Chapter 24

887 80 17
                                    


"You'll marry one of my sons someday, Celaine."

Naguguluhan akong tumingin kay Tito dahil sa sinabi niya. "Po?" Tanong ko.

He chuckled. "You'll know soon." He answered.

Naguguluhan man ay ipinagkibit balikat ko na lamang ito. Baka nagbibiro lang siya.

Pagkatapos ng burol ay pumunta na kami sa bagong bahay ni Tito rito sa Bicol. Sa Hacienda sana kami tutuloy pero mas mainam daw na rito na lang.

Halatang bagong gawa ang bahay na ito. Malaki at maganda ang disenyo.

"Celaine, come here. Dinner is ready." Ang malambing na pagtawag sa akin ni Mom. Kasalukuyan kasi akong nasa kwarto at kararating lang niya sa may pinto. I got out of the bed and walked near her.

"Okay ka na po ba?" Nahihiyang sambit ko. The bags under her eyes are obvious to see and they're distracting. Namumula pa ang mga mata niya.

"Okay lang ako, anak. Hug mo na lang si Mommy." At agad ko din naman siyang yinakap. It was a warm hug. Nang maghiwalay kami ay sumunod na lamang ako sa kanya pababa sa dining area.

Naabutan namin sila Tito at Dad na magkausap.

"This house is elegant, Light. Congratulations to your new achievement, Pare." Rinig kong saad ni Dad kay Tito Lightning.

"Thank you, Ram. This took me years to achieve and I can say that I'm really proud of it." Ang masayang sagot sa kanya ni Tito.

"Ikaw naman kasi, ayaw mong tanggapin ang tulong ko." Ang tila nagtatampo na ani ni Dad.

Unlike our family, Tito Lightning's family is a part of the middle class. Sa pagkakaalam ko, hindi gano'n kayaman si Tito ngunit pinag-igihan niya para sa kanyang pamilya. He also pursued Tita Rainne who also came from a wealthy clan.

Noong una ay hindi siya tinanggap ng pamilya ni Tita Rainne pero pinatunayan niya naman ang sarili niya sa kanila kaya eto na siya ngayon.

"Oh, nandito na pala ang mag-ina mo. Come here, sit with us." Ang bati sa amin ni Tito at binigyan kami ng upuan ni Mom. Umupo naman ako roon sa gitna nila.

"Ambilis lumaki nitong anak niyo. Napakaputi at napakaganda." Tito said while smiling at me. Uminit naman ang mga pisngi ko.

"Syempre. Alagang-alaga iyan. Nakita mo naman ang halos isang daang tauhan sa bahay. Hinding-hindi nila mapapabayaan ang anak ko." Wika ni Dad habang hinahawi ang buhok ko.

"Dear, what do you say when someone compliments you?" Ang bulong sa akin ni Mom.

"Thank you po, Tito." Ang magalang kong saad. Nanigas naman ako nang makita ko ang dalawang lalaki na pababa ng hagdan. Sila rin ang nakita ko kanina sa burol.

"Good evening, Dad. Good evening po, Tito and Tita." Ang magalang na bati sa amin ng dalawa nang makalapit. Bumilis ang tibok ng puso ko nang mapagtanto kung gaano sila kagwapo. Parehas silang matangkad at may pagkasingkit ang mga mata. The taller one gave out an intimidating aura while the other was a bubbly one. Kita rin ang kaibahan nilang dalawa dahil maputi 'yung mas mababa at may pagkamoreno 'yung mas mataas.

Diamond EyesWhere stories live. Discover now