Chapter 2

99 28 2
                                    

Z E N D U C E

"They don't want to be expose or to be seen in public. A heiress of the wealthy and known family. The fiesty, hot, sexy, with the beautiful machine gun mouth can destroy you in just a blink of an eye" pagbasa ni Neo sa article na napulot niya sa apartment. "Interesting" tumatango tangong sabi niya.

"Just shut up Neo. I can't focus here" Klein said with his irritated face. He's playing billiard while i'm drinking some drinks. I'm a little bit tipsy now actually. My head's starting to shake.

'Ahhh! I hate this'

I lean on the sofa and relax a bit.

'I can't relax with all this noise!'

Neo is playing some random song while reading useless articles with voice all out. Were all here in klein's apartment, were supposed to go to car racing but our ass are being lazy.

"You know we can go out" saad ni Neo na bored na bored na sa kakabasa at tumingin samin. "What do you think?" Umiling ako at sumagot. "Nah, i'm sleepy"

"I wondered whose that woman with thick face" kapagkuwan ay sabi niya. "I mean, how dare she call us dugyot?" He stated, getting annoyed again.

"Just get over with it. I bet she's new" Klein interrupted. Tumingin ako sa kanaya at nag isip.I agree. She seem's don't know us, along with her friends.

My eyes are half-close. Inaantok na talaga ako, alas-syiete pa kami dito tapos ngayon, it's near midnight. I put the empty can on the table at nagsalita. "Uuwi na ako, hinahanap na siguro ako ngayon ni lolo." Tumayo na ako. Bigla kong nahawakan ang gilid ng sofa ng bahagyang umikot ang paningin ko.

"Hey, you alright?" Nag-aalalang tanong ni klein sakin. Lumingon ako sakanya at tumango. "Mawawala rin to" tumingin ako sa kanilang dalawa at nagpaalam. "See yah!" Tumalikod na ako at lumabas. Pagkapasok ko sa elevator agad kung priness yun. Pagkalabas, nagsimula na akong naglakad na bahagyang umiikot ang paningin. Pagka abot ko sa parking lot, agad kung pinaandar ang sasakyan at pinaharurot yun pauwi.

Pagkabukas ko sa malapad na pinto agad sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha ni Nana Lisa, ang mayordurma ng mansyun. Agad siyang lumapit sa akin at nag-aalalang tinanong ako.

"Hijo, saan ka nanaman nanggaling? Nag alala kanina ang lolo mo. Mabuti nalang at nakatulog na ngayun. Ayos ka lang ba?" Sabi niya habang abalang tsinicheck ang katawan ko. Ngumiti ako sa kanya at pinigilan siya. Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat niya at tiningnan siya sa mata.

"Okay lang po ako Nana, timplahan niyu nalang po ako ng juice." Nakangiti parin na sabi ko. Nag-alinlangan pa siya pero kalaunan ay pumayag narin. Tumungo ako papuntang dining table saka ako umupo sa silya niyun. Agad bumalik si Nana dala dala ang juice na pinatimpla ko saka niya iyun nilagay sa harap ko, agad ko namang ininom yun para mawala ang pait na lasa sa bibig ko.

"Saan ka nanggaling hijo? Bakit ngayun kalang?" Malambing na ani niya. Ngumiti ako at tiningnan siya. Hindi ko mapigilang makaramdan na parang may humahaplos sa puso ko. Lumambot kaagad ang ekspresyon ko ng makita ang mata niyang punong puno ng sensiridad,pagmamahal at pag-alala.

Hinawakan ko ang kamay niya saka ko hinagud yun.

"Nagkasiyahan lang po kami sa apartment ni klein, Nana. At wag kang mag-alala kami lang tatlo ang nandoon." Sabi ko habang nakatingin sa kanya. Tumayo na ako at hinalikan siya sa pisngi.

"Aakyat na po ako, inaantok na ako. Nana, matulog kana rin. Masama po sa kalusugan niyu yan." Nagpaalam na ako sa kanya saka tumalikod at hinakbang ang patungong hagdan. Nang makapasok sa kwarto, agad akong sumalampak at tinahiya ang katawan sa malapad at malambot na kama. Ginulong gulong ko ang sarili hanggang sa mapagud ang katawan ko.

Baliw na ako dahil kahit ako ay hindi alam kung bakit ko ginulong ang katawan. Iling iling akong tumayo at agad pumasok sa banyo at nilinis ang sarili, nagtoothbrush muna ako bago tuluyang lumabas. Pinasok ko ang walk in closet ko saka ko priness ang open button, automatic na bumukas ang pinto sa cabinet ng mga damit pantulog.

Nang matapos magbihis agad akong pumunta sa kama saka humiga. Ilang oras muna akong timitig sa magrandeng chandelier, hindi ko maiwasang isipin ang tatlong babaeng bigla nalang sumulpot sa eskwelahan na iyon gayung 4th year na, hindi ba masyadong late na sila trumansfer? Tumayo na ako at in-off ang mga ilaw. Humiga ulit ako sa kama at ipinikit ang mata.

NAMULAT ko ang mata ko nang marinig ang alarm na Deyusmeyong napakaingay! Inis akong bumangon at tumayo, pinatay ko kaagad yun at agad tumingin sa wall clock.

'Alas singko na pala. Tss ang sarap pang matulog'

Ini-unat unat ko muna ang braso at kinaway kaway bago tuluyang pumsok sa bathroom at maligo. Nang matapos agad akong nagbihis ng uniform saka lumabas ng kwarto at bumaba. Naabutan ko si lolo na nakaupo sa silya ng dining table at umiinom ng kape. Bumati ako sa kanya ng makalapit at niyakap siya.

"Good morning lolo." Sabi ko sakanya habang nakangiti, sumipsip muna siya ng kape saka ako binati pabalik.

"Magandang umaga rin, Zen."

Bago paman siya makapagsalita ulit ay dumating ang mga kasambahay na may dalang pang-umagahan at inilagay sa lamesa isa-isa. Nang matapos, bumalik ulit sila sa kaniya-kaniyang gawain sa loob at labas ng bahay. Bumaling naman saakin si lolo at mariin akong tiningnan. Sinalubong ko ang tingin niyang naghahamon.

"Saan ka nanaman ba nanggaling ha? Zen? Nakipagbubugan ka nanaman ba?" Gigil na saad niya. Agad akong umiling at sumagot sa kanya.

"Hindi ho. Nagkasiyahan lang kaming tatlo sa apartment ni Klein." Depensa ko.

Nakahinga naman siya ng maluwag kaya alam kung kumalma na siya. Minsan na kasi niyang nakitang nag-agaw buhay ako dahil sa isang pangyayare kaya naman ganyan siya kung makareact kung wala or late na ako umuwi sa bahay. Pero alam naman niyang hindi na talaga mawawala ang ganito sa dugo namin, dahil minsan na siyang naging parehas sakin. Bumuntong hininga ako at sinimulang kumain.

Nang matapos agad akong nagpaalam kay lolo.

Naghanap muna ako ng pwesto kung saan ko ipapark ang sasakyan ko pagkatapos, kinuha ko muna cellphone ko at tinawagan si Neo.

"Hello?" Agad na sagot niya.

"Oh, nasan kana?"

"Paparating palang. Teka, nandyan kana?"

"Oo, kararating lang. Hihintayin nalang kita, nandito ako malapit sa entrance." Hindi ko na siya hinintay sumagot at pinatay iyun. Maya-maya lang, nakarinig ako ng sasakyang paparating. Agad niyang ipinark ang sasakyan niya sa may gilid at pumunta agad sa gawi ko, habang ako nakatingin lang sa kanya na naka upo sa hood ng sasakyan. Agad niyang hinampas ang braso ko pagkalapit, agad ko naman siyang kinotungan kaya quits na kami.

Ngiwi niya akong tiningnan saka inismiran. Sinamaan ko naman siya ng tingin

"Ang aga mo naman ata? HAHAHA nagsisipag kana?" Panunukso niya pa, akamang babatukan ko na siya ng may sumigaw sa may likuran namin kaya sabay kaming napalingon. Agad tumakbo si Neo at tumago sa likod ni Klein na tatawa-tawa lang.

"Ayan kasi, sige mang-asar kapa." Bagong dating niya pa pero alam na niya ang dahilan. Inismiran ko silang pareho pero tumawa lang sila. Naglakad na ako patungong gate at sinigawan sila

"Tara na nga! Tss. Ikaw Neo tumahimik ka! Bubogbogin talaga kitang hayop ka."

Pero sa halip na mainis tumawa lang siya ng tumawa at mas lalo pa niya akong inasar, kalaunan ay hindi ko nalang siya pinansin at tumahimik nalang pero masama parin ang tingin sa kanya. Agad kaming pumasok sa classroom ng makarating.

A Modern ShieldmaidenWhere stories live. Discover now