Chapter 23

855 63 5
                                    


"Madame, you have an important call to answer." Anne interrupted as I was talking to the Mayor and the Governor.

"Please do excuse me, I think this is an urgent matter." Pormal kong saad. Tumango naman sila at ngumiti.

I'm thankful that Anne came to rescue me from the conversation that we were having. They were asking questions about my personal information and I simply cannot answer those because that'll risk my privacy and safety.

And I know they only want to know me because they just want the money and the power.

Tumingin pa sa'kin si Siderius ngunit inirapan ko na lamang ito. Ayaw ko na siyang makita ulit. Gusto ko nang kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Who is it, Anne?" Tanong ko nang makalayo kaming dalawa. Iniabot niya naman sa akin ang telepono na hawak niya at nabasa ko roon ang pangalan ni Dad.

Sir Ramses calling...
accept | decline

I immediately accepted the call. Bakit naman siya napatawag?

"Dad? What is it?" Deretsang sambit ko.

"Hello, anak. I only wanted to tell you that you're not flying to London tomorrow." Sagot niya. Ramdam ko ang pagkunot ng aking noo dahil sa sinabi niya.

"Huh? Why?" Naguguluhan kong tanong.

"Your Mom and I decided that you'll meet Lightning and his family at our Chateau. We're currently flying on the way there. I hope to see you there tomorrow."

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Hindi lang pala ako uuwi bukas.

I'm going to meet my fiancé.

"Celaine, dear?"

"I-I understand, Dad. I'll see you tomorrow. I love you and I miss you." Pamamaalam ko at pinutol kaagad ang tawag. Hindi ko na siya hinintay na sumagot dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon.

"Madame, are you alright?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Anne. I let out an awkward smile.

"I want to go home. I have to be ready for tomorrow. Please call Dylan to drive me home. You can stay if you want to but I can't." Ani ko. Napalitan ng kaba ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ako makapag-isip nang maayos.

"Just a second, Mam." At dali-dali siyang pumasok sa Mansion at pagkalipas ng ilang minuto ay nakita ko na si Dylan na papalabas. Agad din akong lumapit sa kanya para makauwi.

•••••••

"Be a good girl ha? Aalis na si Ate Thony." Ang malungkot kong sabi kay Saara. Kasalukuyan na kaming nasa airport ngayon at kinakarga pa ang mga binili ko sa auction event sa eroplano.

"Ate Thony, 'wag na po kayo umalis." Naiiyak niyang sagot sa akin.

Kung pwede lang.

Hinawi ko ang buhok niya. "Hindi pwede, baby eh. Basta babalik si Ate Thony dito kapag nagpakagood girl ka."

Hindi na siya sumagot at yinakap na lamang niya ang binti ko. Lumuhod ako para mapantayan siya at yinakap din pabalik.

"I'll come back for you okay? 'Wag ka na umiyak." Dagdag ko habang pinupunasan din ang luha sa mga mata ko.

Diamond EyesWhere stories live. Discover now