Chapter 20: Bagay kayo?

31 2 0
                                    

KYLE'S POINT OF VIEW

Pagkatapos ng review at exam ay ito na.

This is it. Ito na yung time na mapapanood ng lahat ang movie project namin. Lahat ng students mapapanood. Sheet.. Kinakabahan ako ah.

"Guys, handa na natin yung table." Sabi ni Sam kaya binuhat na ni Bryle at Daryl yung table sa tabi ng pinto ng school movie hall.

Bawat grupo, may aasigned area kung saang room ipapalabas ang movie project at naassign kami sa movie hall.

Inihanda na namin ang mga stabb at papel para sa mga manonood dahil malapit ng magsimula ang movie. Nagdadagsaan na samin ang mga students.

"Woah." Nasabi ko nalang ng makita kong sobrang daming tao ang nakapila.

First batch na manonood ay 100 people kasama na kaming walo.

"Ganyan talaga pagsikat ka." Biglang salita sa likod ko kaya napatingin ako at nakita ko si Jiro.

"Sus. Kayo lang naman ang sikat eh." Sabi ko kaya natawa sya.

"Hmm... Hindi eh." Sabi nya ng may pag-iling pa.

"Pa-humble." Nakangiting sabi ko at inirapan sya.

"Hahaha." Tawa nya.

After a minute ay nagsimula ng mag-stabb sina Sam at Aaron. Nagbibigay naman sina Gail at Darwin ng card sa kanila. Ticket naman ang kinokolekta namin ni Jiro at taga-ayos naman ng pila sina Bryle at Daryl.

"Aaahhhh... Hi Jiro, I'm Lisa." Sabi nung isa habang kinikilig na binigay kay Jiro ang ticket.

"Ah, hi." Sabi naman nitong isa.

"O my god, ako naman si Lea." Sabi nung isa.

"Hi Lea." Jiro.

"Hi jiro."

"Jiroooo."

"Sheett girl, ang gwapo..."

Yan ang mga sinasabi nung mga babae habang nagaabot ng ticket samin. Ngiti at tawa lang ang sinasagot ni Jiro o kaya binabati nya.

"Hi, I'm Ken." Pakilala nung lalaki sakin habang nakaabot ang ticket.

"Kyle." Sabi ko without shakehands.

"What a beautiful name." Sabi nung Ken kaya nginitian ko nalang sya. Kahit pa sya ay kapangalan ni Zyrone.

"Hi, ako naman si Ashton. You're Kyle, right?" Sabi nung Ashton kaya tumango ako.

"Ang dami kong naririnig tungkol sayo. Maganda ka pala talaga." Sabi nya kaya nginitian ko nalang sya.

"Can i get your number?" Tanong nya na nagulat naman ako.

"Hey dude, nakakasagabal na kayo sa pila." Singit ni Jiro.

"Sorry dude." Sabi nung Ashton tsaka tiningnan ako. "Maya nalang." Dagdag nya at kininditan ako.

"Psh, nakakainis." Hingal ni Jiro.

Natapos kami sa first batch at pinahintay naman namin yung iba pang tao. Pumasok nadin kaming walo sa loob at nagsimula ng manood.

Umpisa ng movie ay naririnig ko silang nagiiyakan dahil sa scene namin ni Jiro na heart breaking scene. Hiyang hiya ako habang nanonood dahil sa mga nakakilig na scene na lahat ng tao ay nagiiritan at naghihiyawan dahil sa kilig, ultimong sina Gail at Sam kinikilig eh. Habang tumatagal ay nawawala na ang hiya ko hanggang sa umabot sa dulo. Napangiti naman ako ng matapos ng maganda ang movie. Hindi pa kami nakakalabas puro na papuri ang binibigay samin eh.

Bad Timing Of LoveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang