Chapter 8

82 21 0
                                    


KLEIN'S POV

Kanina pa nagdadaldal si Neo dito sa loob ng dorm namin. Hindi kami pumasok kasi may pinag-uusapan pa kami at may gagawin din. Nakaupo ako dito sa isang recliner habang hinahaplos ang sintido. Si Neo nakaupo sa sahig habang si Zen ay nakadapa sa kama niya at nakatingin samin.

"Wala naman akong napansin sa mga kilos nila. Pero alam kong merong tinatago yung mga yun" sabi ni Neo habang kumakain ng cookies. I am completely aware that those three have a very big agenda. I mean, who wouldn't think like that? I diverted my look to the scattered papers on the table. Neo's table.

"Neo, could you please clean your table? It's pissing me off. I hate messy." I irritatedly said. Zen chuckled and burried his head to his pillow. Tss. I just rolled my eyes and looked to Neo who layed down to his bed not minding to what i said. Napailing nalang ako at pinuntahan rin ang bed ko na katabi ng kay Zen.

Pagkatapos humiga, kinuha ko muna ang cellphone ko at kinakalikot yun. Naghahanap ako ng mapaglilibangan, dahil nabobore ako. Habang nag-s-scroll bigla akong napaigtad nung inihampas ni Zen yung kamay niya sa pader, sa may ulohan niya.

Agad akong bumangon at ganun rin si Neo, nagkatinginan pa kami bago binaling ang tingin kay Zen na ngayon ay nakatiim ang bagang.

"Your fiancé again?" Kaagad na tanong ko sa kanya. Nagsalubong naman ang kilay niya at kumuyom ang kamao, bumangon siya at umupo sa kama niya. Napabuntong hininga nalang ako at ibinaba ang tingin.

"Bakit ka naman nagkakaganyan e hindi mo pa naman nakikita ah?" Kunot noong sabi ni Neo at napakamot pa sa batok. Iling iling akong tumingin kay Zen na ngayon ay nakunot ang noo.

"That's the point." Huminga muna siya nang malalim saka iyun marahang ibinuga. "I haven't seen her face. Heck! I don't even know what's her name. Now tell me, may ganon bang fiancé na maski pangalan hindi mo alam?" Agad na sabi niya kay Neo habang masama ang timpla. Hindi naman sumagot si Neo at bumuntong hininga nalang.

"Si Chairman naman kasi." Iritang dagdag niya. Huminga muna siya ng malalim saka muling inihiga ang sarili. Humiga narin kami at tumitig nalang sa kisame.

"Anong oras naba?" Saad ni Neo sa gitna ng tahimik na paligid. Agad akong tumingin sa wall clock at tiningnan ang oras.

"1:49 PM pa. Meron pa tayung natitirang oras. Tara." Agad naman silang tumalima at tumayo mula sa pagkakahiga. Nagbihis muna kami bago tuluyang lumabas sa dorm namin.

Dahan-dahan kaming naglakad at sinilip-silip ang paligid kung meron bang tao. Nakahinga lang kami ng maluwag ng makumpirmang walang tao. Maingat kaming tumakbo sa hallway at agad kaming umakyat sa mataas na pader na nagsisilbing protekta ng school.

Nang makalagpas sa pader agad kaming pumunta sa likod ng eskuwelahan at doon kinuha ang tig-iisang motor namin. Agad naming pinaandar iyun at pinaharurut patungong hide-out namin. Kumbaga kasali kami sa Underground society. Pero, hindi kami yung taong nanakit o ano sa kapwa ng walang dahilan. Nananakit lang kami kung merong nagtangkang sirain ang tahimik at mapayapang buhay ng mga tao. Kung meron mang lumabag sa mga patakaran dito, agad iyung binibigyan ng kaparusahan.

Agad naming inihinto ang sinasakyan at pinarada sa may gilid nang makarating sa destinasyon. Inayos muna namin ang medyo magulong buhok bago kami tuluyang pumasok sa loob. Nang tuluyang makapasok, agad naming pinalitan ng blangkong ekspresyon ang mukha saka namin itinuon ang paningin sa dinadaanan lang. Tahimik lang ang lahat ng dumating kami, walang sino man ang nagsalita.

Agad kong inilibot ang paningin sa kabuuan ng paligid ng marating ang podium sa harapan. Namulsa muna ako sa suot kung coat saka hinanap ng mata ko si Vincent, ang kanang kamay at pinagkakatiwalaan namin.

A Modern ShieldmaidenWhere stories live. Discover now