30

1.4K 61 11
                                    

NA-EXCITE si Cristal nang sabihin ni Cato na lalabas silang dalawa. Nasa isip niya na magde-date sila kaya naman inayos niya ang sarili niya. Gamit ang mumurahing make-up na pagmamay-ari niya ay inayusan niya ang kanyang sarili. Isinuot rin niya ang pinakamagandang damit na meron siya para ma-impress ang lalaki. Satisfied naman siya sa naging ayos niya. Pero mukhang nagkamali siya na umasa na ganoon rin ang lalaki. Matagal lang na nakatitig ito sa kanya at parang napahiya siya sa klase ng tingin nito. Para kasi iyong nanunuri na hindi maintindihan.

Napayuko si Cristal at kinagat ang ibabang labi. "Pangit ba ang ayos ko?"

Medyo matagal bago sumagot si Cato. "It's good, but..."

Umiling-iling ang lalaki kaya lalong nahiya si Cristal. "A-Ano?"

Tumingin si Cato sa relo nito. "May oras pa naman tayo."

Napalunok siya. "Para saan?"

"Para makapag-ayos ka."

Nakagat niya ulit ang ibabang labi. "Ahmm, sa totoo lang, hindi naman ako magaling mag-ayos ng sarili." Maraming nagsasabi kay Cristal na maganda naman siya kahit hindi mag-ayos kaya hindi siya bothered. Pero bigla yata siyang nahiya dahil mataas ang standard ng lalaki. "Isa pa, kailangan ba na mag-ayos talaga ako?"

Medyo matagal na sumagot si Cato. Umiling-iling rin muna ito bago hinawakan ang kamay niya. "Tara na nga."

Ginabayan siya ni Cato papunta sa garahe at sumakay na sila sa kotse. Sinubukan niyang tanungin kung saan ba talaga sila pupunta pero nanatiling tahimik si Cato. May dalawampung minuto rin na nagdrive si Cato nang magpark ito sa isang mall.

It's a date... Nasa isip ni Cristal. Bumangon ulit ang excitement at kilig niya. Gusto niyang tanungin si Cato kung anong klaseng date kaya ito. Movie date? O simpleng lunch lang? Pero hindi na niya ginawa. Mas maganda nga na ma-surprise siya.

Pero na-disappoint lang si Cristal sa stall kung saan siya dinala ni Cato---sa salon sa loob ng mall.

"Please give her a quick fix. 'Yung light make-up lang pero may dating." Utos ni Cato sa nag-assist sa kanila.

Kung ganoon, pangit pa rin talaga ako sa paningin ni Cato... Sumama ang loob ni Cristal pero hindi na lang siya nagsalita. Kahit nang magpaalam sa kanya si Cato na may bibilhin habang inaayusan siya ay hindi ito sumagot. Hinayaan na lang niya ito.

Mas maganda kaysa sa kaninang ginawa niya ang kinalabasan ng pagpapaayos sa kanya ni Cato. Pero wala ang satisfaction na naramdaman niya kanina sa sarili niyang ayos. Kahit nang makabalik si Cato at may binili pa pala itong dress at sapatos para suotin niya ay hindi nagbago ang mood niya. Bumagay man iyon pero mas nakadagdag pa iyon sa inis niya. Pakiramdam niya ay ang pangit niya para kailangan pang bihisan. Samantalang si Cato naman ay napaka-casual lang ng suot---blue na polo shirt at gray na shorts.

"Beautiful," puri sa kanya ni Cato nang maisuot ang binili nitong pomelo summer dress. Bumagay rin ang puti na doll shoes na binili nito sa kanya.

Hindi pa rin sumaya si Cristal sa papuri. Napansin naman iyon ni Cato. Hinawakan nito ang pisngi niya.

"Smile. Ayaw mo ba na maganda ka?"

Hindi naitago ni Cristal ang pagkairita. "Bakit ba kasi kailangan ko pa na magpaganda?"

Kinindatan siya ng lalaki. "I just want you to be more presentable and you'll know why later."

Hinawakan na ni Cato ang kamay niya. Sinubukan pa niya ulit na magtanong pero hindi na rin naman siya nito sinasagot. Malaki lang ang ngiti nito habang nagda-drive sila palayo sa mall.

Maganda nga na ma-surprise si Cristal pero naliligalig siya. Saan nga ba siya dadalhin ni Cato at kailangan na nakaayos pa siya? Mukhang espesyal, ah...

Sa naisip ay biglang nawala ang inis ni Cristal. Na-excite na ulit siya. Mukhang ganoon na nga. May espesyal na okasyon kaya gusto rin ni Cato na pagandahin siya. Ano kayang okasyon iyon? May makikilala ba siya na pamilya nito o iba pang kaibigan nito?

Kaunti lang ang alam ni Cristal kay Cato. Hindi naman kasi ito makuwento sa kanya. Kaya naman ikakasaya niya kung papasukin rin siya nito sa personal nitong buhay.

Mga kalahating oras rin na nag-drive si Cato hanggang sa makarating sila sa may kalakihan na bahay.

"Kaninong bahay ito?"

"One of my best friends." Inilahad ni Cato ang kamay nito sa kanya. "Come."

"Kay Sir Pierre?"

Umiling si Cato. "Different. 'Yung alam kong hindi ka aagawin."

May hint of possessiveness sa boses ni Cato at somehow ay ikinatuwa naman iyon ni Cristal. Para kasing kung possessive pa rin ito sa kanya ay inaangkin na siya nito. Wala man na salita dahil nasa pagtagpi-tagpi lang niya sa isip ng mga bagay-bagay ang lahat. Pero kahit ganoon ay masaya siya. Hindi man ganoon ka-kompleto ang saya pero may contentment sa puso niya.

One step at a time...

Pakiramdam ni Cristal ay unti-unti na siyang pinapapasok ni Cato sa buhay nito. At hindi mapigilan ng puso niya na mapuno ng pag-asa...

Fated (New Version)Where stories live. Discover now