Chapter 28

867 61 11
                                    


Ilang oras na akong naglilibot-libot dito sa opisina niya at nababagot na ako. I went to the kitchen area of the office and found nothing there. Lahat kailangan lutuin.

Pagkatapos kong isara ang refrigerator ay tinungo ko na ang daan palabas. Sa cafeteria na lang ako kakain. I took the way to the elevator. Ilang segundo ang lumipas bago ako makatapak sa ground floor. Nang bumukas ang pinto at isinuot ko ulit ang aking shades at sinimulan na ang paglalakad patungo sa cafeteria.

This cafeteria is huge. Napapapalibutan ito ng maraming stalls at maraming upuan at lamesa sa gitna. Marami rin ang tao rito.

Napagdesisyunan ko na bumili ng donut at frappé sa isang stall. Pagkatapos ibigay sa akin ang pagkain ay agad din akong naghanap ng mauupuan. Swerte naman at nakatagpo ako ng upuan sa bandang gilid.

I started to cut the donut with a bread knife. Tinusok ko ito ng tinidor at kinain. Uminom din ako ng frappé pagkatapos.

"Mga Mare, grabe talaga ano? Gwapo na nga si Sir Lightning, mas lalo pang gwumapo ang pumalit sa kanya!"

"Sinabi mo pa! Ang gwapo ni Sir Sid! Sobrang winner naman ng girlfriend niya."

I was busy minding my own business but then I started to overhear the conversation that they're having. Hindi ko liningon ang ulo ko dahil sapat na ang peripheral vision ko para makita sila. Tatlo silang empleyado at kumakain din.

Binatukan naman siya nung isa. "Gaga! Anong girlfriend ka diyan? May asawa na iyon." Napatawa naman ako nang bahagya.

"Hala, true ba?! Nako, ikaw fake news ka na naman teh."

"Oo nga! Nakapasok na ako sa opisina niya. Nandon ang wedding portrait nila."

"Omg napansin ko rin 'yung wedding ring ni Sir. Kung gwapo si Sir Sid, jusko teh, ang ganda nung asawa. May lahi at kakaiba ang mga mata."

Gusto kong matawa pero hindi ko naman iyon pwedeng gawin dahil para akong tanga rito. Hay, hindi talaga mawawala ang mga chismosa sa mundo.

Tumango 'yung isa. "Pero usap-usapan na transgender daw ang asawa ni Sir. Sayang naman at 'di sila magkakaanak."

Biglang napawi ang ngiti ko. Nanlamig ang katawan ko dahil sa sinabi niya. Parang nawalan ako ng gana.

They're right.

I know Vladimir wants a family. Hindi ko iyon maibibigay sa kanya. Iba pa rin ang galing sa dugo at laman naming dalawa.

We haven't talked about it yet. Or maybe I don't want to talk about it at all. Parang may tumusok sa dibdib ko. I feel insecure. Sa dinami-dami niyang nakakasalamuhang babae sa trabaho niya, baka mapagtanto niya na hindi naman talaga ako ang kailangan niya.

Napaangat ang aking tingin nang makita ang pigura sa harap ko. He smiled at me. "Hi, is this seat taken?" Tanong niya sa akin.

May katangkaran ang lalaking ito. Maputi ang kutis at gwapo. Nakasuot siya ng corporate attire na kulay asul.

"Hey..." at iwinagayway niya ang kanyang kamay sa harap ko.

I composed myself. "No, you can take it. I'm leaving anyway." Malamig kong tugon at kinuha ang pagkain ko. Mabilis akong tumayo at naglakad palayo roon. I'm not in the mood for eating nor conversing with anyone.

••••••

"Why are you so quiet?" Vladimir broke the silence that was going on between us. Kasalukuyan siyang nagmamaneho ngayon at ako naman ay nakatingin lamang sa labas.

Nalulungkot talaga ako. I'm drowning in my insecurities again. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ng isa sa mga empleyado niya.

I felt his warm hand on my left thigh. Parang nakuryente ako sa ginawa niya kaya napaiwas ako.

