EULIII10

714 38 11
                                    

-

"It's time... It's time to meet the Deep 16..."

-

Third Person's POV

"Isang linggo na ang nakararaan nang sumabog at lumubog sa karagatan ang sinasakyang private jet ni Eul Justine Espinosa habang binabaybay ang pagitan ng Mindoro at Batangas. Sa masusing imbestigasyon ng CAAP o Civil Aviation Authority of the Philippines sa pangunguna ni Captain Jimmie Montes, napagalamang ito ay maituturing na Improvised Explosive Device o IED attack."

"Sa isinasagawang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard sa pangunguna naman ni General Rodulfo Villanueva, ay hindi parin nahahanap ang nasabing negosyante o ang presensya ng eroplanong nabanggit---unfortunately, under the protocol, after next week, pag hindi parin sila nahanap, they will be categorized as missing persons---dagdag pa niya, gagawin nila ang lahat upang mahanap ang mga nawawalang personalidad na lulan ng lumubog na eroplano, buhay man ito o hindi, bago matapos ang kanilang obligasyon sa nasabing operasyon."

-

"Mr. Vice Chairman!" Pagbati ng mga tao pagpasok ni Edward sa conference room ng ME Center Building. Ang lahat ay tumayo at saglit na yumuko upang magbigay galang sa taong kapapasok lamang ng silid. 

Sumenyas lang si Edward at umupo na ang lahat. Kung tatantiyahin ay kita na sa mukha nito ang bakas ng katandaan. Mula sa kalat-kalat niyang puting buhok patungo sa balat niyang napagdaanan na ng maraming panahon. 

"Mr. Pangilinan, in behalf of ME Group's Major Shareholders, I would like to be informed what is exactly happening..." Panimula ng nasa kanang bahagi ni Edward. Matapos niyang magsalita ay nagtanguan naman ang mga natira at bumaling kay Edward na tila'y hinihintay ang isasagot nito. 

"I can't say... It's just a week..." Paunang sagot ni Edward at huminga ng malalim bago pindutin ang telepono sa kaniyang harapan. Saglit pa siyang napatingin sa  bakanteng upuan ni Eul habang hinihintay ang pagsagot ng kabilang linya. 

"Tell Attorney Calixtro Mendoza, he's being called to the conference room... now." Bungad ni Edward sa kabilang linya at mabilis na binaba ito. 

-

Saktong lumubog na ang araw nang tuluyang makarating sa pier ang mga otoridad kasama ang mga kaibigan ni Eul na sina Kit, Jigs, at Sheena, ang asawa nito na si Kean, ang masugid at hindi nawawalan ng pagasang si Spiro at ang kaibigan nitong si Kevin. 

Hindi man nahanap si Eul sa ikapitong araw, patuloy parin silang nananalig na buhay pa ito at nasa maayos na kalagayan. Saglit pang tumitig si Spiro sa matayog na karagatan bago nagpakawala ng buntong hinginga at tumalikod doon. 

"Mr. Pangilinan, I just got the e-mail..." Ani ni Sheena habang sumusunod kay Kean na ngayon ay patungo na sa kinaroroonan ng chopper. "There is an urgent major shareholders' conference at the center building..." Pagtutuloy ni Sheena. 

Takang tumingin si Kean kay Sheena at nagtanong. "When?" Huminto pa si Kean sa paglalakad para mas maintindihan si Sheena.

Muling nagbasa si Sheena sa kaniyang iPad paharap kay Kean. "It's happening right now... with your father's call."

Sa narinig ay napailing si Kean at bahagyang nagpakawala ng mapait na ngiti bago muling naglakad patungo sa chopper.

-

"Atty. Mendoza, it's been a week since the chairman's private jet crashed... his body---" Panimulang tanong ng isang shareholder ngunit pinutol ng abogado. "---He's not yet declared as dead..."

Naglapag ang abogado ng mga papeles at binuklat ang mga ito upang basahin sa harapan ng mga bigating tao. "After two weeks of search and rescue operation, if a person is still can't be found, he or she will be categorized as a missing person..." Malinaw na basa ng abogado sabay tinignan ang kaninang nagtanong. 

"Hence, for the company's concern, it is stated in the law that a missing person can't be declared dead until three months of absence..." Pagtatapos ng abogado sabay lapag ng mga papeles na kaninang binasa. 

"Then, what should we do?" Tanong naman ng isa sa dulo.

"What you all should do is wait... honestly... it's been a week... and I don't think it's appropriate to talk about this matter right now." Makabuluhang usal ng abogado. Naintindihan naman ng lahat ang litanya nito at pagkuway na napuno ng katahimikan ang buong silid. 

"Anyways, as for your right as shareholders of this company..." Pambasag ng abogado sa ilang minutong katahimikan. "If and only if, Chairman Eul Justine Espinosa will still be missing in the next three months, his heir, as we all know, his husband, Mr.  Kean Josh Pangilinan will succeed his title." Mahabang litanya muli ng abogado. Muli silang nabalot ng katahimikan. Ang iba ay tumango-tango pa sa sinabi nito.

"Yes... I don't think it's the right time..." Segunda naman ni Edward sabay tumayo. 

Naglakad pa siya diretso sa pinto ng nasabing silid. Ang lahat ay nakatuon ang paningin sa kaniya. Tumingin pa siya sa mga tao bago nagsalita at tuluyang lumabas.

"Let's just focus on finding the chairman... this meeting is concluded." 

-

Nagmamadaling bumaba si Kean sa chopper at lakad-takbo niyang tinahak ang daan patungo sa conference room ng nasabing gusali mula sa roof deck nito. Nakasunod pa sa kaniya sina Sheena at Mr. Ong. 

Nasa loob na sila ng elevator ngunit tila'y hindi makapaghintay si Kean na makalabas na rito. "Fuck! Fuck! Fuck!" Mahina ngunit puno ng gigil na pagkakabigkas nito. Nagkatinginan pa sina Sheena at Mr. Ong matapos marinig ang sinabi ng amo.

"You must be kidding me... Dad..." Muling sambit ni Kean bago bumukas ang pinto ng elevator at tinakbo iyon palabas. 

-

"I'm sorry Mr. Yokohama, but the conference is concluded half an hour ago..." Nang marinig ang sinagot ng concierge ay dismayado siyang tumalikod at umiling nalang sa kawalan. Ilang saglit pa ay nakarinig siya ng mabibilis na yapak patungo sa kaniyang direksyon.

"Skyrus!" Sigaw ni Kean nang mamataan ang kaibigan sa tapat ng pinto ng nasabing silid. Nilingon siya nito at binigyan ng nagtatakang tingin.

"What happened?" Tanong ni Kean pagkalapit sa kaibigan. Sumilip pa siya sa salaming pinto ng silid ngunit nagtaka nang walang taong nakita. Muli niyang binaling ang atensyon sa kaibigan at nagtanong.

"Men, anong nangyari?" Tanong muli nito. Nagkibit balikat si Skyrus sa kaibigan at nagsalita.

"Hindi ko alam... bakit hindi mo itanong sa daddy mong hindi ko malaman ang motibo?"

-

"It's been a week... anong balita sa conference ng ME Group?" Tanong ni Miles kay Paulo habang nakatitig sa paborito niyang tanawin. Lumapit ito at pasimpleng bumulong sa amo na nagsanhi ng pagarko ng malaking ngiti sa kaniyang labi.

"It's time... It's time to meet the Deep 16..."

-

Itutuloy

-

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon