EULIII46

472 37 14
                                    

-

"I will fight for you... hanggang kamatayan, ipaglalaban kita... Eul..."

-

Third Person's POV

"Mr. Espinosa, he's here..." mahinang turan ni Paulo nang makita ang paparating na itim na sasakyan. Si Miles naman ay tumango lang sa tauhan na naintindihan naman nito.

Lumabas si Paulo sa sasakyan na sinundan na rin ng driver. Tanging si Miles nalang ang natira sa kotse na masugid na naghihintay.

"General Quintos" pagbati ni Paulo sabay lahad ng kamay sa kalalabas lang na heneral. Malugod naman itong tinanggap ng huli at naglakad patungo sa sasakyang lulan si Miles.

Binuksan ng heneral ang pinto ng kotse at napansin si Miles na nakatitig sa kawalan. Pumasok siya dito at tumabi sa huli.

Ang mga bodyguards ng parehong personalidad ay pumalibot sa naturang sasakyan at masugid na pinaigting ang seguridad ng mga amo.

"From the one you sent yesterday... I need you to identify the body inside the casket of Eul... I'm giving you two days..." taas noong sabi ni Miles habang nakatitig sa kaniyang unahan. Tumingin lang sa kaniya ang heneral at hindi kumpyansadong sumagot.

"Mr. Espinosa... I'm afraid it's not enough..." blangkong lumingon sa kaniya si Miles at matigas na nagiwan ng makabuluhang litanya.

"I don't care... nauubusan na ako ng oras... just do what you're paid for..."

-

Palubog na ang araw nang makarating si Spiro sa paroroonan. Pinagsamang kaba at kakaibang pananabik ang bumabalot sa kaniyang kabuohan.

Puno ng ngiti sa kaniyang labi na inabot ang saklay sa kaniyang tabi at binuksan ang pinto ng kotse. Ika-ikang sinarado niya ang pinto at binuksan naman ang pinto sa likod.

Napangiti pa siya nang muling makita ang sariling dala. Kinuha niya ito nang mabilisan at agarang sinarado ang pinto. Dahan-dahan at puno ng pagiingat niyang tinahak ang daan papasok.

Ramdam niya parin ang matinding kirot mula sa kaniyang hita ngunit hindi niya na ito iniinda. Masuwerte parin siya na laman lang ang tinamaan sa kaniya ng bala at hindi ang kaniyang buto o litid.

"Good evening Mr. Villafuerte!" Nagulat pa siya sa pagbati sa kaniya ng mga tauhang ngayon ay nakangiting nakahilera sa tapat niya. Tumango lang siya sa mga ito at diretso nang umakyat sa hagdan.

Ang mga tauhan nama'y napako ang kani-kaniyang mga paningin sa among naka-saklay na naglalakad.

Huminga pa siya nang malalim at pagkuway na inayos ang buhok pababa sa kaniyang damit at shorts bago kumatok sa pinto. Ilang segundo pa ang hinintay niya bago ito bumukas.

Tumambad sa kaniya si Cassey na nagulat din sa kaniyang presensya. "Oh?! Nandito ka na pala bakit hindi ka nagsabi?!" Hindi makapaniwalang usal ni Cassey sabay gala ng paningin sa buong katawan ni Spiro. Napatigil pa si Cassey sa hita ng kaibigan na huli niyang nakitang dinadaluyan ng dugo.

Si Spiro nama'y hinanap ang inaasam na tao sa silid ngunit bigong makita ito.

"Si Eul?" Maikli niyang tanong at mabilis na pinasok ang kwarto. Ika-ika parin ngunit hindi binitawan ang regalo kay Eul.

"Sige... wait mo nalang..." ani naman ni Cassey pagkaupo ni Spiro sa upuan. "Lalabas muna ako para masolo mo naman 'yan..." dagdag pa nito sabay lapit kay Spiro. "Ingatan mo ha..." at sa isang iglap ay narinig niya nalang ang pagsara ng pinto.

Tila sabay pang tumunog ang dalawang pinto sa pagbukas ng panibago sa kaniyang harapan. Iniluwa noon si Eul na basang-basa pa ang buhok. Hindi siya napansin nito at patuloy lang na naglakad patungo sa salamin.

