'Pesteng mga insekto 'to. Paano ba sila nakapasok sa tiyan ko?'

Kanina ko lang natitigan ng ganoon kalapit ang mukha niya. Ang makapal na kilay at mahahabang pilik-mata niya ang lalong nagdedepina sa magaganda niyang mga mata. Tsokolate ang kulay ng mata niya. Dark brown na kung sa malayo mo titingnan ay aakalain mong itim. Matangos ang ilong niya at manipis ang mapupula niyang labi. Nakadagdag ng kagwapuhan niya ang kaniyang nunal sa gilid ng kanang mata niya sa bandang sentido.

Napag-alaman kong naging modelo rin si Sir Cyrus noong bago pa lamang ang kumpanya niya, ka-partner ang dati niyang girlfriend. Nasaan na kaya yung ex-girlfriend niya? Bakit sila naghiwalay?

'Bakit ko ba kasi siya iniisip gayong sigurado naman akong hindi niya ako iniisip?'

The insects in my stomach disappeared as It was replaced by a hollow feeling due to my own thought. Paramg biglang pumutok ang dreaming bubble ko - kung mayroon mamg ganoon - dahil sa naisip ko.

'Tama nga naman. Bakit ko ba siya iniisip kung hindi naman niya ako iniisip? Ini-stress ko lang ang sarili ko.'

Inubos ko na ang natitirang Stick-O na naka-dip sa Nutella at ininom nang diretso ang gatas na lumamig na rin pala. Uminom rin ako ng tubig at niligpit ko na ang mga bote ng Stick-O at Nutella, hinugasan ang mga pinag-gamitan ko saka umakyat sa kwarto ko. Nag-sepilyo muna ako bago humiga sa kama. Nakita ko na naman ang buwan na sumisilip sa bintana ng kwarto ko. Nakabukas pa rin kasi ang kurtina. Tumayo ako't lumapit sa bintana. Tiningnan ko pa ng isang beses ang buwan saka sinara ang kurtina.


Bago pa man ako tuluyang makatulog, sumagi na naman sa isip ko ang mukha ni Sir Cyrus nang saluhin niya ako kanina. Bumilis ang tibok ng puso ko.

'I don't really know what's the meaning of this kind of feeling and maybe, even if I know what it means, I'll never be ready to consider it.'

~*~

Mabuti na lang at walang pasok sa opisina ngayon dahil ala-una na nang hapon nang magising ako!

"Dad, I already told you, I'm fine! Tinanghali lang ako ng gising dahil sa event kagabi." Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na 'tong nasabi sa kaniya.

Nandito ako sa bahay namin. Tuwing Linggo kasi ay umuuwi ako dito para i-uwi ang mga pabahan ko at para na rin sabay kaming mag-simba ni Daddy.

Mas may tiwala kasi ako kay Nanay kaysa sa mga laundry shop o sa utility ng building kung nasaan ang unit ko. Marunong naman akong maglaba dahil isa yun sa itinuro sa aminng magpi-pinsan ng lola namin sa tuwing umuuwi kami ng Mercena. Mapa-lalaki man o babae, tinuruan niya ng gawaing bahay. Wala naman daw sa kasarian ang pagkilos sa bahay na titirhan mo.

Alas-tres na kasi akong nakapunta rito kanina. Ang oras ng simba namin ay alas-nueve. Pagtapos kasi noon ay kakain kami sa labas. Pero dahil nga alas-tres na ako nakarating, pang alas-kwatrong misa ang dinaluhan namin. Kumakain na kami ng hapunan nang magtanong siya kung bakit ako na-late.

"Pero ang sabi mo, alas-onse ka naka-uwi. Paanong ala-una ng tanghali ka na nagising?" Tanong niya.

'Dapat ba akong magsisi na nagtext ako sa kaniya pagka-uwi ko?'

"N-Napuyat ako eh. H-Hindi ako nakatulog." Natigilan siya sa pag-amin ko.

"Sino naman ang iniisip mo?" Tanong niya.

"Sino agad? Hindi ba pwedeng 'ano' muna?"

"Wala ka namang dapat pang isipin. Bakit, 'ano' ba ang inisip mo, o 'sino'?" Nanunuyang tanong ni Daddy.

Our Own EclipseWhere stories live. Discover now