Chapter 5

984 70 4
                                    


Pagkatapos namin kumain ay nagpahatid na ako sa tutuluyan kong bahay. Andito na ako sa tapat ng pinto habang hinihintay na makuha ang tamang susi ni Tito.

Hindi na sumunod si Cloud dahil may tatagpuin pa raw siyang mga kaibigan niya kaya nauna itong umalis kanina.

"This is the simplest house I can find you, nak. 'Yung dati namin 'tong bahay at pinarenovate na lang namin para magtagal." Saad ni Tito Lightning.

Sinabi ko kasi na gusto ko 'yung maliit lang ang gusto ko. Dinaanan din namin kanina 'yung mga bahay na pagmamay-ari nila kaso ang lalaki no'n para sa akin.

It's a simple and modern type of house. Maliit lang itong bahay. Mas malaki pa 'yung walk-in closet ko dito, eh.

Katabi ng main door ang maliit na garahe at may gate rin bago makapasok ka sa bahay. Parang dorm ang estilo nito at mahalaman din.

"I don't mind, Tito. Mas gusto ko 'yung ganitong bahay." Sagot ko at nginitian siya. Ilang segundo pa at nakuha niya na ang susi kaya binuksan niya na ito.

Tumambad sa amin ang malinis at maaliwalas na salas. "Nasa taas ang mga kwarto. Dito naman sa baba ang salas, kusina, banyo at laundry area." At itinuro niya sa akin ang mga ito nang pumasok kami.

"Every week ay pumupunta ang caretaker namin dito pero hindi ko alam kung masusunod pa iyon dahil bakasyon naman at umuuwi siya sa Catanduanes." Aniya pa at tumango lang ako.

"'Wag ka mag-alala. Mabait iyon. Kung mapadalaw man siya dito, sabihin mo na lang na bago kang boarder."

"Sige po." Sabi ko habang linilibot ang tingin. Napadako ako sa family portrait nila.

Nakatayo si Tito kasama ang asawa niya at nakaupo naman ang dalawang batang lalaki.

Ang ganda ng lahi nila.

Ang cute ni Cloud, bilog na bilog ang mata habang nakangiti pero ibang-iba sa katabi niya. Seryoso lang itong nakatingin sa camera.

Ano na kaya ang itsura niya ngayon?

"Kung may kailangan ka ay tawagan mo lang si Dylan. Medyo malapit ang bahay nila dito. Safe rin naman ang lugar na ito, 24/7 ang nagbabantay na guwardiya sa gate ng subdivision." saad niya habang inilalapag ang mga groceries sa dining table. Bumili na rin kami ng mga simpleng damit at mga toiletries kanina.

"Sige na at magpahinga ka na muna. Kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako o kaya si Dylan ha."

"Dylan, dito ka muna matulog. Take care of Celaine." Baling niya kay Dylan habang dala-dala ang mga gamit ko.

"Opo." Magalang na tugon ni Dylan.

"Oh mauna na muna ako ha, mga anak. Kung may problema tawagan niyo lang ako." Pamamaalam ni Tito sa amin habang tinitignan ang relos niya.

"Thank you, Tito! We will. Take care po." Pamamaalam ko rin at hinalikan siya sa pisngi.

"Anything for you, nak. Bye na ha. Ingat din kayo." Saad niya at tinahak na ang daan palabas. Humarurot din kaagad ang sasakyan niya paalis. Nabanggit niya na may aasikasuhin pa raw siya sa kumpanya kanina habang kumakain kami.

"Mam—Celaine. Hindi pa po ba kayo aakyat sa kwarto niyo? Mukhang pagod na po kayo eh." ani ni Dylan.

"Teka lang, I have a question though." Sambit ko habang tinititigan pa rin ang family portrait ng pamilya ni Tito.

"Ano po 'yun?"

"Vladimir. What's he like?" I curiously asked. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na maging curious sa mapapangasawa ko.

"To tell you the truth, Mam, paminsan lang po kami magkita niyan ni Sir Vladimir. As in paminsan lang po talaga dahil abala iyan sa pagpapatakbo ng kumpanya nila." Sagot nito at tinignan din ang litrato ni Vladimir.

"Hindi po kami close hanggang ngayon at saka po, paminsan lang sila bumisita dito sa Bicol. Tahimik po siyang tao pero mabait naman po siya sa mga taong nakakasalamuha niya." Dagdag niya pa.

