29

1.2K 55 11
                                    

BUSY si Cristal sa pagsasagot ng assignment niya sa sala nang tabihan siya ni Cato. Napatigil tuloy siya sa ginagawa.

"Hey," bati nito sa kanya at inakbayan siya. "Patapos ka na?"

Umiling si Cristal. Sandaling tinignan niya ang lalaki. "Ikaw ba?"

Kanina ay nagpaalam sa kanya si Cato pagkatapos nilang maghapunan na magtatrabaho daw ito sa kuwarto nito. Pabor naman iyon sa kanya dahil may assignment nga siya na kailangan na ipasa bukas.

"I'm done." Tumingin ito sa ginagawa niya. "Mukhang mahirap 'yan, ha."

Ngumiwi si Cristal. "Oo nga, eh..."

Math subject ang assignment ni Cristal. Hindi siya magaling sa numero kaya naman talagang nahirapan siya. Mahigit isang oras na siyang stuck sa pagsasagot roon.

"Hmmm..." wika ni Cato pagkatapos ay hinalik-halikan ang balikat niya. "Mas mahirap pa na i-resist rito?"

Napapikit at napaungol si Cristal. Sa bawat araw na nakakasama niya si Cato, iisa lang ang nadiskubre niya: he is simply irresistible. Pinapasaya siya nito sa maraming pampisikal na paraan. At importante ang kasiyahan 'di ba? Hindi lang rin naman sa kanya iyon---kay Cato rin.

Pero importante rin dapat para kay Cristal ang pag-aaral niya.

Sinubukan ni Cristal na tanggalin ang mukha ni Cato sa balikat niya. He stopped for a while. Tumingin ito sa kanya sa mga nagtatanong na mata.

Lumunok muna si Cristal dahil nahihirapan siya. Ayaw niyang pigilan si Cato dahil gusto niya ang halik at alam niyang kapupuntahan rin noon. "N-Nag-aaral ako."

"That can wait later." Kumindat si Cato pagkatapos ay kinuha ang mukha niya. He planted a hard kiss on hers.

Napaungol si Cristal sa pagitan ng halik. Naghahati ang loob niya sa halik. Oo, lumakas ang tibok ng puso niya at na-excite siya para sa mga susunod na mangyayari. Pero paano ang pag-aaral niya? Sigurado naman kasi siya na magtatagal ang kapupuntahan ng gusto ni Cato. At sa oras na matapos iyon, pagod na siya. Sira na ang concentration niya sa pag-aaral.

Buo ang loob ni Cristal na mag-aral nang mabuti. Gusto niyang makatapos ng pag-aaral para may ipagmamalaki siya sa sarili. At hindi ba at iyon ang kina-i-insecure niya sa buhay at sa relasyon nila na ito ni Cato? Mababa ang tingin niya sa sarili niya dahil wala pa talaga siyang ipagmamalaki. Sa pagbigay niya ngayon ng sarili kay Cato, parang ginagawa lang niyang alanganin ang lagay niya.

Kailangan kong mag-aral... Sinusubukang ibulong ni Cristal sa sarili niya. Sinubukan rin niyang itulak si Cato para patigilin ito at ipilit na tapusin na muna niya ang assignment. Kaya lang, naunahan na siya ng lalaki. Itinulak siya nito sa couch at kinubabawan. Tinanggal nito ang blouse at bra niya at nilaro ang dibdib niya.

Nag-init ang buong paligid para kay Cristal na nahirapan na siyang itulak palayo si Cato sa kanya. Unti-unting nanlalambot ang mga buto niya at nawawalan na siya ng will power para gawin ang kailangan niyang gawin. Bumibigay ang buong pagkatao niya palagi kay Cato at wala na yata siyang magagawa para baguhin iyon.

Mukhang nagbabago na ang lagay ng utak ni Cristal. Dapat ay mas mahalaga ang pangarap niya kaysa sa kung ano ang namamagitan sa kanila ngayon ni Cato. Nakaramdam tuloy siya ng takot kasabay ng saya. Mukhang kakaiba na itong nararamdaman niya para sa lalaki. Bago ito para sa kanya. Pero ang pinaka-nakakatakot sa lahat ay ang nararamdaman sa kanya ng lalaki. Walang kahit anong pangako ito para sa kanya. Walang pagmamahal o kahit man lang pagpapahalaga.

At ang pinakamasakit na tanong sa lahat: Sino ba naman siya para pahalagahan nito?

Fated (New Version)Where stories live. Discover now