33

1.4K 69 7
                                    

MUKHANG miss na miss ng Lola ni Cato ang lalaki kaya halos alas diyes na nang umalis ito ng bahay. At kahit gusto ng magpahinga ni Cristal dala ng maghapong pagod ay pinilit pa rin niya na hintayin na umalis ang matanda. Gusto niyang makausap si Cato ng solo. Parang hindi rin naman kasi siya matatahimik habang hindi niya ito nakakausap.

"Hey..." wika niya rito nang makabalik ito sa loob ng bahay matapos ihatid ang Lola nito sa labas.

"Hi..." Mukhang pagod na wika nito. Humikab pa ito pagkatapos ay inakbayan siya. "Tulog na tayo..."

"Hmmm..."

"It's been a tiring day." Umiling-iling si Cato. "Tapos si Lola ay sorpresa pa na bumisita. It's annoying."

Napalunok siya. "Talaga ba? Mukhang okay naman kayo, ah."

Pansin niyang pormal naman na nag-uusap ang dalawa. Pero wala siyang maramdaman na enjoyment habang pinapanood sa malayo ang dalawa habang nag-uusap. Puro business nga lang rin ang pinag-uusapan ng mga ito.

Nagkibit-balikat ito. "We haven't seen each other for months, but I don't miss her at all."

"B-Bakit? Galit ka ba sa Lola mo?"

Natahimik si Cato. Sandaling tumitig ito sa kanya at napansin niya na parang nagdilim ang mukha nito. Pagkatapos ay naglihis ito ng tingin. "'Wag na natin siyang pag-usapan. Nakaalis na siya."

"Oo nga. At ni hindi mo man lang ako pinakilala sa kanya..."

Namutla si Cato. Hindi ito sumagot.

May kurot na naramdaman si Cristal sa puso niya. Akala pa naman niya ay nagkakaroon na siya ng pag-asa na pahalagahan ni Cato sa buhay nito. Pinakilala siya nito sa mga kaibigan nito. Hindi man opisyal na pagpapakilala pero hindi naman siya nito ikinahiya. Pero sa harap ng Lola nito ay ni wala man lang nga na maayos na pagpapakilala. Mukhang katulong lang talaga siya sa harapan nito.

Pero hindi pa doon nagtatapos ang sakit. Sa tuwing naalala niya ang sandaling pag-uusap nila ng matanda tungkol sa first love ni Cato ay parang dinudurog ang puso niya.

"I-Ikinahihiya mo ba ako?" Iyon muna ang lumabas sa bibig ni Cristal kahit marami pa siyang tanong.

Lumunok si Cato. "Nanunumbat ka ba?"

"Tinatanong kita kaya sana 'wag mo akong sagutin rin ng tanong..."

Huminga nang malalim si Cato. "I-I don't know how to label our relationship..."

"At ang relasyon niyo ng Mama ko ay alam mo kung paano bigyan ng label?"

Napakurap si Cato. "A-Alam mo?"

Napapikit si Cristal. Pinigilan niyang umiyak dahil sa reaksyon ni Cato ay parang kinumpirma na nito iyon. Ikinuwento niya sa lalaki ang naging usapan nila ng Lola nito.

Namumutla si Cato. Hindi ito nakapagsalita.

"Aminin mo sa akin ang totoo, Cato." Napaluha na si Cristal. "Totoo ba iyon? Anong klaseng relasyon ang mayroon kayo at ang Mama ko?"

Pumikit si Cato at bumuntong-hininga. "I don't want to talk about it, Cristal. Pagod na ako. You look like one, too---"

"Mas mapapagod lang ako sa pag-iisip kung hindi pa natin pag-uusapan ito!" Hindi na napigilan ni Cristal na tumaas ang boses. Nanginginig na rin siya.

Nagmulat nang mata si Cato. Huminga ulit ito nang malalim pagkatapos ay hinawakan ang balikat niya. He looked straightly on her eyes. "Gusto mo ba talagang malaman?"

Tumango si Cristal at kasabay noon ay ang pagtulo ng luha niya. "Tell me..."

Sandali na nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila. Patuloy lang ang pagpatak ng luha sa mata ni Cristal nang ilapit ni Cato ang mukha sa kanya. Instead of wiping her tears, he kissed her instead.

The kiss was slow and gentle at first. Para bang halik iyon na nagpapahalaga. Pero pagtagal ay naging mapusok na iyon. Parang gusto tuloy niyang maiyak lalo. Gusto rin niyang pigilan si Cato sa ginagawa nito. But she was a slave of him and his kisses. She cannot resist him.

Masaya ang puso at katawan niya sa ginagawa ni Cato. Pero malaking kabaligtaran naman noon ang isip niya. Nagkaroon lang kasi siya ng bagong theory sa kung ano ang totoong sitwasyon.

Kumpirmado na talaga: lovers si Cato at ang Mama niya. Nakakabaliw lang isipin ang sitwasyon ng mga ito dahil malaki ang agwat ng edad ng mga ito at mas bata pa si Cato. Pero mukhang different kind of lover ang sitwasyon na iyon.

Prostitution... Iyon ang pumapasok sa isip ni Cristal. Pagkatapos ng lahat, hindi naman miminsan na narinig niya na masamang babae daw ang Mama niya. Parang kagaya lang ito ni Monica.

Nakakasuka ang lahat. Pero ang pinakamasakit ay ang katotohanan na mukhang napunta na rin siya sa kalakaran na iyon...

Fated (New Version)Where stories live. Discover now