Chapter 3

1.1K 77 9
                                    


"Mabuhay, welcome to Ninoy Aquino International Airport. Thank you and we hope you had a great flight with us."

The plane just arrived here in the Philippines and it's like the world is moving around me. I'm feeling sick kahit ang kumportable ng First Class section ng eroplanong ito.

It's probably the jet lag.

I got out of the plane and waited for my luggages. Tito Lightning is in Bicol right now and he told me to wait for the service vehicle of his company para ihatid ako sa isa sa mga hotel nila.

Pagkatapos kong makuha ang mga gamit ko, dumiretso na ako sa labas ng airport para hintayin ang service. It's getting really awkward because a lot of people are looking at me right now.

Nakakailang. I think it's because of my eyes. They're one of my best features kasi at tama nga si Miguel, I have to do something about it.

I have contact lenses inside my bag pero napagdesisyunan ko na sa probinsya ko na lang iyon susuotin at saka madami rin naman ang mga foreigner sa pupuntahan kong lugar bago tumungo sa Bicol.

Kinuha ko ang aking cellphone sa hand bag ko at nagtype.

Pink coat and pink skirt. Black heels and black handbag with 2 LV luggage bags.

Sent.

I had to text the driver what I'm wearing right now para mabilis ang paghanap nila sa akin. I'm wearing a Gucci coat and skirt and a pair of black Alexander Mcqueen heels and my black Gucci hand bag. Susulitin ko na ang pagsuot ng mga ito tutal hindi ko rin naman 'to magagamit sa susunod na tatlong buwan.

A few moments later a white Limousine stopped in front of me and a doorman opened the door of the car. "Welcome back to the Philippines, Madam Celaine." he greeted. I smiled and said "Thank you."

Pumasok na ako sa loob at hinintay na matapos na ilagay ang mga bagahe ko sa trunk.

This car is too luxurious for a hotel service. I'm starting to admire Tito Lightning even more. He worked so hard for his company and now look at what he's got.

Pula at itim ang kulay ng interior nitong sasakyan at amoy matapang ang air freshener na ginamit. Lalaki ata ang nagdisenyo nito dahil ang lakas ng pagkalalaki nito.

Tumulak na ang kotse at inabot din ng dalawampung minuto bago kami dumating sa Bonifacio Global City. Nakakahilo rin tignan ang mga nagtataasang mga gusali dito katulad sa London.

I miss home already.

Ilang minuto pa at pumarada ang sasakyan sa harap ng isang napakataas na gusali na kulay itim at gawa sa salamin.

Ang ganda. Ang ganda ng disenyo nito. Ganito rin kataas ang main office nila Mommy sa London pero mas maganda ang disenyo nito. Moderno ito at may malaking letrang V na kulay pula na nakalagay bilang pangalan ng gusali.

V for what?

Agad din naman akong bumaba sa sasakyan at tinanggal ang sunglasses ko at tinungo ang daan papasok habang nakasunod ang isa sa mga body guard na kasama namin sa loob ng sasakyan.

Maganda ang loob nito katulad sa limo na sinakyan ko. Itim at pula lahat ang kulay ng bawat gamit sa loob.

"Good day, Mam. How may I help you? Are you looking for a room or do you have reservations?" bati sa akin ng staff na babae na nasa Hotel Counter.

Diamond EyesWhere stories live. Discover now