"Wala ka bang picture niya?" Tanong ko ulit. I really want to see his face.

"Wala po Mam. Iyan po ang isa sa pinakaayaw niya, ang kinukuhanan siya ng litrato. Ayan po siya oh. Ayan ata ang huli niyang picture na pumayag siya." At itinuro ni Dylan ang nakapicture frame na litrato ng binata katabi ang lapida ng kanyang ina.

Nakabraces at eyeglasses ang lalaking nasa litrato. May itsura rin naman siya kahit nerdy pero mas gwapo si Cloud.

He was smiling while holding a bunch of medals ngunit kahit nakangiti, halatang malungkot ito dahil sa mga mata niya. I felt sad all of a sudden.

It must have been hard for him to move on with his mother's death. It was the last time we went home in Philippines when they buried Tita Rainne.

Bumalik ako sa reyalidad nang magsalita ulit si Dylan sa likod ko. "Mam ako rin po may tanong." aniya. Lumingon naman ako sa kanya.

"Yes?"

"Kulay abo po ang mata niyo kahapon pero bakit po ngayon ay itim na? Contact lens po ba 'yung kahapon?" tanong niya habang tinitignan ako nang deretso sa mata.

Napatawa naman ako. "Bakit? Alin ba ang mas bagay sa akin?" balik tanong ko.

"Maganda pa rin po kayo sa parehas na kulay pero mas maganda po talaga 'yung grey kahapon. First time ko makakita ng ganoon eh." namamangha niyang sagot.

Kinuha ko sa shoulder bag ang case at dahan-dahang tinanggal at inilagay dito ang contact lens ko.

"Ito ang totoong kulay ng mga mata ko." saad ko at napangiti siya. Halatang namangha.

"Ang ganda po. Nakakadistract ang kulay." aniya habang inuusisa ang mga mata ko.

"Hahaha salamat. Oh siya magpapahinga na muna ako. Magpahinga ka na rin." I said in a tired voice.

We have an errand tomorrow. Pupuntahan namin ang coffee shop ng kaibigan ni Tito para makapagtrabaho ako doon. Ayaw ko rin naman humilata lang at tumunganga dito sa bahay ng tatlong buwan kaya kailangan ko ng pagtatrabahuhan.

"Opo. Itaas ko lang po itong mga gamit ninyo." nakangiti niyang sagot at tinungo ang hagdanan.

May itsura rin ito si Dylan. Mas matangkad din siya sa akin. He has that typical college guy aura. You know, boys in uniform na walang ibang ginawa kundi ang mag-aral.

Pagkatapos niyang iakyat ang mga bagahe ko sa taas ay sumunod na rin ako at nagpasalamat. Tatlong kwarto ang nasa taas at ang pinakahuli ang sa akin.

It's already 9 in the evening and I'm feeling a little bit sleepy. I've changed my clothes na rin para kumportable ang tulog ko.

I'm still worried about myself. I don't think I could be the perfect partner for him. What if it doesn't really work out? Ano ang gagawin ko?

I can't help but to look at the mirror in front of my bed. Magustuhan niya kaya ang appearance ko?

I started to brush my shoulder-length hair while staring at my reflection. Matangos naman ang ilong ko. Pinkish lips, soft and fair skin and a pair of light grey eyes.

I got most of my Father's genes. He's half British and half Spanish. Grey din ang mga mata ni Dad pero hindi katulad sa akin. Mas matingkad ang kulay ng mga mata ko at kapag tinitigan mo ito nang matagal, para kang tumitingin sa salamin.

My Mom is a pretty woman too at sa kanya ko nakuha ang kutis ko. Her skin is white as snow kahit pure Filipina siya. Nakuha niya ata sa dugo ng Lolo at Lola niya na may lahi kaya nakuha ko rin ito.

I started transitioning when I was 15. Gladly my parents were open and they supported me along the way.

Hindi ko kailanman naramdaman na isa akong lalaki kahit noong bata pa lang ako. Wala namang nagbago masyado sa katawan ko nang magsimula ako uminom ng hormones. Mas lalo lang ito naging manipis at tinubuan din ako ng maliit na dibdib.

I was supposed to lie on my bed when my phone rang. Iniabot ko naman ito kaagad sa side table at tinignan kung sino ang tumatawag.

It's Miguel.

Diamond EyesWhere stories live. Discover now