot ko.

"Magsasaya tayo dito ngayon at bukas." Sabi ni Bryle.

"Ano bang ganap?" Tanong ni Darwin.

"Ngayon ay wala masyado pero bukas merong singing contest, dance contest at isang pageant, girls and boys edition. Maganda dapat at gwapo." Sagot ni Daryl.

Mahaba din ang napagusapan namin bago dumating si Jiro at nagyaya na sa bahay nila at nasabi ko din na nandon na si Tito. Kanila pala yung dalawang kotse. Sinabi ko din na may dala akong kotse.

"Tara na, Jiro." Yaya ni Bryle pero umiling si Jiro.

"I'll go with Kyle." Sagot nito at pumunta sakin. Kinuha na ang susi at sya na daw magda-drive. Unang umalis ang dalawang kotse bago kami.

"Where did you want to go?" Tanong nya habang nagmamaneho.

"Hmm... Kala ko ba sa bahay nyo na." Sabi ko.

"Ayoko muna. Ano, saan?" Tanong nya.

"Kahit saan. Wala akong alam dito." Sabi ko at ngumiti sya.

"Okay. Dadalhin kita kung saan ako lumaki bago yun, punta muna tayo sa palibot ng San Lucas." Sagot nya at pinaharurot na ang kotse.

Una kaming nagpunta sa palengke ng San Lucas at nakakatuwa kasi kilala nila si Jiro at binabati nila kami, bumali pa nga si Jiro ng galunggong ba yun basta, kasi hindi pa ako nakakatikim nun. Sunod ay ang plaza na may rebulto ng Governor ng bayan. Sunod ay ang simbahan ng San Lucas, tumigil din kami para magsimba at magpray kay Lord. Sunod ay nilibot din namin ang mala-ektaryang lupain ng mga tubo. Bumili pa nga si Jiro ng turon tsaka pinakain nya sakin at nasarapan ako kaya nakadalawa ako. Last naming pinuntahan kung saan sya lumaki. Sa bahay ni Manang Puring. Nandito kami sa taas ng burol na malapit sa bahay nila Manang Puring.

"Gusto ko dito kasi maaliwalas...masarap ang hangin at masayang tumingin sa tanawin." Paliwanag nya.

"Ang ganda!" Nasabi ko habang pinagmamasdan ang buon mg San Lucas.

"Oo. Ang ganda. Ang ganda ganda." Sabi nya kaya napatingin ako sa kanya at nakita ko syang nakatingin sakin.

"U-uh, yung tanawin. Oo, maganda." Bawi nya at tumingin sa tanawin.

Natawa naman ako sa kanya.






'Reasons..haha'

Bad Timing Of LoveWhere stories live. Discover now