2

2.2K 67 18
                                    

NANLAKI ang mata ni Cristal nang sa wakas ay makarating siya sa bahay ng address na hawak-hawak niya. Ito ang unang beses na nakarating siya sa ganoong klase ng bahay. Or nope. Hindi dapat bahay ang tawag sa nasa harap niya ngayon. Mansion iyon.

At simula ngayon, baka dito na ako tumira...

Nanginig si Cristal sa realization na pumasok sa kanyang isip. Na-excite siya kahit alam niya na mali. Ano ang karapatan niya na maging masaya sa panahon na ito? Ang dahilan kaya kinailangan niya na magpunta rito ay dahil sa pagkamatay ng ina. Kung hindi ito namatay, hindi siya makakapunta sa mansion nito. At mas gugustuhin pa niya na buhay pa rin ang Mama niya kahit mahirap lang sila. Walang kahit anong kayamanan ang makakapagpaalis ng pagpapahalaga at pagmamahal niya rito.

Huminga si Cristal nang malalim. D-in-ouble check ulit niya ang address na hawak niya at numero ng bahay na nasa harap niya. Tama naman ang lahat. Mukhang ito talaga ang hinanap niya---ang bahay na gusto ng namatay niyang ina na puntahan niya ngayong wala na ito.

Noong isang linggo lang ay namatay ang ina ni Cristal sa sakit na cancer. Napakasakit tanggapin lalo na at ito na lang ang masasabi niyang pamilya niya. Wala siyang kapatid at kilala na malalapit na kamag-anak. Ang Lola niya ang nagpalalaki sa kanya. Kaya lang ay nang magsasampung taong gulang siya ay namatay ito dahil sa sakit na puso. Simula noon ay bumalik sa probinsya nila sa Quezon ang Mama niya na dating nagtatrabaho sa Maynila para siya na magpatuloy na mag-alaga sa kanya. Pero bukod rito, wala na siyang iba pa na malalapitan na kamag-anak. Kahit kailan kasi ay hindi niya nakilala ang ama niya. Sa tuwing kinukulit niya ang kanyang ina ay nagagalit ito sa kanya.

May mga kaibigan naman si Cristal. Pero iisa lang sa mga iyon ang masasabi niyang totoo at malalapitan niya---si Monica. Kaya lang, kasalukuyan na namamasukan bilang katulong sa Alabang ang kaibigan niya. Hindi siya nito puwedeng kupkupin dahil bawal magsama ng kung sino sa bahay ng mga ito. Wala rin raw hiring sa bahay.

Ganoon pa man, ang mahalaga ay hindi pa rin naman napabayaan si Cristal. Bago namatay ang Mama niya ay binigay nito sa kanya ang address na iyon at liham na kailangan raw niyang ibigay kay Cato Tan.

Hindi kilala ni Cristal si Cato Tan. Pero nabuhay ang pag-asa sa puso niya na ito ang taong matagal na niyang hinahanap---ang kanyang ama. Dahil bakit naman siya ipapaubaya ng kanyang ina rito kung hindi siya parte ng buhay nito 'di ba? Wala man siyang alam sa laman ng liham dahil hindi pa rin umamin sa kanya ang ama tungkol sa katauhan ni Cato Tan ay naniniwala siya sa instinct niya.

May dahilan pa rin kahit papaano na maging masaya si Cristal. Kung makikilala nga niya ang ama niya ay mabubuo ang pagkatao niya.

Pinindot na ni Cristal ang door bell nang masigurado niya na tama siya ng pinuntahan. Naka-dalawang pindot at may dalawang minuto rin siguro ang lumipas bago may nagbukas ng gate. Matandang babae ang nagbukas noon. Mukhang katulong iyon sa bahay.

"Anong kailangan mo?"

"Ahmm... Ito po ba ang bahay ni Mr. Cato Tan?"

Tumango ito. "Ano ang kailangan mo sa kanya?"

"Nandiyan po ba siya? May kailangan po kasi ako na ibigay sa kanya." Ipinakita niya ang letter.

Kumunot ang noo nito. "Ano ito?"

"Pinabibigay po 'yan ng Mama ko. Ang pangalan po niya ay Cristina Velasco."

"Hindi ko siya kilala. Pero sandali, tatawagin ko lang si Sir..."

Tumango si Cristal. Iniwan na siya ng matanda. Matagal rin siyang naghintay sa labas ng gate nang makarinig siya mga yabag papalabas. Lumakas ang tibok ng puso niya, lalo na nang kahit hindi niya pa man nakikita ang hinanap ay naamoy na niya ang pabango nito. Para iyong pinaghalo na mint at orange. Matapang pero matamis.

Grabe, bigatin talaga ang Daddy ko! Ano kayang dahilan bakit hindi inamin sa akin ni Mama ang existence niya? Edi sana hindi na ako tumigil sa pag-aaral noong magkasakit si Mama at kailangan ko na suportahan ang pagpapagamot niya. Nasa isip ni Cristal, umaasa na ang ama talaga niya ang kahaharapin niya ngayon.

Pero sa gulat ni Cristal, isang matangkad, chinito at mala-labanos ang kutis na batang lalaki ang humarap sa kanya. Well, hindi naman ganoon kabata. Pero bata in a sense na mas mapapagkamalan itong boyfriend niya kaysa sa ama niya!

Sa tingin ni Cristal ay nasa late twenties lang ang lalaki. Hindi niya tuloy napigilan ang pisngi niya sa pamumula dahil bukod sa para siyang napahiya sa sarili ay may biglang atraksyon rin siyang naramdaman sa lalaki. Hindi na naman iyon kataka-taka dahil guwapo ang lalaki. Mukha nga itong modelo sa tindig, ganda ng katawan at kinis ng kutis nito.

"M-Mr. Cato Tan?"

Tumango ito at tinitigan siya. Parang sasabog sa lakas ang tibok ng puso niya nang salubungin niya ang singkit na mga mata nito. Oo, maliit iyon pero parang kinakain ng tingin nito ang buong pagkatao niya. Mula tuloy sa pag-iinit ng kanyang pisngi ay bigla-biglang dumaloy iyon sa buong katawan niya. Bumilis rin ang kanyang paghinga, lalo na at sinuyod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.

Kinagat ni Cristal ang ibabang labi niya para pigilan ang emosyon. It was a weird feeling. Ano naman kung tignan siya ng lalaking ito na para siyang hinuhubaran? Sanay na siya sa mga ganoong tinginan. Madalas siyang naka-cat call ng mga tambay sa kanto nila kahit disente naman siya na manamit. Sa tuwina ay hindi na lang niya pinapansin o kaya ay iniirapan niya ang mga ito. Pero ang lalaking ito ay iba ang epekto sa kanya. Bukod sa pag-iinit ng katawan, parang bumigat rin ang pakiramdam ng dibdib niya at ng mga korona noon nang pagkatapos siya nitong suyuin ng tingin ay tumigil roon ang mga mata nito.

Dahil ba guwapo at mayaman? At malakas ang sex appeal? Susot ng isang bahagi ng isip niya. Siguro nga. Naapektuhan siya sa lalaki dahil nagkakaroon rin siya ng instant attraction rito.

Pero walang panahon si Cristal sa mga ganitong klase ng pakiramdam. Kaya rin naman kasi niya pinagbigyan ang hiling ng Mama niya na puntahan ito ay inisip niya na tutulungan siya nito. At ang bagay na kailangan niya ng tulong ay hindi kailangan ng attraction...

Lumunok si Cristal, inalis ang bikig sa lalamunan niya. "Uhmm... Hello po?" untag niya rito dahil parang nagkaroon sila ng moment of silence.

Hindi pa rin nagsalita ang lalaki. Pero kapansin-pansin ang pagdilim ng mukha nito nang muling salubungin ang tingin niya.

Fated (New Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon