31

1.2K 60 13
                                    

MAY SAYA na medyo may kaba si Cato sa puso habang inaalalayan si Cristal papasok sa bahay ng kaibigan na si Dash. Inimbitahan siya nito na mag-lunch. Dahil matagal na rin silang hindi nagkita dahil sa pagiging abala nito sa buhay mag-asawa at sa pagiging future Daddy nito ay na-miss niya ito. Isinama na rin niya si Cristal dahil gusto rin naman niya na makasama ito. Linggo ngayon kaya wala siyang trabaho at wala rin naman itong pasok sa eskuwelahan. Gusto rin niyang makapag-bonding sila kahit papaano.

Pero may takot sa puso niya dahil alam niyang iba si Cristal sa mga babaeng nakakasalamuha niya. Out of their league rin ito sa mga kaibigan niya. Mabait naman si Dash at ang asawa nitong si Kaia pero paano kung maging iba ang mga ito kay Cristal? Pagkatapos ng lahat, ngayon lang siya makakapagsama sa harap ng mga ito ng hindi sopistikada na babae. Kaya para maiwasan iyon, pinaayusan niya si Cristal. Mas gumanda ito kaya medyo nabawasan na rin ang takot niya kaysa sa kanina.

Kaya lang, pagdating niya mismo sa bahay ni Dash ay nagulat siya nang makitang naroroon rin ang isa nilang kaibigan na si Seymor. Kinabahan siya nang makitang kasama rin ni Seymor ang asawa na si Luna. Hindi niya gusto ang babae. Masyado itong mayabang para sa kanya. Parang gusto tuloy niyang umurong pero nakapasok na sila ni Cristal kaya naman nakakahiya na kung ngayon pa siya pangunahan ng takot ulit.

"Bakit ka nandito?" Sa halip ay tanong na lang niya kay Luna nang nang-uusig na tingin ang binigay nito sa kanya.

Humalukipkip ang babae. "May karapatan ako na pumunta rito dahil inimbitahan rin ako nina Dash at Kaia. Ikaw, may karapatan ka ba na mag-feeling Diyos at magkaroon na naman ng bagong babae?"

Nag-init ang ulo agad ni Cato dahil parang pinahiya siya ni Luna sa harap ni Cristal. Tumingin tuloy siya kay Cristal para makita ang nararamdaman nito. Namulta siya nang makitang nakayuko ito at parang napahiya. "Don't mind her..."

Hindi sumagot si Cristal. Nanatili lang itong nakayuko. Mukhang naramdaman ni Seymor na awkward kaya tumayo ito para i-welcome sila ng ayos kasunod ang totoong host ng lunch na sina Dash at Kaia.

"Hello, what's your name?" Friendly na wika ni Kaia kay Cristal.

Nagtaas ng ulo si Cristal pero may hiya pa rin sa mukha. Sumagot ito pero mahina lang ang boses. "H-Hi, I'm Cristal."

"Hello, Cristal. Welcome to our home. I'm Kaia," Ipinakilala rin ni Kaia si Dash, Seymor at si Luna sa babae. Pagkatapos ay tumingin si Kaia sa kanya. "Halika, maupo muna kayo sa sala. Hindi pa naman dumadating ang order naming pagkain para sa lunch."

Pumayag siya dahil wala naman roon si Luna. Nasa dining table ito na hindi rin naman kalayuan sa sala ng bahay. Pagkaupo nila ay nakangiwing kinausap sila ni Seymor.

"Pagpasensyahan niyo na si Luna, ha? Buntis kasi 'yun kaya nagtataray na naman."

Gustong umikot ng mga mata niya. Kahit naman noong hindi pa mag-asawa ang dalawa ay mataray na ang babae. "Fine. Congratulations na lang sa inyo."

Nagliwanag ang mukha ni Seymor. "Thank you so much." Tumingin si Seymor kay Cristal. "So, Cristal, how are you? Saan kayo nagkakilala nitong kaibigan ko?"

Tumingin si Cristal kay Cato, mukhang nanghihingi ng tulong. Naintindihan naman niya ito at kinabahan siya dahil ayaw niyang bumaba ang tingin ng mga ito kay Cristal.

Tumikhim na lang siya. "It's a long story."

"Hmmm..." Tumitig si Seymor rito. "Siya ba 'yung kinuwento ni Pierrre na binabahay mo raw?"

Napaawang ang bibig ni Cato. Namawis siya. Nawala sa isip niya na kilala na nga pala ni Pierre ito at naikuwento na ni Pierre kay Dash ang babae. At dahil madaldal ang huli, malamang ay naikuwento na rin nito iyon kay Seymor.

"Y-Yes. Pero 'wag na nating pag-usapan ang tungkol roon." Pag-iiba niya sa usapan. He felt uncomfortable bringing Cristal's status on his life.

"She's pretty."

"Pretty much different from the girl I date before?"

"Yes. And so much better." Ngumiti si Cato at kinamayan si Cristal. "Nice to meet you, Cristal. Sana ay magtagal ang relasyon niyo ng kaibigan ko."

"T-Thank you..."

May alinlangan na ngiti si Cristal sa labi pagkatapos ay tumingin sa kanya. Napalunok naman siya dahil parang nabasa niya ang nasa isip nito---ang ibig sabihin ng huling sinabi ni Seymor. Bigla rin kasi siyang napaisip at naging awkward na naman sa kanya ang paligid.

Ano ba naman ginagawa ng mag-asawang De Silva na ito?!

Nainis na naman si Cato kahit hindi naman dapat. Desisyon niya na isama si Cristal kaya hindi niya masisisi kung mag-react ng ganoon ang mga kaibigan. Ganoon pa man, sanay na naman ito sa kanya. May naisasama man siyang babae kahit kaharap ang mga ito ay alam ng mga ito na hindi siya nagseseryoso. Kaya somehow, mali pa rin si Seymor. Alam na dapat nito ang rules ng pakikipag-date niya.

Ganoon pa man, mali na iparamdam niya ang inis niya. Ano ang mararamdaman ni Cristal kapag na-realize nito na hindi naman siya nagseseryoso sa babae? Na hindi siya seryoso sa pakikipaglapit rito?

Hindi nga ba? Susot ng isang bahagi ng isip naman ni Cato. At gusto na naman niyang mainis. He allowed himself to be in this situation. Kailangan niyang makipag-deal roon.

Sa huli, kinuha na lang ni Cato ang kamay ni Cristal. Hinawakan niya iyon at pinisil. Kasabay noon ay ang parang pagpisil rin sa puso niya dahil kahit siya ay naguguluhan rin sa totoo bang nararamdaman sa babaeng isinama niya.

---

A/N

Sorry guys sobrang bagal na naman ng update ha. I have a new job kasi and it's eating most of my time. Hirap akong makapagsulat but I'm trying for all of you.

Thank you always for your support. Sana andiyan pa rin kayo kahit once a week na lang ako mag-update. Hehehe. Di man ako nakakareply palagi, whenever I have time naman ay binabasa ko comments niyo rin.

Sana wag kayong magsawa sa akin at sa stories ko. Salamat ulit ❤

Fated (New Version)Where stories live. Discover now