EULIII23

510 27 6
                                    

-

"My loyalty is yours, Mr. Pangilinan..."

-

Third Person's POV

"Taliwas sa tradisyon, ang 60th founding anniversary ng Madrigal-Espinosa Group of Companies na ginanap dalawang araw na ang nakalilipas ay hindi nakapagtatakang nabalot ng katahimikan. Tanging ang mga shareholders lamang nito ang inimbitahang dumalo."

"Mahigpit at walang pinapasok na media, kaiba sa engrandeng tradisyon nito---we respect the current situation and by doing so, we value the company's privacy---saad ni ME Group's Foundation President Skyrus Yokohama sa isang interview."

"Ani naman ni Vice Chairman Edward Pangilinan, ang nasabing pagtitipon ay nagbukas sa panibagong mga posibilidad sa kompanya---in the absence of our chairman, the company will be headed by my son, Kean Josh Pangilinan and the chairman's half-brother, Miles Espinosa..."

"Bago ang nasabing tahimik na selebrasyon, pinaingay muli ng nasabing kompanya ang industriya nang ilabas ni Miles Espinosa ang mga papeles na nagpapatunay na siya ay may karapatang pamunuan ang kompanya---" at walang pasabing pinatay ang telebisyon.

"Son... you should never trust him..." mariing sabi ni Edward sabay sandal sa kaniyang upuan.

"He's just a bastard Espinosa... wala siyang karapatan na pamunuan ang ME Group..." muling saad nito at tumayo mula sa pagkakaupo. Naglakad patungo sa kaniyang desk at pumindot sa telepono.

"We'll make sure to get rid of him..." huling sabi pa nito bago bungaran ang tawag.

"Yes... papuntahin mo siya dito... now..."

-

Nagising siya sa matinding hapding dumadaloy sa kaniyang buong katawan. Dahan-dahang binuksan ang mga mata at nanlalagkit na mabilis niyang naigalaw ang kaniyang mga hita.

Tila imposibleng nagising pa sa napakalupit na bangungot. Siya'y nabigyan ng bahagyang pagasa na muling humarap sa panibagong pagsubok ng buhay.

Hinanap niya pa ang presensya ng walang hiyang si Itchan sa buong silid at nakahingang maluwag nang malamang wala ito.

Nagtataka kung bakit wala na ang hilo at bigat sa kaniyang ulo at tila hindi na siya nanghihina. Ngunit ang kapalit ng kalayaan sa katawan ay ang sakit sa kaniyang kasukasuhan.

Pinagmasdan niya ang kaniyang buong katawang ngayon ay nabalot ng bahagyang mga dugo. Ang dating makinis at maputing mga balat ay ngayong napuno ng sangkatutak na latay at mga pasa.

Bawat haplos sa kaniyang balat ay siya ring pagdaloy ng matinding kirot dito. Napailing pa siya nang bahagyang maalala ang kagimbal-gimbal niyang sinapit.

Paniguradong mugto ang mga mata dahil sa walang tigil na pagiyak, minabuti niyang pigilan ang mga luha sa muling pagpatak nito.

Nakatali parin ang kaniyang parehong mga kamay sa magkabilang dulo ng headboard ng kama ngunit ang kaniyang mga paa ay malaya na. Dahan-dahan niyang ginalaw iyon upang mawala ang ngalay na nararamdaman.

Hindi niya maiwasang hindi kaawaan ang sarili sa matinding sinapit. Wala sa isip niyang siya'y mabubuhay pa matapos ng walang habas na pananakit sa kaniya ni Itchan. Saglit niyang nakita sa kaniyang alaala ang mala-demonyong mga mata ni Itchan.

Mariin siyang napapikit sa naalala at huminga nang malalim upang makapagisip ng maayos. "Kailangan kong makatakas dito..." sabi pa niya.

"Eul... magisip ka... focus..." maluha-luha niyang sabi sa sarili habang iniisip kung saan nagsimula lahat ng masasamang sinapit.

Huminga pa siya ulit nang malalim at inikot ang tingin sa madilim na silid. Tanging ilaw lamang sa ibabaw ng lamesa ang nagbibigay liwanag. "It's impossible na walang pintuan 'to palabas... think... Eul... think..." muli pa niyang sambit.

