Chapter 7

57 19 2
                                    

AYESHA'S POV

Hoo! Another day of my precious life. Babangon na naman sa letseng boses ni Fiona, maliligo, magbibihis, kakain tapos papasok. Ganern lang.

Nandito kami ngayun sa canteen at kumakain ng lunch. Magkaklase kami sa lahat ng subject nung tatlo pero walang salita ang nabigkas, walang pangyayare na nagsama-sama, na para bang tinuturing naming wala sila at sa kanila naman wala kami.

Kinuhanan ko nanaman si Fiona ng pagkain dahil nagugutom pa ako, at the same time inaasar din siya. Sinamaan niya naman ako ng tingin at wala nang nagawa dahil nasa bibig ko na ang pagkain niya. Ngiting aso lang ang isinukli ko sa kanya.

Pagtingin ko kay Kianze, binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin dahil nakakunot ang noo niya na tila ba naiinis. Isininyas niya ang likod ko kaya lumingon ako. Bale, pareho kaming nakatalokod ni fiona sa may entrance dahil magkatabi kami at siya naman ay nasa harap namin.

Nakita ko yung babaeng nakabanggaan ni Fiona na papalapit samin habang may matamis na ngiti sa mga labi. Narinig naman namin ang samut saring papuri sa kanya.

'Ang ganda talaga niya. Gashh'

'Parang model pa kung lumakad. Yieeh'

'Oo nga, ang ganda talaga niya'

Ang o-oa talaga nang mga impaktang to. Ang korni. Nakatingin lang samin ang babae habang nakangiti parin at sumisipsip sa lemon juice niya. Nang makalapit, huminto siya mismo sa harap namin at kami naman ay blangkong tinapunan lang siya ng tingin.

Tiningnan niya pa kami ng mariin habang nakangiti. Tapos pumunta ang tingin niya kay fiona na walang pakealam sa paligid niya habang dinidilaan pa ang daliring merong pagkain at umaktong nasasarapan.

Alam ko naman na alam niya kung anong nangyayare sa paligid, lalo na sa harap. Umakto siyang walang alam para inisin ang ang impaktang nasa harap. Itinusok ko ang hotdog sa tinidor at isinubo sa bibig ko at ninamnam. Napangiwi naman ang kasama ng impakta kaya lihim akong napatawa. Ang oa talaga.

Bigla nalang pumunta ang impakta sa likod ni Fiona na ngayun ay huminto na sa pagkain. Tumaas naman ang gilid ng  labi niya.

Napamaang kaming dalawa ni Kianze sa ginawa ng takteng impaktaktang yun. Binuhusan niya ng juice si Fiona!

"Akala mo ba palalagpasin ko yung pagtadyak mo sakin? Huh. That's what you'd got  for doing that to me." Inis na sabi niya pa kay Fiona.

Pak..shet

Kumuyom ang kamao ni Kianze, senyales na naiinis na siya pero nagpipigil lang. Paglingon ko kay Fiona, masama na ang mukha niya. Bigla siyang tumayo at sinakal ang impaktang yun. Hindi naman makahinga ang babae at namumula na ang leeg sa higpit ng pagkakasala ni Fiona sa kanya.

Bago pa mamatay ang bruha agad naming inawat ni Kianze si Fiona na nangagalaiti na at mukhang gusto nang manakit.

Pilit kung inihihiwalay ang kamay ni Fiona na mahigpit na nakahawak sa leeg nung babae. Pilit naman pinapalayo ni Kianze si Fiona sa babae para mabitawan ang babae. Pulang pula na ang mukha niya sa inis.

Gigil niyang padabog na binitawan ang bruha at bumuntong hininga ng malalim. Basa pa ang buhok niya at sa ibang bahagi ng uniform niya.

"Pasalamat ka at sinakal lang kita, kundi pinatay na kita jan sa kinatatayuan mo. Ngayon mismo." Kalmado ngunit mariing sabi niya. Nagsalita naman ang kasama ni babae.

"Ashley, halika na" pilit nitong hinihila ang braso nung Ashley pero hindi ito nagpatinag at tiningnan pa ng masama si Fiona.

"Wala kang karapatang pagbantaan ako! Kilala mo ba ako?" Iritang sabi ni Ashley.

A Modern ShieldmaidenWhere stories live. Discover now