"S-Sorry." Mahina niyang tugon. Hindi ko pa rin siya tinitingnan ngayon.

"The Milan Fashion Week is coming." Pag-iiba ko ng usapan. I received a text from Samantha earlier and she reminded me that we should attend the fashion week like we always do.

Bumuntong hininga siya. "And what about it?"

"Anong what about it? I'm always there. I have to be there." Pinipilit kong ikalma ang sarili ko. Naghahalo-halo na naman ang emosyon ko at lahat ng iyon ay hindi maganda.

He's acting like he doesn't know me.

"Kailan ba ulit iyon?" Tanong niya ulit.

"The week after next week." I coldly replied. Ilang segundo siyang hindi nagsalita kaya bumaling ako sa kanya.

Napaisip siya. "I have an on-site inspection for the new hotel on that week." Nahihiya niyang ani.

Biglang tumaas ang dugo ko patungo sa ulo ko. Wala na naman siyang oras para sa'kin. Dumagdag pa ang alaala na nakatabi namin sila ni Alessandra last year.

Kapag kay Alessandra meron, kapag sa akin wala?

"Look if you're not going that's fine with me. What do I expect about you? Alam mo bahala ka sa buhay mo. I'm going whether you like it or not!" Hindi ko mapigilang tumaas ang boses ko. Halatang nagulat siya sinabi ko at nakita ko kung paano humigpit ang hawak niya sa manibela.

I'm his priority but look at what he's doing. Nakakainis lang talaga. At saka, Disyembre na ngayon, hindi ba uso ang pahinga sa kumpanya niya?

He sighed. Nakatuon lamang ang atensyon niya sa labas. "Let's talk about it when we get home." Seryoso niyang tugon ngunit hindi ako natakot. Lunod na lunod na ako ngayon sa emosyon ko.

••••••

Nang itinigil niya ang sasakyan sa harap ng bahay ay hindi ko na hinintay na pagbuksan niya pa ako ng pinto. Mabilis ko itong binuksan at malakas na isinara.

I walked into our room as fast as I could. Hinubad ko kaagad ang aking suot dahil dumagdagdag pa iyon sa init na nararamdaman ko ngayon. Mabilis akong nagbihis ng night gown at kalalabas ko lamang ng CR ay tumambad siya sa akin.

Linagpasan ko na lamang siya at nahiga sa kama. "Let's have dinner first." Aniya ngunit nagbingi-bingihan ako.

Bahala ka sa buhay mo. Kumain ka kung gusto mong kumain.

"Celaine." Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang pagtawag niya sa pangalan ko.

"Wala akong gana." Naiinis kong sambit.

"You know I won't let you go there if I get mad right?" He said dangerously. Napaangat ako ng tingin at nakatitig lamang siya sa akin habang naghuhubad ng suot niya.

I should be scared right now but my insecurities are stronger. I rolled my eyes at him. "Whatever. Stay mad if that's what you want." Sagot ko sa kanya.

Namula siya dahil sa sinabi ko. I know he's trying his best to calm himself down. Hindi ko pa naman siya nakikitang magalit at parang gusto ko nang makita ngayon.

"Ginagalit mo ba talaga ako?"

"Oo, bakit? May problema ka?"

Mapakla siyang tumawa. "Damn, I can't believe this." Mahina niyang saad at kinuha ang tubig sa lamesa at uminom.

Huminga siya nang malalim nang matapos niyang inumin iyon. "Can we please talk about this maturely? We're married for Pete's sake." Kalmado niyang tanong.

"'Wag na baka wala ka namang oras." At tumayo ako sa kama at naglakad papunta sa pinto.

"Where are you going?"

"Somewhere you're not around. I don't want to sleep with you tonight."

Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin ngunit hindi ko na lang iyon pinansin. Dali-dali akong bumaba at pumunta sa sala.

I know I'm acting immature again but I can't help it. I don't know if this is just the effect of my HRT but I'm getting really emotional lately.

I started to wipe my tears that were rolling down my eyes. Binuksan ko na lamang at TV para malibang ako.

Diamond EyesWhere stories live. Discover now