Mula sa makikinis na pader, walang pinto o bintana, wala siyang nakikitang kahit na anong butas na pwede pasukan ng malamig na hangin ng aircon. Wala siyang makitang kahina-hinala sa sementong kisame.

"Shit... it's impossible!" Bulyaw niya pa sa sarili nang walang makitang lagusan. Muli siyang huminga nang malalim para masugid na magisip.

"Eul... think... kung walang pinto, pano nakakapasok si Itchan?" At tumitig sa kawalan. "Kung ako si Itchan... saan ko ilalagay ang pinto?" Tanong pa niya sa sarili at biglang napangiti sa napagtanto. Ang bawat sakit na kaniyang naranasan ay biglang napawi nang makakita ng pagasa.

Ilang saglit lang ay nakarinig siya ng kalabog sa kung saan. Mabilis siyang bumalik sa kaninang puwesto at ipinikit ang mga mata upang magtulog-tulugan.

Matapos ng kalabog ay siya namang paghahari ng tunog na tila'y tumatagas na gasolina. Saglit niyang minulat ang mga mata at napatingin sa nilalabasan ng malabnaw na usok sa bawat sulok ng kuwarto.

Nang may maamoy na hindi pangkaraniwan, mabilis siyang dumapa sa unan upang hindi ito tuluyang masinghot. Matamis ito at mabango ngunit tiniis niya ang pagkasabik.

Alam niya sa sariling kaunti lamang ang kaniyang naamoy ngunit bahagya niya nang nararamdaman ang pagkahilo. Tila habambuhay na pagtitiis at paghihintay sa sunod na mangyayari, sa wakas ay nakarinig na siya ng kalabog at matinis na tunog na pagbukas ng kinakalawang na pinto. Doon ay mas umuwang ang ngiti sa kaniyang mga labi.

Pigil hininga siyang bumalik sa pagkatihaya nang marinig ang mga yapak ni Itchan. Nagulat pa siya nang hilain nito ang kama sa kung saan.

"Mahal ko?" Pagtawag nito kay Eul sabay umupo sa tabi nito. Nakita niya ang hubad nitong katawan na nililinyahan ng mga dugo mula sa mga sugat. Humiga pa ito paharap kay Eul at hinimas ang makinis nitong mukha.

"Sorry ah... ikaw kasi eh... ang kulit mo..." sabi muli nito at humalik sa labi ni Eul bago tumayo at pumunta sa lamesa upang ilapag ang mga pinamili.

Sa pagkakataong ito ay ganap na ang hilo at bigat sa talukap ng mga mata ni Eul. Ilang saglit nalang ay tuluyan na siyang mawawalan nang malay ngunit masuwerteng narinig ang huling sinabi ni Itchan.

"'Wag kang magalala... makikita na nila ang katawan mo... pag nangyari 'yon, wala ka nang kawala sakin---"

-

"Mr. Pangilinan..." bungad ni Atty. Mendoza pagpasok niya sa opisina ni Edward.

Nakita niya pa si Kean na nakaupo sa couch nito. Nang mapansin ang abogado ay mabilis nitong pinatay ang telebisyon at binaling ang atensyon sa kaniya.

"Come... come..." paganyaya ni Edward sabay tayo sa kaniyang upuan at tumungo sa tabi ni Kean upang umupo. Sumunod naman ang abogado at malugod na umupo sa tapat ng mag-ama.

"Atty. Mendoza, you've worked hard for your position right now... I know that..." panimula ni Edward sabay sumandal sa couch.

"And we all know, you deserve more than that..." dagdag pa ni Kean.

Napatingin pa ang abogado sa huli at nagtakang tumingin dito. "Oh... don't get me wrong... ang gusto ko lang, ma-secure ang posisyon ni Eul sa ME Group..." pagdepensa pa nito sa sarili.

"Miles doesn't deserve ME Group... you know that..." segunda naman ni Edward na pagkuway nilang pinagsangayunan.

Umayos ng upo si Edward at nilahad ang kamay sa abogado. "Maaasahan ka ba namin, Atty. Mendoza?" Sabay tumango.

Ngumiti pa ang abogado at masugid na tinanggap ang kamay ni Edward bago huling naglitanya.

"My loyalty is yours, Mr. Pangilinan..."

-

Itutuloy

-

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon