19

1.3K 59 10
                                    

BAGO pumasok sa gate ng bahay si Cristal ay kinuha muna niya ang salamin sa bag niya. Hindi man niya sigurado kung maabutan niya ang boss niya sa pagdating niya ay mabuti ng nasa maayos siyang kalagayan. Well, maayos naman siya. Pero mas maganda na 'yung mas maayos at mas maganda siya. Baka kung sakaling maramdaman niya na presentable siya ay bahagyang mawala ang pagdududa niya sa sarili at kakayahan niya.

Unang inayos ni Cristal ang kanyang balat. Naglabas siya ng wet tissue at pinunasan ang nagiging oily na niyang mukha. Pagkatapos ay pinunasan niya naman iyon ng normal na tissue para matuyo. Nagpulbo siya pagkatapos ay inayos ang kilay niya. Sumunod naman ay naglagay siya ng lip at cheek tint. Nagsuklay rin siya ng bahagyang bumuhaghag niyang buhok dahil sa pagsakay niya kanina sa jeep. Malakas ang hangin at nagulo iyon.

Simple lang ang kinalabasan ng pag-aayos ni Cristal ng sarili. But it made Cristal feel a bit better. Kahit man lang ang itsura niya ay maging sapat na panlaban naman niya.

Pero hindi noon basta-basta mapapalitan ang totoong estado mo sa buhay... susot ng isang bahagi ng puso niya.

Bahagyang nanghina si Cristal sa isipin. Pinilit niyang alisin iyon pero parang isinigaw rin ulit sa kanya ang naisip nang makapasok na siya ng bahay. Sa gate ay may nakita siyang tatlong kotse. Pamilyar siya sa dalawa dahil pagmamay-ari iyon ni Cato. Pero ang isa ay hindi. Kumabog ng malakas ang dibdib niya nang mapansin na pambabae iyon. It was a color pink car.

Dahil sa mga kotse ay sigurado si Cristal na nasa loob na ng bahay si Cato. Pero dahil rin sa isa pang kotse ay nasisigurado naman siya na may kasama ito roon. Parang bahagyang tinakasan tuloy siya ng dugo sa pag-iisip na baka may kasama itong babae sa bahay.

Mali si Cristal para makaramdam ng masama. Sa una pa lang naman ay may pakiramdam na siya na player ang boss niya. Hindi ba at minsan nga ay nahuli na niya ito? Wala siyang karapatan na magreklamo, masaktan at lalong-lalo na ang magselos. Sino lang ba siya sa buhay nito? Ilang beses man siya na hinalikan nito pero hindi naman malinaw sa kanya ang lahat.

Kaya lang, dobleng sakit ang makita ang magandang sasakyan. Kung sa babae nga iyon ng boss niya, halatang mayaman ito. Wala siyang panama roon...

Bahagyang nangingilid ang luha sa mga mata niya. Oo, sinabi ng boss niya na maganda siya. He just said those yesterday. But if he really mean it, what's this? Hindi talaga sapat ang ganda lang para totoong magustuhan ka ng tao. Hindi niya sigurado kung dahil ba sa ugali niya pero hindi naman iyon sinusubukan na kilalanin ng boss niya. Iisa lang ang nakikita niyang dahilan kaya inaayawan siya nito: her status in life is not really enough. Mahirap lang siya. Katulong lang siya. At marami pang taon ang kailangan niyang paghirapan para mabago iyon.

Huminga si Cristal ng malalim. Kung ano man ang ibig sabihin ng nakita niya, wala rin naman siyang choice kundi kaharapin iyon.

Mabigat ang loob na pumasok siya ng bahay. Hindi pa man masyadong nakakilos ay mukhang tama na kaagad ang kanyang hinala. Nadurog ang puso niya sa nabungaran na nagkalat sa sahig na mga damit. Mula sa long sleeve shirts, blouse, short skirt, sapatos, belt at ang nakapagpanginig sa kanya ay pati mga underwear. May panglalaki at mayroon rin na pangbabae. And with the looks of it, all of them looks expensive.

Mas sumisikip ang dibdib ni Cristal sa bawat hakbang niya. Pero parang sasabog na naman iyon nang makita ang mga nagmamay-ari ng nagkalat na damit. Natagpuan niya ang mga ito sa couch ng sala. Tama nga na ang mga panglalaki na damit ay pagmamay-ari ni Cato. It was also him on a top of a woman---a familiar woman actually. Ito rin ang babae na nakita niya ilang linggo na ang nakalilipas sa kuwarto ng lalaki.

Girlfriend ba ni Cato ang babaeng iyon? Siguro. Dahil ang intimate naman masyado ng dalawa sa tagpo na nahuhuli niya ang mga ito kung basta-basta lang ang relasyon ng mga ito. Pero ang isipin na iyon ay lalo lang nakapagpasakit sa loob niya. May girlfriend pala ang lalaki pero ang lakas ng loob nito na halikan siya. At ilang beses pa iyon! Para siyang naloko. Ang sakit.

Pero mas masakit na pumayag ka na nga na magpahalik ng ilang beses, halos ibigay mo na ang sarili mo, ito pa ang igaganti sa 'yo... wika ng isang bahagi niya.

Napakasama mo, Cato! Gustong isigaw ni Cristal. Pero sa halip ay umawang lang ang labi niya kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mata niya.

Parang sasabog sa sakit ang puso ni Cristal. Pero wala naman siyang maggawa. Walang ipinangako sa kanya. Siya mismo ang bumigay. Kasalanan niya rin kung nasasaktan siya ngayon.

Ganoon pa man, deserve pa rin ni Cato na mapaghigantihan. Kung puwede lang ay gusto niya itong saktan. Uunahin niya na sampalin ito at---

"Oh, Cristal..."

Natigilan si Cristal sa pag-iisip nang marinig ang ungol na iyon ni Cato. Pero hindi ito nakatingin sa kanya. Ni hindi nga niya sigurado kung alam nito na nasa paligid na siya at pinapanood ito. Pero sa ginawa na iyon ni Cato, parang nagbago ang takbo ng sitwasyon. Dumilat ang kanina ay nakapikit na babae na tila sarap na sarap sa pagkakapatong rito ni Cato. Pero kakaiba na sa sarap ang nakikita niya sa mata nito. Punong-puno iyon ng galit at sakit.

"What the---" Itinaas nito ang kamay at itinulak si Cato palayo rito. "What did you say?"

Namutla naman si Cato. Kahit yata ito ay hindi napaghandaan ang sasabihin, lalo na ang sasabihin ng babae.

"I-I---"

"Sino si Cristal? Siya ba ang dahilan kung bakit hindi ka na nagiging aktibo sa mga nakalipas na linggo?"

Hindi nagsalita si Cato. A sweat fall from his face. Tumingin ito sa paligid, parang naghahanap ng escape para sa babaeng na-corner ito. Pero dahil roon ay nagsalubong ang tingin nila. Mas namutla ito.

Napatingin rin naman ang babae sa kanya. "Ikaw ba si Cristal, ha?"

Alinlangan si Cristal kung dapat ba siyang sumagot. Hindi na dapat siya nakikisawsaw sa mga gulo. Pero mukhang involved siya rito. Sa huli, napatango siya.

Naningkit ang mata ng babae. Bumangon ang magandang hubad na katawan nito sa couch at ginawa ang kanina lang ay naiisip niyang gawin sa loko niyang boss.

Sinampal nito si Cato.

Fated (New Version)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora