WTCL 6

9 3 0
                                    


Chapter 6: His Hand As A Doctor

Wala akong nagawa kun'di ang pumunta sa kwarto ni Kuya. Ayaw ko namang tuluyan ng bastos ako sa paningin n'ya. Binabago ko na nga ang sarili ko 'di ba?

"What now?" Tanong ko agad sa kan'ya ng makapasok ako sa kwarto n'ya.

Nadatnan ko s'ya sa may veranda ng kwarto n'ya habang naka-tingin sa malayo. Lumipat naman ang atensyon n'ya sa 'kin nang tinawag ko s'ya.

"It's good to see you back," sabi n'ya sa akin nang makalapit s'ya.

"What's that for?"

"Are you not happy to see me?" Tanong nito ng may mapang-asar na ngiti.

"Ano bang gusto mong mangyari at pinapunta mo pa ako rito?" Inis kong tanong sa kan'ya.

"Bakit ba ang init agad ng ulo mo?"

"E, ba't mo nga ako pinapunta rito?" Hindi naman s'ya sumagot, kaya umakto na akong aalis.

Agad naman n'ya akong kinabig pabalik, agad ko namang tinabig ang kamay n'ya at tinulak s'ya dahilan para mapaatras s'ya.

Nagulat s'ya sa ginawa ko, maging ako ay gayon din. Agad na kumunot ang noo n'ya at halatang naguluhan bigla sa inasal ko.

"How do you know such thing?" Hindi naman ako sumagot, bagkus ay nag-iwas ako ng tingin. "Hey. I'm talking to you, lil' sis."

"Can't you just shut up?! Wala rin namang saysay kung malalaman mo."

"Tapatin mo nga ako, ano ba talagang ikinaga-galit mo, at lagi ka na lang nakasigaw, Gem. Kuya mo ako."

Agad na tumaas ang dugo ko sa ulo. Hindi ko na napigilan ang sarili kaya naman...

"Kuya? Kelan ka naging kuya? Dahil sa pagkaka-tanda ko, walang kapatid na uma-abandona ng kapatid n'ya." Huminga ako saglit. "Walang kuya, ang nang-iiwan ng kapatid n'ya kapag nahihirapan s'ya! At walang kapatid, na kayang tiisin ang kapatid n'ya! Ganoon ba ang depenisyon mo sa kapatid? Gano'n ba ang kuya ang tinukoy mo?" Masama ko s'yang tiningnan at halos habol hininga ako nang tumugil akong mag-salita.

"Gem, kung tungkol pa rin 'to sa nakaraan, pwede bang kalimutan na natin 'yon?" Malumanay n'yang sabi na lalo kong ikina-inis.

"Kalimutan? Ganon-gano'n na lang 'yon? Bakit parang ang dali lang sa 'yong sabihin ang mga salitang 'yan?" I scoffed. "Ahh, oo nga pala, kasi wala ka naman noon doon noong nangayari 'yong mga bagay na 'yon. Kaya madali mo lang sabihin 'yan sa harap ko, na kalimutan na lang lahat.

"Gem, I'm sor--"

"Don't say you're sorry. Just prove yourself that your being sorry," Inis kong sabi sa kan'ya pagkatapos ay madali siyang tinalikuran at lumabas sa kwarto niya.

Hindi ko na s'ya pinag-salita pa dahil konti na lang ng pag-tatagal ko dun, alam kong magbe-breakdown talaga ako. Mahirap kayang tiisin na galit ka sa kasambahay mo. Lalo na, kapatid mo? Kaka-galitan mo?

Hell no! Sira ka na lang kapag ginawa mo ang mga bagay na 'yon. Sabihin n'yo ng masama ang mga gawa ko. Sabihin mo ng masamang tao ako, dahil pumapatay ako ng tao. Sabihin mo ng masama ang buong pagka-tao ko, pero tandaan mo, kahit kelan, hindi ko magagawang pag-taniman ng galit ang mga mahal ko sa buhay. I maybe hard and tough outside, but, I'm also lenient inside.

Magalit man ako sa kanya, sa kanila, but I never out-growth my rage. To the point na, hindi ko na kayang kumilala ng tao.

"Cursed this hatred!" Bulong ko habang tumatalisod ng buhangin sa tabi ng dagat.

I decided to breath some air. Ayokong ma-occupy ng dahil naiinis ako sa sarili ko. Mahirap kasi sa 'kin, kapag na-iinis ako, sa iba ko ibinu-buhos.

Namalayan ko na lang ang sarili kong napadpad dito, sa madalas ko noong tambayan. Umakyat ako roon at doon ibunuro ang sarili ko.

When The TRUTH Called LIES [Agent Series 1]Where stories live. Discover now