32

1.2K 59 8
                                    

MAAGANG natapos ang klase ni Cristal kaya maaga rin siyang nakauwi sa bahay. Dahil naging abala siya sa mga nakalipas na araw ay natambak ang labahin niya. Sakto pang nasira ang washing machine ni Cato kaya naman napilitan siyang i-hand wash ang lahat ng labahin. Pagod na pagod siya nang matapos.

Buti na lang at may isang oras pa naman bago ang usual na pag-uwi ni Cato mula sa trabaho. Nagdesisyon siyang magpahinga. Hihiga na sana siya nang may marinig siyang sasakyan na pumasok sa garahe. Napaungol siya. Mukhang maaga yatang nakauwi ang lalaki.

Napabangon tuloy si Cristal para salubungin si Cato. Pero napakunot ang noo niya nang mapansin na ibang sasakyan iyon. Hindi rin si Cato ang bumaba. Sa halip, isang matandang babae na nakataas pa ang noo ang naglakad patungo sa front door. Nakailang katok ang isa pa nitong kasama na sa tingin niya ay driver nito. Ayaw niya sanang pagbuksan ito pero tinawag na nito ang pangalan ni Cato kaya naisip niyang baka kilala rin ito ng lalaki.

"Ang tagal mong buksan ang pinto." Mataray na wika ng matanda pagkatapos tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. "Bago ka bang kasambahay ng apo ko?"

Napalunok si Cristal. Kinabahan siya. Base sa sinabi nito ay Lola pala ito ni Cato. Medyo may sakit rin ang sinabi nito---napagkamalan siyang kasambahay.

Pero kasambahay ka naman talaga 'di ba?

"O-Opo. Pamilya po ba kayo ni Ca---" Natigilan pa sandali si Cristal. "I mean ni Sir Cato po?"

Hindi sumagot ang matanda. Tinitigan lang siya nito na parang tumatagos sa kaluluwa niya. Lalo tuloy siyang kinabahan.

"M-may problema po ba?"

"May kilala ka bang Cristina Tamayo?"

Tumango siya. "Iyon po ang pangalan ng mother ko po..."

Tumango-tango ang matanda. "Kaya pala..."

"Kaya po ano?"

"You resemble my grand son's first love." Balewala lang na wika nito. "I'm hungry. Can you please get me some snack?"

Hindi nakasagot kaagad si Cristal. Natigilan siya sa sinabi ng matanda. Anong ibig sabihin ng matanda? Oo, nakakaintindi naman siya ng English. Pero parang nakakakilabot ang naging analyzation niya sa sinabi nito.

"Hello?" untag sa kanya ng matanda na nakaupo na pala sa couch. Nakakuha na rin ito ng mababasa na magazine.

"A-Ah, sige po. May particular po ba kayong gustong kainin?"

Sinagot siya ng matanda. Pinaulit niya pa ang lahat ng request nito dahil medyo mahirap tandaan dahil mukhang sensitive ito. Pati level of sugar, kung dami kadaming gatas at brand ng kape ay may request ito. Sa snack naman ay marami rin itong exception---walang kahit anong mani, walang halong seafood at preservatives ang gusto nito. Sabagay, pansin na naman niya na sa dating pa lang nito ay metikulosa na talaga ito.

Pagkatapos ng fifteen minutes ay bumalik siya na may dalang prutas at pati kape. Nagustuhan naman ng matanda ang kape pero hindi ang prutas na binigay niya.

"Please get me a cheese bread instead." Request nito.

"Sorry po, Ma'am. Pero wala pong cheesebread sa kusina at pantry."

"Hmmm... But I'm pretty sure the kitchen is equipped with a high quality oven, flour, yeast and cheese. Make it from scratch."

Napaawang ang labi ni Cristal. Magrereklamo sana siya na hindi siya marunong mag-bake pero tinaasan siya nito ng isang kilay.

"Hindi ka marunong? Then be smart and research how to do it."

Nakagat naman niya ang ibabang labi. Pinigilan kasi niyang umungol. Pagod na nga siya pero pahihirapan pa siya ng matanda!

Pero sinubukan ni Cristal na sundin ang matanda. Naghanap siya ng recipe book sa bahay at masuwerteng meron ang cheese bread. Available rin lahat ng ingredients na nakalagay roon sa bahay.

Pagkatapos ng mahigit kalahating oras ay bumalik ulit si Cristal. Sinerve niya ang cheese bread. Nagustuhan naman iyon ng matanda.

"Thank you. It's delicious,"

Sincere ang mukha nito kaya natuwa naman siya. Medyo gumaan rin ang pakiramdam niya at naisip na maarte at mukhang mataray lang ang matanda. Mukhang mabait naman ito kahit papaano. At gusto niya sanang i-take chance ang kabaitan nito dahil kahit naging busy kanina ay nasa isip niya

"Ahmm, Ma'am. If you don't mind po ay may gusto lang po sana akong itanong..."

"Ano 'yun?" wika nito at nanatiling nakatingin sa magazine habang kumakain ng ginawa niya.

"Tungkol po doon sa sinabi niyo kanina tungkol sa Nanay ko. Parang ang pinapahiwatig niyo po ay first love ni Sir Cato ang Nanay ko. T-Totoo po ba?"

Tumigil ang matanda sa pagbabasa at tumingin sa kanya. "I guess, you better ask Cato about it yourself."

May punto ang matanda pero gusto na niya sana ng sagot kaya gusto rin niyang kulitin ito. Kaya lang, bago pa siya makapangulit ay may narinig silang dumating na kotse sa garahe. Mukhang si Cato iyon. Tumayo naman ang matanda at pumunta sa front door. Tama nga ang hinala niya. Sinalubong ng Lola nito si Cato na mukhang nagtaka.

"Bakit kayo nandito?" Kunot ang noo ni Cato.

"Bawal na ba kitang dalawin?"

"O-Of course not." Lumunok si Cato. "I'm just surprised..."

"Okay. Give me a hug instead. I've missed you..."

Alanganin na niyakap ni Cato ang Lola. Habang yakap ito ay tumingin ito sa kanya na para bang sinasabi na mamaya na ito makikipag-usap sa kanya at bigyan muna ito ng oras sa Lola. Naintindihan naman niya ito pero nasa puso pa rin niya ang pagkagulo. Ganoon pa man, mas pinili niya na umintindi.

Pumunta na lang si Cristal sa kuwarto niya at pinilit na kinalma ang kanyang isipan... 

Fated (New Version)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin