"Wala akong sinabi na ayaw ko"

Wala nga.

"Tinatanong ko lang na kung sino ang nagluto"

"Ako ang nagluto" sabi ko

"Maupo ka na ulit dito" utos niya sa 'kin

Umupo na ako at nagsimula na ulit kami kumain.

"Bakit ikaw ang nagluto?" Tanong ni Raf

"Kasi gusto ko magluto para sa asawa ko" sabi ko

"Dapat hindi ka na lang nagluto, may mga katulong naman tayo"

Bigla naman ako nainis sa sinabi niya.

"Dapat sinabi mo sa 'kin kung ayaw mo talaga ang luto ko" sabi ko

Tumayo naman ako.

"Hindi ka pa tapos kumain"

"Nawalan na ako ng gana" inis na sabi ko

Aalis na sana ako na hawakan niya ang kamay ko at tumayo na rin siya.

"Gusto ko ang luto mo"

"Ang sa 'kin lang ay gusto ko pagmulat ng mata ko ay mukha mo na ang makikita ko"

"Pumikit ka" utos ko

"Bakit naman ako pipikit?" Takang tanong ni Raf

"Sundin mo na lang"

Pumikit naman si Raf.

Isa

Dalawa

Tatlo

Apat

Lima

"Mulat" sabi ko

"Ngayon ay nakita mo na ang mukha ko, pagmulat ng iyong mata" ngising sabi ko

"Pumikit ka" utos ni Raf

"Ako?" Turo ko sa sarili ko

"Sino ba ang nasa harap ko?"

"Ako" sagot ko

"Pumikit ka na"

Agad naman ako pumikit.

Ilang segundo ako nakapikit.

"Ang tagal naman"

"Mumula.."

Hindi ko natapos ang sasabihin ko na bigla niya akong hinalikan.

Hinapit ni Raf ang bewang ko.

"Lasang strawberry" ngiting sabi ni Raf

Inalis na niya ang kamay sa bewang ko.

"Good morning kiss" ngising sabi niya at lumakad na palayo

"Ma'am" tawag sa 'kin ni Yaya Mela

Lumingon naman ako sa kanya.

"Tapos na po kayo kumain?"

"Oo" sagot ko

Umalis na ako sa kusina at pumunta ako sa rooftop para magpahangin.

Umupo ako sa duyan at tiningan ang ulap.

Cringgg

Kinuha ko ang cellphone at agad ito sinagot.

Bold (ako) Stella (Italic)

"Bakit ka nagpakasal kay Raf?"

"Ano ba ang pumasok sa maliit mong utak?"

"Belle"

"Akala ko ba mahal mo si Mhyro"

"Bakit mo siya sinaktan?"

"Belle, may balak ka ba magsalita?"

"Pinili ko si Raf kasi may dahilan ako"

"Dahilan? Pinagpalit mo si Mhyro kay Rafael ni minsan ay hindi natin naging ka-close"

"Sinayang mo ang pinagsamahan niyo ni Mhyro"

"Nakakatampo na Belle, Bakit hindi mo sa 'kin sinabi ang tungkol sa inyo ni Raf?"

"Bakit hindi mo sa 'min sinabi ni Jane?"

"Kamusta si Jane?"

"Loko ka! Sinaktan mo ang kapatid niya natural masasaktan din si Jane"

"Si Mhyro kamusta?"

"Sira ba ang utak mo? Syempre broken hearted"

"Si Mhyro nag-ipon ng pera pambili ng wedding ring na sana ay suot mo na ngayon, kaso ibang wedding ring ang suot mo"

"Lumilipad ba ang utak mo at hindi ka makapag-isip ng maayos?"

"Ikaw ang pinaka matanda sa 'tin apat pero ikaw ang hindi matured mag-isip"

"Maling-mali ka Belle"

"Alam ko kung ano ang pagkakamali ko at inaamin ko iyon, pero sana huwag mo na ipagmukha sa 'kin"

"Nasasaktan din ako kasi sinaktan ko ang lalaking mahal ko"

"Sisihin niyo ako kung diyan kayo sasaya, sisihin niyo ako kung iyon ang gusto niyo, sisihin niyo ako"

"Hindi ko ito ginawa para sa sarili ko, ginawa ko ito para sa pamilya ko"

"Pasensya na"

"Mas mahalaga sa 'kin ang pamilya ko, kaysa sa taong mahal ko"

"Pasensya na"

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Stella na binaba at nilagay ko na ang cellphone ko sa table na katabi ko.

"Mas maganda kung huwag mo muna hahawakan ang cellphone mo"

Pumunta at umupo si Raf sa harap ko. May kinuha siya sa bulsa isang panyo.

Pinunasan niya ang luha ko na kanina pa pala pumapatak habang kausap ko si Stella. Ngunit hindi ko ito pinapansin.

"Simula ngayon, huwag mo na hahawakan ang cellphone at sasagutin kahit anong communication sa kanila"

"Ayaw ko na pagsisihan mo na ako ang pinili mo kaysa sa lalaking iyon"

Nakita ko sa mata ni Raf na seryoso siya sa sinabi niya.









A Simple Girl Like a FlowerWhere stories live. Discover now