Tahimik niyang pinagmasdan ang minamahal. Puno ng pananabik at kasiyahan. Saglit na nawala ang lahat ng sakit na nararamdaman sa katawan at napalitan iyon ng matinding pagmamahal.

Ganoon parin, tulad noong una silang magkita. Walang nagbago. Mahal niya parin ito. Mas lalong minamahal niya parin ito. Tila diyosa sa kaniyang paningin na patuloy siyang inaakit.

Dahan-dahan siyang tumayo sukbit ang saklay sa kanang kili-kili at sa kaliwa naman ang regalo niya dito na tinago pa sa sariling likod.

"Eul..." mahinang pagtawag niya na ikinalingon nito. Nanlaki pa ang mga matang hindi agad nakagalaw sa ngayong nakikita.

Si Spiro. Ang ilang ulit niya nang hinahanap kay Cassey. Hindi siya makapaniwala sa bulto ng tao sa kaniyang harapan.

"Spi..." sambit niya rin at naglakad na papalapit dito. Sa ilang malalaking hakbang ay tuluyan na siyang nasa harap nito at walang ano-ano'y mahigpit na niyakap si Spiro.

Ang huli ay nagulat pa sa ginawa ni Eul. Hindi niya agad naisip na yayakapin siya nito. Mainit at puno ng pangungulila naman siyang tumugon.

"Akala ko, kung ano nang nangyari sa'yo..." sunod pang sabi nito pagalis sa yakap kay Spiro. Tinitigan niya ang mukha ng huli na sobrang tagal niyang hindi nakita.

Mas bumilis ang tibok ng kaniyang puso at walang sandaling biglang nangilid ang kaniyang luha. "Spiro... akala ko di ko na kayo makikita..." ang mga luhang tila hindi nauubos ay muli nanamang dumaloy.

Agad naman siyang inakay ng huli at kinulong sa kaniyang bisig. Mahigpit at puno ng awa niya itong niyakap. "Eul... you're free now... wala nang makakasakit sa'yo... nandito na ako..." mahinang sambit naman ni Spiro at binigyan ng malalim na halik ang ulo ni Eul.

Ilang minuto pa nilang pinagsaluhan ang yakap na iyon. Ilang minuto pa nilang pinakinggan ang parehong kumakarerang dibdib. Rinig parin ni Spiro ang mararahang hikbi ni Eul at mariing pumikit bago magsalita.

"Eul... may regalo ako sa'yo..." pagkuway na wika ni Spiro. Nagtatakang umalis si Eul sa dibdib ni Spiro na tila humehele sa kaniyang pandinig at tumingin sa huli. Ngumiti ito sa kaniya sabay kuha ng kamay nito sa likod.

"Here..." sabay abot kay Eul ng mga bulaklak. Sangkatutak na puting mga rosas. Kinuha naman ito ng huli at inamoy-amoy.

"Hindi ko alam kung ano dapat ibibigay ko sa'yo para mapagaan yung nararamdaman mo... 'yan nalang naisip ko---" paliwanag pa nito na pinutol naman ni Eul.

"Shhh..." pagpapatahimik ng huli. "Nakita palang kita gumaan na pakiramdam ko... salamat Spi..." sabay ngiti at marahang lumapit kay Spiro.

Akmang hahalikan niya ito sa pisngi nang napapikit sa naalala. Agad na rumehistro sa kaniyang mukha ang takot ng nakaraang pangaabusong pinagdaanan. Mabilis niyang binawi ang sarili at tumalikod sa huli upang gumawi sa sariling kama.

Napansin iyon ni Spiro at naintindihan din ang inasta ni Eul. Sinundan niya ito sa kama at tumabi sa huli na ngayon ay nakatulala na sa bintana.

Maingat niyang kinapa ang likod ni Eul at marahang hinagod ito. "Eul... you're safe... I'm here..." pagaalo niya dito.

"Spi... kailangan ko nang mabawi kung ano ang akin." Matigas na panimula ni Eul. "I know everything... ME Group is mine... and now... they will pay..." tagis bagang na segunda pa niya.

Hindi bumaling si Eul sa kausap bagkus ay mas tinuon ang buong presensya sa kawalan. Bahagya namang lumapit sa kaniya si Spiro at muling bumulong.

"I will fight for you... hanggang kamatayan, ipaglalaban kita... Eul..."

-

Itutuloy

-

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon