EULIII49

555 33 30
                                    

-

Buhay pa 'to! Tumawag kayo ng ambulansya!"

-

Third Person's POV

"Itchan! Stop! Please! Itchan!" Rinig ni Kean at ni Skyrus na sigaw ni Eul mula sa kuwarto nito. Nanlaki ang mga mata ng pareho na tinakbo ito at pumasok.

Tumambad sa kanila si Eul na ngayon ay pumipiglas-piglas sa kama at pawis na pawis. Umiiyak pa ito na tila'y pinipilit na kumawala sa yakap na mahigpit ng kung sino.

"Eul... babe... you're safe..." paggising ni Kean sa asawa at mariing niyakap ito.

"Spi..." mahinang tugon ni Eul at itinaas ang tingin sa taong yakap siya. Ang asawa niya. Si Kean.

Bahagyang nadismaya ang mukha ni Kean ngunit hindi niya na ito ininda, bagkus ay mas niyakap nang mahigpit ang asawa.

Hinihingal na umalis sa yakap ni Kean si Eul at umupo nang maayos sa kama. Masakit ang ulo at nahihilo. Mariin pa siyang napapikit sa nararamdaman.

"May masakit ba sa'yo?" Nagaalalang turan ni Skyrus at lumuhod sa harap ni Eul upang titigan ito ngunit ang huli ay umiling nalang.

"Sabi ni Doctor Queredo, you're exhausted which caused you to faint... you should rest..." malambing na paalala ni Skyrus sa matalik na kaibigan.

Saglit na tinignan ni Skyrus si Kean at tinanguan ito. Ilang segundo pa ay nagtaas ng tingin si Eul at pinagmasdan ang paligid. Nasa sarili niya na siyang kuwarto.

Nagpakawala pa siya ng buntomg hininga at akmang magsasalita nang may marinig na malakas na boses.

Malabo iyon kaya't tumayo si Skyrus upang tignan ito mula sa bintana. Umiling pa siya nang mapagtanto kung sino ito.

"Si Mrs. Gatchalian..." sabi lang Skyrus at nilingon ang dalawang kaibigan.

Tumayo si Kean upang lumabas na sana nang magsalita si Eul na ikinatigil niya.

"Why? What happened?" Tanong ni Eul. Nagtinginan sina Skyrus at Kean at pagkuway na lumapit at umupo sa tabi ni Eul.

"The Vista Mining Company is now on the process of retrieval... and we're winning..." paliwanag ni Skyrus habang nakatitig kay Eul.

"How---" Nagtaka pa noong una si Eul ngunit nang maalala ang lahat ay tumango nalang siya.

"Saglit lang..." sabi bigla ni Kean ngunit muli siyang inunahan ni Eul.

"Ako na... kaya ko..." buong lakas siyang tumayo. Akmang tutulungan pa siya ng pareho ngunit sinenyasan niya na itong tumigil. Dahan-dahan siyang naglakad palabas ng silid at tinahak ang daan palabas ng mansion.

"---sinasabi ko na nga ba! Palabas mo lang lahat 'to! Walang hiya ka Eul!" Rinig niya pang malakas na sigaw nito at pagkuway na sinisipa ang gate na gumagawa ng malakas na ingay.

"Sir..." sabi pa ni Mr. Ong at akmang aalalayan si Eul ngunit pinagbawalan nina Kean at Skyrus na ngayon ay nasa likod ni Eul.

"Walang hiya ka! Napakademonyo mo Eul! Sinira mo ang kabuhayan namin! Wala kang awa!" Sunod pang sigaw nito.

Nang makalapit sa gate ay inutusan ni Eul ang mga guwardiya na buksan iyon. Bumungad pa sa kaniya ang may katandaan nang babae na pinipigilan ng iba niya pang tauhan.

"Sa wakas! Nagpakita ka na rin! Buti nagkaroon ka ng lakas ng loob na magpakita sakin! Ibalik mo ang Vista Mining Company ng pamilyang Gatchalian---" mahabang litanya muli nito na sinegundahan ni Eul.

"That is never yours..." umiiling na panimula ni Eul. "Inagaw niyo lang 'yon sa ME Group... and you don't deserve it... you know that... you don't deserve it..." nakangiting wika ni Eul na mas lalong kinagalit ni Mrs. Gatchalian.

"Napakademonyo mo! Walang hiya ka! Dadating ang araw! Makakabawi rin ako sa'yo! Tandaan mo ang araw na ito!"  Lumapit si Eul nang marahan. Bahagya pang naglakad palapit sina Skyrus at Kean na ngayon ay kinabahan sa ginawa nito.

"Ako ang resulta ng lahat ng kademonyohang ginagawa niyo..." at mas dumikit dito para huling bumulong.

"Kinarma ka lang... malas mo, ako natapat sa'yo..."

-

"Dalhin niyo 'yan dito!" Sigaw ni Paulo sa mga tauhan. Si Miles naman ay nanatiling nakaupo sa sariling upuan habang hinihintay ang pagpasok ng kanina niya pa hinihintay.

Ilang sandali pa ay dala na ng dalawang bodyguards ni Miles ang katawang hinang hina na. Puno ng mga sugat ang buong katawan at naligo narin ng sariling dugo mula mukha hanggang tiyan.

Napalilibutan pa ang dibdib nito ng mga pasa at malalaking sugat na walang habas na binigay sa kaniya. Nanghihina at pagkuway na inuubo itong napaharap sa una.

Si Miles ay naglakad patungo sa likod nito at sinabunutan upang tumingala sa mukha niya. "Putangina mo!" Sigaw ni Miles sabay dinuraan si Itchan at sinipa na kinatumba nito sa sahig.

"Tangina ka! Binulilyaso mo pa ako!" At pumaikot kay Itchan habang tinatanggal ang puting suit nito kasama na ang puting pantalon.

"Akin na 'yan..." sabay lahad ng kamay upang makuha ang hawak na latigo ng isa pang tauhan.

"Ang laki ng binayad ko sa'yo! Hindi mo pa nagawa nang matino!" Muling bulyaw ni Miles sabay pasada ng sangkatutak na kumpas ng latigo sa katawan ni Itchan.

Hindi na ito makasigaw sa sakit na nararamdaman. Hindi na makagalaw upang umiwas sa bawat kumpas ng latigo. Wala na siyang nagawa kundi tanggapin ang masasakit na paglapat nito sa kaniyang katawan.

"Tangina mo!" At binitawan ang naturang armas upang lumapit kay Itchan. Muli niya itong sinabunutan at sinuntok nang malakas na ikinabagsak nito.

Tumayo si Miles at pinatunog ang leeg. Pumikit nang malalim at tumalikod.

"Itapon niyo na 'yan! Hayaan niyong mamatay!"

-

"Just do what I said... you don't want to disappoint me..." at pinatay na ang tawag. Humarap siya sa pinto ng kanilang kuwarto at walang tunog na pinihit ang doorknob.

Tulog na si Eul nang makapasok si Kean sa kanilang silid. Gabi na rin at totoong nakakapagod ang mga nagdaan na araw. Nakaririnding katahimikan ang namayani sa silid na iyon.

Naglakad siya palapit sa asawa at umupo sa likod nito. Sumandal sa headboard at pagkuway na hinimas ang malambot na buhok ni Eul.

Hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwala sa nangyayari. Na kasama niyang nakahiga si Eul. Humihinga. Buhay na buhay sa tabi niya.

"Hindi ko alam kung bakit lagi nalang umeeksena 'yang Spiro na 'yan..." mahina niya pang sambit sabay ayos ng unan sa kaniyang likod.

Hindi niya maiwasang hindi maisip ang sandaling tinawag ni Eul si Spiro kahit na siya ang kasama nito. Nayayamot at napupuno ng selos ang kaniyang kaibuturan.

Marahan siyang humiga at niyakap ito patalikod sa kaniya. Inamoy ang asawa at sumamang magpaubaya sa antok.

"This time, I'll do everything para manatili ka sakin... kahit pumatay pa ako... gagawin ko para sa'yo..."

-

"Hala! Yung mama!" Sigaw ng kung sino na ikinalingon ng lahat sa lansangan. Naabutan pa nila ang pagsipa palabas sa di kilalang lalaki mula sa sasakyan at matulin nitong paglisan sa naturang lugar.

Ang mga tao ay nagsitakbuhan palapit sa nasabing lalaki. Mabilis na pinalibutan siya ng mga ito.

"Grabe nakakaawa naman 'yan... naku po! Naliligo na siya ng dugo!" sambit ng isang ale habang pumapaypay pa sa sarili.

"Patay na ata 'yan eh... ang sama naman ng mga gumawa sa kaniya niyan..." turan naman ng iba pa.

"Excuse me... nurse po ako..." biglang sabi ng isa at bahagyang tulak sa sangkatutak na bulto ng tao para makapasok at makalapit sa walang malay na lalaki.

Pumwesto siya sa bandang ulo nito at kinapa ang leeg. Mabils na bumaling sa karamihan bago sumigaw.

"Buhay pa 'to! Tumawag kayo ng ambulansya!"

-

Itutuloy

-

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon