Chapter 20

841 75 12
                                    


A/N: Hi guys, I can't believe na aabot 'tong story ko sa Chapter 20 and it's halfway done. Wala talaga akong plano ipagpatuloy 'to dati kasi random idea lang ang storyline nito pero naencourage ako ipagpatuloy dahil sa mga comments ninyo mas lalo na sa message ni JericoDevera2 sa wall ko.

I know my story isn't that popular but I feel thankful for all of you who's reading this. I really enjoy reading your comments so keep it coming kaya baka naman...

-clinquanttt
glittering with gold and silver

•••••••

Araw ng Lunes ngayon at ito na ang huling linggo ko rito sa probinsya. I started to avoid Sid and hopefully, I can say that I'm doing it well. Hindi na ulit kami nag-usap pagkatapos no'n at hindi na ako sumasabay sa kanya pauwi. Hindi ko na rin tinitignan kung may iniiwan pa siyang pagkain dahil makokosensya lang ako kapag hindi ko iyon kinain. Naaabutan ko na lang sa umaga ay 'yung amoy ng pabango niya na naiiwan sa bahay katulad ng dati.

I know it's hard but it's the right thing to do.

"Ate Thony, bakit po tayo nandito?" Saara asked while looking around the store.

Kasalukuyan kaming nasa mall ngayon dahil ngayon ko naisipan na bilhan ng regalo sina Bella at Jugo.

The city is starting to get crowded these past few days because of the upcoming auction event at the mansion. The event will be held on Friday and the selling of tickets is on Thursday kaya nag-uunahan talaga sila.

I saw a post on the net that the event only hosts a limited amount of people, 125 to be exact. Tama nga sina Jugo, kapag mas malapit ang upuan, mas mahal. The price of the seats starts at 30 thousand pesos to 80 thousand pesos.

Gustong-gusto ko talaga dumalo pero sa Biyernes din ako lilipad patungo sa London.

"May bibilhin lang ako, baby. Kung may magustuhan ka rin, turo mo lang at bibilhin ko para sa'yo." Sagot ko at ngumiti.

Her eyes widened. "Talaga po ba?"

"Oo naman." I assured her. Hindi ko talaga matiis ang batang 'to. Napakacute.

We're currently inside a Louis Vuitton outlet to buy farewell gifts. It's 10 in the morning and I felt relieved because there was only a short amount of people in the mall at this time.

Napag-alaman ko rin na ito lang ang mall dito sa probinsya na may mga luxury brands kaya dinadayo ito ng mga kilalang tao sa siyudad.

Nagsimula na kaming maglibot-libot at tumingin-tingin sa mga bag. After a few moments, I ended up picking the Dauphine MM for Bella and the Utility Backpack for Jugo.

"Gusto mo ba iyan?" Tanong ko kay Saara dahil nakaangat ang tingin niya sa nakadisplay na Palm Spring Mini.

Liningon niya naman at ako at dahan-dahang tumango.

"Can we get that bag please?" I requested the staff.

"Sure, Mam." Sagot niya sa akin.

Inilibot ko ang tingin ko sa lugar at napagtanto na kami lang naman ni Saara ang tao sa loob. Mas mabuti nga 'to eh para walang makakita sa amin. I also started to be aware of my surroundings to check if someone's following me but I didn't find any.

Baka kasi pinababantayan pa rin ako ni Venus hanggang ngayon.

"That'll be five hundred ninety-nine thousand pesos, Mam." The clerk said as they scanned the total price of the three bags that we chose.

Diamond EyesWhere stories live. Discover now