14

1.5K 65 8
                                    

NAPABALIKWAS si Cristal sa pagbangon sa kama nang makitang alas otso na ng umaga. Masyadong napasarap ang tulog niya at na-late siya ng gising. Nakakahiya ng sobra sa boss niya. Dapat ay nakaalis na ito para sa trabaho ng oras na iyon at ni hindi man lang siya nakapagluto ng almusal.

Pero mukhang hindi ordinaryong araw para kay Cristal ang lahat kahit weekday naman. Nasa bahay pa rin si Cato at walang pagmamadali na umiinom ng kape sa garden ng bahay. Nahihiyang binati naman niya ito.

"Late morning, Sir. Pasensya na po at na-late ako ng gising."

Blangko ang ekspresyon ng mukha na sinagot naman siya nito. "Good morning. Prepare yourself."

Kumunot ang noo ni Cristal. Magtatanong pa sana siya nang mapansin na pinasadahan siya ng tingin ng boss mula ulo hanggang paa. Nalunok na lang tuloy niya ang boses niya dahil bigla-bigla ay nag-init ang paligid niya sa tingin. Nang magkasalubong rin ang mga mata nila ay nakaramdam siya ng panginginig, lalo na at may bigla rin siyang napaisip.

Ihahanda na ba niya ang sarili niya sa panibagong halik?

Namula si Cristal sa naisip. Kasalanan rin ng halik na pinagsaluhan nila kahapon kaya late siyang naggising. Madaling araw na kasi siyang nakatulog sa kakaisip ng halik na iyon. Pero ayaw naman niyang magpahalata na masyado siyang apektado kaya kinagat na lang niya ang lang ang labi para paalisin ang init sa mukha at pakalmahin ang sarili.

"P-Para saan po?"

"We're going out."

Medyo nakahinga nang maluwag si Cristal sa narinig. "Saan po?"

Umismid ito. "'Wag ka ng masyadong magtanong. Hindi mo naman iyon ikakapahamak."

"Magkasama po ba tayo?"

Tumalim ang tingin nito. "Siyempre."

"Edi ikakapahamak ko nga iyon..." mahinang wika niya. Oo at nagkakaroon na siya ng crush sa boss niya. Pero simula nang halikan siya nito kagabi, pakiramdam niya ay mas lumalim pa ang atraksyon niya. Hindi man niya sigurado kung ano na nga iyon pero bukod sa saya, binibigyan rin siya noon ng takot. Alam kasi niya na kung ano man itong nararamdaman niya, hindi iyon maibabalik sa kanya. Sino lang naman ba kasi siya 'di ba? Wala siyang ipagmamalaki...

"What did you say?"

Umiling-iling na lang si Cristal. "Wala po."

"Don't you wish I will let Pierre take care of you."

Napaawang sandali ang labi niya. "Bakit naman nakasama si Sir Pierre sa usapan?"

"I still didn't like what I saw yesterday."

"Naipaliwanag ko na ang tungkol roon."

"It won't delete on my mind so easily."

Napangiwi si Cristal. Naguguluhan siya sa inaakto ng boss niya. Pero kahit papaano, parang kinikilig rin siya. Kung makapagsalita kasi ito ay parang nagseselos ito. Di ba kaya ka lang naman makakaramdam ng selos kapag may matindi kang nararamdaman?

Asa pa more... sigaw ng isang bahagi ng isip ni Cristal. May mabuti at masamang epekto ng pag-asa. Siyempre, masarap maniwala sa pag-asa niya. Pero masakit iyon kung mali naman siya.

Tumingin si Cato sa relo nito. "I'll give you an hour to prepare. Nag-half day lang ako sa trabaho para dito kaya kailangan na by lunch, tapos na tayo."

Wala pa man na ka-ide-ideya si Cristal sa kung ano ang balak ng boss niya ay sumunod na rin naman siya. Nag-light breakfast na lang siya at naligo na.

Saktong natapos siya sa pag-aayos ay ang paglabas rin ng boss niya sa kuwarto. Naka-simpleng polo shirt at pantalon lang ito pero nag-uumapaw pa rin ang sex-appeal nito, lalo na ngayon na itinaas pa nito ang buhok nito. It looks a bit messy but it gave him a younger look. Dahil roon, naging mas hot ito sa paningin niya.

Pinasadahan siya ng tingin ng lalaki. Bigla siyang na-conscious dahil naka-simpleng pantalon at long sleeves blouse lang siya. Pero nang may approving na ekspresyon sa mukha nito pagkatapos ay nakahinga siya nang maluwag.

"Always dress up like this." Wika nito habang naglalakad sila papunta ng kotse.

"Ha? Bakit po?"

Nagkibit-balikat lang ito. Naguluhan tuloy siya. Kung tutuusin, nahihiya pa siya sa ayos niya dahil napaka-simple at may pagka-manang rin iyon. Pakiramdam kasi niya ay ballot na balot siya. Pero wala na kasi siyang ibang matino na damit. Iisa lang ang dala niyang pang-alis na T-shirt at nang isusuot na dapat niya iyon ay saka lang niya napansin na may butas pala iyon. May dala siyang dress pero dahil hindi naman niya alam kung saan ba sila pupunta. Ayaw niyang ma-overdress. Ang sabi lang ni Cato kanina ay dalhin niya ang ilan sa mga dokumento na mayroon siya kagaya ng birth certificate at ID's. Dinala naman niya ang mga iyon, pati ang diploma niya dahil nasa iisang lalagyan lang rin naman ang mga iyon.

Hindi pa rin kinukumpirma ng lalaki kung saan sila pupunta kahit nakasakay na sila ng sasakyan. Saka lang siya nagka-ideya ng itigil na mismo ni Cato ang sasakyan nito sa harap ng building na akala niya ay sa pangarap niya lang makikita.

Tumingin siya kay Cato. A slight smile is on his face. Nanikip naman ang dibdib niya dala ng pinaghalo-halong emosyon. Namutla rin yata siya.

"What?"

Lumunok siya. "Totoo ba ito?"

Hindi sumagot si Cato. Sa halip, binuksan nito ang pinto at lumabas ng kotse. Pinagbukas rin naman siya nito.

"Come down."

Hindi nakakakilos kaagad si Cristal. Para siyang naiiyak na hindi maintindihan. Sinalubong naman ni Cato ang mga mata niya.

"What? Isn't this what you want?"

Tinitigan niya ang lalaki. Malaking part niya ang natutuwa. Nasa tapat sila ngayon ng isang sikat na university. Hindi man iyon ang university na pagmamay-ari ng kaibigan ng boss ay isa rin iyon sa magagandang university sa Maynila. Ganoon pa man, may bahagi rin niya ang nakaka-sense na parang may mali sa nangyayari.

Naalala ni Cristal ang mga binitawang salita ni Cato kagabi. May naramdaman siyang sakit sa puso. "Ito ba ang reward ko dahil pinayagan kitang halikan ako kagabi?"

Natulala lang si Cato bilang sagot.

Fated (New Version)Where stories live. Discover now