WTCL 1

47 11 0
                                    

Chapter 1: Resignation Letter

Sapo-sapo ko ang ulo ko habang bumabangon ako sa pagkaka-higa. Syete! Naka-inom nga pala ako kagabi.

Halos gapangin ko na ang daan patungong banyo ko para lamang makaligo. Masasakit din ang ibang parte ng katawan ko dahil sa ilang daplis ng bala na tinamo ko. Grabe! Sobrang tinatamad ako ngayong araw.

Ngunit halos mabuhayan naman ako ng dugo nang lumapat na ang tubig sa balat ko, kung bakit ba naman kasi sira pa rin hanggang ngayon 'tong heater ko. Nagbabayad naman ako ng tama sa oras ah? Minsan talaga ang unfair-unfair ng mundo sa 'kin? Tsk!

Matapos kong maligo ay bumaba na ako papuntang kitchen. Hindi na ata ako kumain pagkarating a? Kumakain pa ba ako rito?

* * *

Lutang akong nakarating sa quarter namin, wala ako sa sariling umupo sa harapan ng lamesa ko. Nakatitig lang sa mga gamit ko doon.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na gano'n, dahil sa sobrang lutang ko ay nabigla na lang ako sa pagdating ni Kapitan.

Diretso lang s'yang pumasok sa loob ng opisina n'ya at hindi ako binati.

Ay, hindi naman n'ya nga pala talaga ako binabati. Etchosera lang talaga ako 'pag minsan.

Dali-dali kong kinuha ang papel sa desk ko at patakbong pumasok sa loob ng opisina n'ya.

Agad ko namang inayos ang sarili ko bago ko s'ya tinawag. Mabuti na lang talaga at lagi s'yang nakatingin sa may bintana kapag pumapasok ako. Iniisip ko nga, baka naiinis s'ya sa 'kin o ano ba? Basta! Nakaka-inis kaya!

Hindi na ako magtataka kung ba't s'ya bad mood. Kasalan ko rin naman kagabi. I made a wrong move again...as always.

"Good morning Capt!" Masiglang bati ko sa kanya, with a smile na parang walang nangyari, halos mangawit na nga ang labi ko dahil sa tagal n'yang lumingon.

Mga 30 seconds ba. Matagal din 'yon ha? Ang sarap n'ya talaga minsang batuhin ng heels. 'Yong sakto sa mukha kapag saktong harap n'ya.

'Oopps! Bad.'

"What do you want?!" tanong n'ya nang harapin ako.

Tingnan muna? S'ya pa ang galit? Eto s'yang hindi kaagad namansin? Ang sarap talagang batuhin!

Huminga muna ako ng malalim, saka ko inilagay sa table n'ya ang balak kong ibigay sa kan'ya, na dapat ay no'ng isang araw pa pero lagi naman kaming busy sa mga nasa target list namin.

"Hindi ba't napag-usapan na natin ang tungkol dito?" sabi nito habang matalim n'ya akong tinitingnan. Hindi naman ako nagpatinag.

I may be rude towards to our Captain, pero hindi mo ako masisisi. Siguro ugali ko na lang talaga 'yon.

"Cap---"

"No. Hindi ka magre-resign!" Matigas n'yang sabi habang naka-kuyom ang kamao dahil sa galit.

"I'm sorry Capt, but I already fixed my mind. Maybe the Chairs are now satisfied to what I does for them. And also, I gave all my efforts to do that. So that means, credits are all yours now." Dire-diretso kong sabi habang nakatingin lang sa mata n'ya.

When The TRUTH Called LIES [Agent Series 1]Where stories live. Discover now