Chapter 6

52 22 0
                                    

KIAN'S POV

Mabilis akong bumangon ng tumunog ang alarm clock na pinasadya naming iset around 5 am. Kinuskos ko muna ang mata ko bago tuluyang pinalinaw ang mata, tumayo na ako at pagkita ko sa dalawa gising narin pala sila. Ako muna ang unang naligo samin at nang matapos agad sumunod si Aye saka si Fiona. Pagpunta ko sa may lamesa agad kung nakita ang pang-umagahan na alam kung si fiona ang nagluto. Umupo na ako at nagsimulang kumain, sumalo narin si aye nang matapos siyang magbihis, sumunod naman si Fiona at kumain narin.

"Isang linggo na pala tayo dito" Saad ni Aye habang punong puno ng pagkain ang bibig. Agad naman siyang sinaway ni Fiona kaya nilunok muna niya ang kinakain bago nagsalita ulit.

"Parang ang bilis lang no?" Tumatango tango ako habang kumakain. Oo nga parang kahapon lang nagmamadali kaming pumunta sa school para hindi malate. Kumuha ako ng itlog saka iyun inilapag sa plato ko. Sumubo muna ako ng kanin bago kumuha at isinubo ang ulam. Nag-usap lang kami ng kung ano-ano habang kumakain. Nang matapos agad naming kinuha ang tag-iisang bag saka namin tinungo ang papuntang classroom.

Nang dumaan kami sa hallway nandoon parin ang mga masasamang tingin sa amin,  habang kami naman ay mga walang pakialam sa mga kinikilos nila at nilampasan lang. Nagmadali nalang kami sa paglalakad dahil baka malate pa kami.

Pagbukas palang namin ng pinto, nagulat kami ng malubha ng makita kung sino ang umuupo sa likod ng upuan namin! Gaya ko, nanlaki rin ang mata nilang dalawa ng nilingon ko sila. Hindi parin kami makagalaw at napamaang lang. Biglang tumawa si Neo kaya dun lang kami nataohan, dali dali kaming pumunta sa upuan namin at hindi nalang sila nilingon. Pero nakakailang dahil pakiramdam ko nakatingin lang sila sa likod namin.

Nang pumasok ang lec agad kaming umayos at naghanda. Ang aasahan ko ay magtataka siya kung bakit nandito ang tatlo na nasa likuran namin ngunit kabaliktaran ang nangyari dahil hindi ko manlang nakitaan ng bigla o pagtataka ng makita niya sila.

Mukhang ganoon pala talaga sila kalakas sa eskuwelahang to para ganyan nalang umakto ang guro o mga guro dito para sa kanila. Nang dumating ang snack time agad kaming lumabas tatlo at pumunta sa canteen.

"Bakit kaklase na natin ngayun ang tatlong yun?" Tanong ni Aye pagkatapos umupo sa upuan at umiinom ng dutch milk. Habang ako ay umiinom ng chuckie. Oo chuckie, favorite ko'to e. Nagsalita rin si Fiona ng makaupo.

"Oo nga, nagulat talaga ako kanina e." Sabi niya.

"Di ko'rin inaasahan yun" sabad ko habang kinagat-kagat ang straw ng chuckie. Tumango tango ang dalawa at tumahimik. Sabay nilang tiningnan ang tatlo na ngayun ay nag-uusap rin. Para nilang binabasa ang isip ng tatlo at aasang makakuha sila ng sagot niyun. Umingos ako sa kanila at napakamot sa ulo.

Agad nilang binawi ang tingin ng matunugan ng tatlo ang mariin nilang titig, kumunot ang noo ni Neo at ang dalawa naman ay parang balewala lang. Mabuti nalang at hindi rin ako tumingin. Kinagat ni Ayesha ang pang-ibabang labi na para bang nahihiya at si Fiona naman ay napayuko, habang ako ay hindi mapigilang mapatawa. Agad kung tinakpan ang bibig ng mapansing napalakas iyun, pero nagpipigil parin ng tawa. Tumingin naman agad sakin ang dalawa at sinamaan ako ng tingin. Nang makabawi, inosente akong tumingin sa kanila na parang walang nangyari, tumingin pa ang mata ko sa kanila na tila nagtatanong. Mas sinamaan pa nila ako ng tingin kaya binalewala ko nalang at kumain ng pagkain.

Tumunog na ang bell kaya kailangan na naming bumalik sa klase. Pagkarating, agad kaming umupo sa upuan at sumunod naman ang tatlo at umupo sa likod namin. Hindi ko alam pero nakaramdam na naman ako ng ilang.

'This is so awkward'

Habang nagdidiscuss ang guro sa harapan, si Fiona naman ay halatang nahihiya pa pero si Ayesha ay parang balewala nalang, ako naman ay napailing at itinuon ulit ang atensyun sa harapan.

"Since isang linggo na tayung nagdidiscuss sa subject nato." Tumingin si Sir Bern saamin at inilibot ang paningin, lahat kami naghihintay sa sasabihin niya.

"Who can give me the exact meaning of science?" Pagkatapos niyang sabihin yun, ang iba ay humalukipkip, umuklo at yumuko ng todo para hindi mapili na sumagot. I mentally rolled my eyes.

'Sabi ko na nga'bat hindi talaga to mag-aaral tong mga to e'

Umismid ako at lihim silang inirapan. Tumawa ng sarkastiko at mahina si Fiona na siyang ikinatingin ni Sir sa kanya at tinawag siya. Ayan na naman ang maarteng ugali ni Fiona, umaandar na naman. Bumuntong hininga nalang ako na pinagmamasdan siyang tumayo sa kinauupoan at sumagot.

"Science came from the greek word 'scire', which means 'to know'. Therefore, science deals with gaining knowledge of the universe and all of it's components. Such as humans, society, environment, and even outer space. It is an enteristing field wherein you seek answers based on your observation, experiences and your past knowledge on a certain phenomenon." Mabilis na ani niya at bored na itunuon ang mata sa guro na nakatingin lang sa kanya na may ngiti sa labi. Pabagsak na umupo si Fiona sa upuan niya at isinandal ang ulo sa sandalan ng upuan.

Bumalik na sa pagdidiscuss si sir at kami naman sa likod ay puro walang pakialam, naririnig ko pa ang hagikhik ni Neo sa likod. Tumungo nalang ako at umaktong natutulog kahit pakiramdam ko ay merong nakatingin.

PAGKATAPOS ng klase agad kaming pumunta sa dorm at isinilampak ang mga sarili sa higaan. Wala namang interesanteng nangyari ngayong araw kundi puro klase lang. Lahat kami nakatingin lang sa kisame ngayon.

"Ano na kayang nangyari sa lalaking yun?" Agad na tanong ni Ayesha samin. Napaisip rin ako.

"Akala ko talaga bata yun" natatawang ani ni Fiona na tumayo at nagpa-TV. Agad siyang namili ng tape na hindi pamilyar.

"Mag movie marathon tayo? Wala naman tayung gagawin ngayon." Sabi niya habang nakatalokod at namimili. Tumayo muna ako para magshower. Mabilis ko yung tinapos at agad nagbihis ng pantulog. Pagbalik ko andon na silang dalawa na tutok na tutok sa pinapanuod habang kumakain. Agad ko silang sinaluhan, tumingin sila saglit sakin at itunoon ulit ang atensyun sa pinapanood. Nakinood narin ako.

Hindi ko nagustuhan ang palabas kaya tumayo ako at pumunta sa maliit na kusina at nagluto ng hapunan, 6 o'clock na. Kahit ganito ako marunong rin naman ako magluto, tamad ngalang talaga. Since ayokong magluto ng mga may sabaw dahil baka masubrahan sa timpla, adobo at fried chicken lang ang niluto ko. Nagsaing narin ako kaya handa na. Hinimas himas ko ang tiyan ko ng tumunog yun, gutom na talaga ako. Inihanda ko muna ang mga plato, spoon, at fork, pagkatapos ay tinawag sila.

Habang kumakain nagsalita bigla si Aye.

"Fiona, mabuti naman at hindi mo nakatagpo ang babaeng QUEEN BEE daw." Natatawang aniya habang kumakain. Idiniin niya pa talaga ang salitang queen bee kasabay non ay pinaikot niya ang mata. Tumaas naman ang gilid ng labi ni Fiona ng marinig ang sinabi ni Aye.

"Nah, mukhang natakot yata at hindi nagpakita." Tumatawang ani niya.

"Mabulunan ka fion" kunyari pay nag-aalalang sabi ko sakanya. Pinandilitan niya naman ako ng mata, at kunyari naman akong ngumiwi. Nang matapos kumain, nag-usap muna kami sa iba't ibang bagay bago natulog.

A Modern ShieldmaidenWhere stories live. Discover now