3- People from Yesterday

Start from the beginning
                                    

Mga anak pala namin ni Chase ang tinatawanan niya. Yung anak kasi ni Chase na si Chesca, nasa play pen nung kambal. Dahil minsan lang sila magkita-kita, heto ngayon at mukhang hindi magkasundo na. Si Chesca, nakaupo at nakasandal sa isang sulok ng pen, may hawak na maliit na teddy bear tapos ang sama ng tingin sa kambal ko. Si Theana ko naman, nakatingin at mukhang confused lang ang itsura. Itong si Marki naman, langya, ginugulo pala si Chesca kaya naasar at galit na yung isa. Ay naman! Ang gulo nila. Di ko tuloy  mapigilang matawa na rin. Ang maldita lang ng anak ni Chase. Mana nga talaga sa kanya. Itong anak kong lalaki naman, mana lang din sa'kin kung mantrip at mang-asar sa babae. Si Theana naman, ang cute lang tignan, parang mommy niya.

"HOY! TAKTE!" Napasigaw na ako at napatakbo sa mga bata nang sabunutan na Chesca yung anak kong lalaki. 

Si Chase naman, kinarga na rin yung anak niya na biglang nag-iiiyak na. Ayan tuloy, pahirapan siyang magpatahan.

"Dada, away! Bad gir!" pagsusumbong naman ng anak ko sa'kin. Tinuturo at binebelatan pa niya si Chesca.

Yung dalawa tuloy, tawa lang nang tawa sa'min ni Chase. Tuwang tuwang mang-asar sa nakikita nila, palibhasa wala pang mga asawa't mga anak.

"Ayan! Anak kasi nang anak!"

"Hahaha! Pero bagay sa inyo, ha!"

Ay naman! Pero di bale, ayos lang. Ayos na ayos lang 'to. Mahirap nga at masakit sa ulo, pero ito naman ang kaligayahan namin. 

-NI-

Yaay! Sobrang saya ko talaga at finally ay nakapag-date na kami nitong best friend ko! Ang tagal kaya naming hindi nakalabas na dalawa. Busy na kasi kami pareho sa mga pamilya namin. Buti talaga at nakalabas kami ngayon.

Tuwang tuwa ako kasi kaming dalawa lang. Ang lakas lang maka-throwback sa dating kami. Feeling mga dalaga tuloy kami ngayon habang busy sa pagmu-malling. Ha, yung mga babies kasi naman, nandun sa mga daddy nila.

Nag-shopping kami ni Paris, nanood ng movie, at syempre, nagpa-spa. Minsan lang 'to kaya naman kakaririn na namin. Isa pa, kailangan namin 'to--lalo na ako kasi feeling ko tumatanda na ako kapag nasa bahay ako at nag-aalaga sa mga anak namin! Ang hirap kayang mag-alaga ng bata, tapos kambal pa yung amin! 

"So, kamusta kayo ni Trey?" tanong ni Paris habang magkatabi kaming nakahiga na halos dito sa isang relaxing na upuan at minamasahe ang mga paa naman namin.

Sinagot ko naman yung tanong niya. Sinabi kong okay naman kami ni Trey kahit madalas e inaaway ko siya. Sinabi ko na rin na ang hirap pala mag-alaga ng babies. 

Tinawanan niya lang ako. Nauna raw kami ni Trey na nagkaanak pero kami pa raw pala ang hindi nakaka-adjust. Pero sinabi niyang kung sabagay, kambal yung amin. Pero ewan. Masaya naman talaga ako't kasal na kami tapos may mga anak na, kaso ewan ko, feeling ko nahihirapan talaga ako. Or baka ako lang talaga ang may problema.

"E di hindi na kayo magdadadagdag ng anak niyan?" natatawang tanong niya ulit.

Dealing with Forever [completed]Where stories live. Discover now