WTCL 11

9 2 1
                                    

Chapter 11: Room 202

Mabilis akong nakabalik sa bahay. Dumiretso agad ako sa head quarter namin dito sa isla. Agad kong tiningnan ang virtual map ng isla namin. Mabuti naman at walang bakas ng mga Chasers. Kaya naka-hinga ako ng maluwag.

Tumawag agad naman ako kay Lee para ipaintintindi si Zach. Baka mamaya may nakakitang Chasers sa 'min kanina ng hindi ko namamalayan. Ipina-register ko na rin sa kanya na Zach Gonzales ang ilagay na pangalan sa lalaking matangos na ilong na iyon.

Fvck those, Chasers! Hanggang dito ba naman?

ZACH
Padabog akong tumayo sa inupuan ko. Nakaka-nguso akong umalis ng canteen dahil iniwan na lang akong basta ni Gem.

I really don't know her personaly. Kasi, una sa lahat, wala akong maalala. Pangalawa, ngayon lang din naman kami nagusap ng gano'n. But, why do I have this feeling na nakita ko na s'ya somewhere? Gusto ko mang isipin ng isipin, wala naman akong mapapala kun'di ang pagsakit ng ulo ko.

Naglakad-lakad ako sa lobby. Familiarizing some people kung may makikilala ba ako o kung may makakakilala man sa 'kin kung saka-sakali. Hoping na sana meron. Hindi ko rin alam kung may naghahanap sa 'kin o ano ba?

"We're loooking for a patient named, Marckus Madrino." Dinig ko sa isang babaeng lumapit sa information desk.

Medyo intimidating ang dating niya dahil sa suot niya. Halos kasi ng kulay ng suot niya ay itim, isama mo na rin iyong lalaking katabi niya na nakaitim. It's giving a vibes of an action movie.

Sandali namang nag-abala ang nurse na assigned sa information desk na tingnan ang kanyang computer saka muling tumingin sa babaeng nagtanong.

"Naku, wala po, e."

"Ahh, gano'n po ba? Sige po, salamat po." Bagsak balikat naman itong umalis doon.

Inalalayan siya ng lalaking kasama niya. Bahagya siyag napalingon sa gawi ko kaya naman agd akong nagiwas ng tingin at madaling lumiko sa daan papuntang ward.

GEM
Mag-hapon akong nasa headquarter at nagkutingting doon ng mga program. Inayos ko lahat ng CCTV sa buong isla na rito naka-program. Baka mamaya ay naka-tuntong na rito ang mga alagad ng Corp., hindi ko pa namamalayan. Nakakainis lang dahil pati hanggang dito ay napadpad sila.

Nag-message agad ako kay CF sa isang secret board message para tanungin kung may alam ba siya kung bakit nandito si Kapitan. Wala naman daw s'yang alam, malamang daw ay personal na lakad na naman daw ito ni Kapitan. Ilang araw na rin daw itong laging wala sa headquarter dahil lagi n'ya raw kasama 'yong girlfriend n'ya na hindi ko alam na meron pala s'ya no'n. Hindi naman kasi halata kay Kapitan e, mukhang trabaho lang ang priority n'ya.

Pero kahit na, nakaka-bahala pa rin. Baka mamaya ay makarating sila rito sa teritoryo ko. Kinausap ko na rin si Chen na huwag basta-basta magpapa-pasok ng guest sa hotel without sending their information to me.

Grabe, medyo na-praning ako sa presensya ni Kapitan, seryoso akong siya 'yon, kaya hindi ako dapat magpapetiks-petiks. Baka malusutan ako dito sa teritoryo ko.

CHEN
Maaga akong nagising dahil sa sandamakmak na message sa 'kin ni Gem. Hindi ko alam kung anong meron pero, pinapa-send n'ya lahat ng mga information ng mga guest namin. Kaya 'eto ako ngayon, dinaig ko pa ang estudyanteng kailangan ng ipasa ang research paper dahil istrikto ang teacher doon.

