13

1.4K 60 9
                                    

KULANG ang salitang nagulat para ilarawan ang naramdaman ni Cristal nang basta na lang siya halikan ng boss niya. Marami siyang tanong pero sa halip na salita ay ganito ang naging sagot. Ito ba ang problema ng boss niya? Ang pangangailangan na halikan siya?

Pero sa paglalim ng halik ni Cato sa kanya ay ang paglaho rin na parang bula ng kanyang mga tanong. May malaking bahagi man niya ang nagulat na may kasama rin na takot ay gusto rin niya ang pakiramdam ng paglapat ng malambot na labi nito sa kanya. Para siyang kinikiliti kaya hindi rin niya napigilan na mapaungol. At dahil yata roon ay mas naging agresibo pa si Cato. Hinawakan nito ang kanyang leeg, mas pinapalalim ang halik.

Nakakabaliw ang sensasyon na naramdaman ni Cristal. Parang umakyat ang dugo sa puso niya. Bumilis ang tibok noon na para bang gusto na niyang mapahawak sa dibdib para alalayan iyon. Pero nag-aalinlangan rin siya dahil bukod sa puso, parang pati ang dalawang melon sa dibdib niya ay kailangan rin ng pag-alalay. Naging sensitibo iyon sa bawat pag-explore ng labi ni Cato sa kanya na hindi naman kalaunan ay pati dila nito ay nakisali na.

Naguguluhan man sa dapat na gawin ay nakisali na rin si Cristal. Nakakagulat na pati ang pakiramdam ng dila nito na parang gustong itali ang dila niya ay nakakiliti rin. Bago ang lahat ng iyon sa kanya pero sa halip na manibago at matakot ay purong saya ang dala sa katawan niya.

Halos hini-hingal na silang pareho nang pakawalan ni Cato ang labi niya.

"S-Sir..." Pulang-pula ang mukha ni Cristal. Gusto niya sanang yumuko dahil bigla siyang nahiya sa naggawa. God, oo nga at masarap ang halik. Pero nakakahiya na hindi man lang siya umangal roon at sa halip ay parang ibinalik pa yata niya. Anong klaseng babae siya?

Ganoon pa man, sinubukan ni Cristal na labanan ang pagkapahiya. Gusto niyang makita ang reaksyon ni Cato. Baka sakaling dahil roon ay magkaroon siya ng idea kung bakit nga ba siya hinalikan ng lalaki kung sakali man na hindi na naman siya sagutin nito. Sinalubong niya ang mata ni Cato. Pero kung may dala na init ang labi nito ay mas mainit yata ang dala ng tingin nito sa kanya. Kaya niyang pumusta na may apoy na lumalabas roon habang nakatingin sa kanya. Uminit ang paligid.

Matagal-tagal rin bago sumagot si Cato. Pero nang gawin nito, tumiim muna ang bagang nito. "If you want something, earn it."

Kung gaano naging kabilis na halikan siya ng boss ay ganoon rin kabilis na tinalikuran siya nito. Natulala na lang tuloy siya sa naglalakad na ngayon na palayo na pigura nito.

Ano ang ginawa at ano ba ang ibig sabihin ng lahat ng ito?

Fated (New Version)Where stories live. Discover now