Chapter 30

890 57 4
                                    


I opened the trash can and tossed the box in there.

Ugly shoes do not deserve to be in my closet.

May nagpadala kasi rito sa bahay ng Fila Disruptor and I swear, those shoes are one of the ugliest designs I've seen in my whole life.

Hindi ko na ito tinignan pa at isinara ang basurahan. Katatapos ko lang magbukas ng iba't ibang PR packages at ng mga padala nila Mom and Dad.

It's Saturday today and Vladimir went to his company to announce his vacation and bonus to his employees.

"Good afternoon po, Mam." Magalang na sambit ng isang trabahador na napadaan sa harap ko.

I smiled at him. "Good afternoon din." Bati ko pabalik. Kasalukuyan kasing may ginagawang bagong parte ng bahay sa west wing. Hindi ko alam kung ano iyon basta ipapakita na lang daw ni Vladimir sa akin kapag tapos na.

I'm guessing it's his walk-in closet too because mine is located on the east wing of the house.

Bumalik ako sa walk-in closet ko at inayos ang mga nagkalat na iba't ibang bagay sa sahig. Nang matapos ay nakuha ko ulit ang walang laman na lipstick ko. Agad ko itong kinuhanan ng litrato at ipinadala kay Vlad.

Could please buy this for me, babe? Thank you. I miss you!
sent.

Agad naman siyang nagreply na ikinagulat ko. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at nakita roon na alas tres na ng hapon. Free time niya ata.

Babe

Yeah, sure. Anything for you. I miss you too.

Kinilig naman ako dahil sa reply niya. Naubos na kasi ang last stock ng lipstick ko at nakalimutan kong bumili. Hindi na ako nagreply sa kanya dahil ayaw ko naman siyang istorbohin.

Naramdaman ko ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi nang maalala ang nangyari sa amin.

No, we didn't have sex.

Naligo lang kaming dalawa nang sabay dahil ayaw niya pa raw gawin iyon dahil alam niyang hindi pa ako handa.

I'm starting to recall how big he is. Nag-aalala ako para sa sarili ko. Parang hindi ko 'yun kaya.

Napasabunot ako ng aking buhok at napasigaw. Kailangan ko nang tigilan ang pag-iisip ng kung ano-ano.

Nang mahimasmasan ay inayos ko ang sarili ko at kinuha sa drawer ang nakatagong mga Hermes scarves.

I'm going to do a dangerous thing today.

Dahil ayaw ako palabasin dito sa bahay ay tatakas na lang ako. Hindi naman ata ako mahuhuli pero paano ko naman malalaman kung hindi ko susubukan di'ba?

Ipinagdugtong-dugtong ko ito dahil napagplanuhan ko na akyatin ang bakod sa labas. Nang matapos ay isinuot ko na ang aking sapatos at kinuha ang Chanel gold leather bag.

Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin. Nakasuot ako ng puting Guess na T-shirt na ipinares ko sa high-waist na denim shorts. Napili ko rin ang Adidas Yeezys na kulay puti at ipinares ko ang bag ko sa hikaw kong ginto na galing Bvlgari.

I smiled with determination before walking out of my closet. Pumunta ako sa kwarto ko at kinuha ang telepono roon.

"Good afternoon, how can we help you, Madame Celaine?"

Diamond EyesWhere stories live. Discover now