Isinuot ko ang eyeglass ko dahil sumasakit ako ang ulo ko sa dami ng pangalan at iba pang hinihingi ni Gem sa 'kin, kun'di ko lang talaga mahal ang babaeng 'yon, hindi ko talaga 'to gagawin at pagti-t'yagaan. Ang sakit kaya sa mata!

Napa-hikab ako sa gitna ng pagpapatas ko ng mga papel na natapos ko ng ma-print. Ayaw raw ng soft copy ng sira! Pero nag-send pa rin ako sa kanya just in case.

Patapos na ako ng biglang may kumatok ng desk sa harapan ko. Nabigla pa ako dahil sobrang aga pa para may pumasok na guest.

Teka? Anong oras na ba pala? Maaga pa nga ba?

Napa-tingin naman agad ako sa wall clock namin, ala-siete na pala ng umaga. Ini-ayos ko naman muna ang buhok kong nakayungyong sa mukha ko bago ito hinarap. Hindi naman niya iyon pansin dahil sa labas naman ito nakatingin habang inililinga ang mata sa paligid.

"Hi sir! Welcome to TWIN Island Resort! My name is Cheniraihya Macagaling at your service. How many room you want to book, sir?" tanong ko ritong buong sigla. Nakuha ko naman ang atensyon niya. Ngunit matamlay itong ngumiti sa akin.

"A room for two, a suite." Tipid nitong sagot at tamad na inalis ang shade sa mata niya.

Napapa-sulyap naman ako sa kanya habang ini-input ang room niya sa desktop ko.

"Your name sir?"

"Uhmm.. Daniel Mc Cordovez."

Talagang inisip pa n'ya ang pangalan n'ya ha? Mahirap bang tandaan 'yon? Maliban na lang kung gawa-gawa niya lamang 'yon.

I smiled back at him and give him his key. "Room 202 sir, third floor. How many days sir, are you going to stay here?" Malumanay kong sabi.

"14 days." Tipid na naman nitong sagot. Bakit ba ang ikli niyang sumagot? Hindi ba maganda ang approach ko sa kanya?

Pagka-abot ko sa kanya ng susi ng room niya agad na rin siyang umalis at hinila ang hindi kalakihan niyang maleta.

Why do I have this feeling...

Nah! He's just a guest Chen, ano bang ini-isip mo?

Pagkatapos kong ilagay ang information niya ay inayos ko ng muli ang mga papeles na hinihingi ni Gem. Hinintay ko lang sandali ang ka-shift kong si Gretchen saka ako umalis.

Hindi maganda ang pakiramdam ko talaga do'n sa lalaking 202 na 'yon. He look suspicious to me.

But I just shruged it off and walk through my secret passage in hotel headquarter where Gem is.

"Here's the document of record information from last month to this month." Sabay abot ko sa kanya nito. Agad din naman niyang tinaggap ito at mabilis na inalisa at dali-daling nagtipa sa kaniyang harapan.

"Who's that guy who just came in?" tanong niya habang hindi niya inaalis ang paningin sa mga monitor sa harap niya.

Sa itaas naman ng monitor niyang tinitingnan, ang anim na monitor para sa CCTV's ng buong isla.

"Daniel Mc Cordovez."

"He's not on your list here."

"Bago pa lang 'yon, Gemi, kaya wala pa kaming input, ano ka ba?"

"Then, watch him. I don't like his presence."

"Yeah. My guts too." Magka-dugtong talaga ang bituka namin.

Maybe some girls can deceived by his looks. Wearing his fancy dress on summer with his shades on.

But not me, maybe. Sometimes, but my guts always have a hunch about a certain people just by looking at them. Alam n'yo 'yon, parang may radar ka sa isang tao. Basta!

Pero, bakit ba ganito 'tong si Gem. Parang naging sensitive bigla. Parang na-praning sa totoo lang. Ano bang meron?

Did I miss something?


TWIN_Ivy25🍀

When The TRUTH Called LIES [Agent Series 1]Where stories live. Discover now