Chapter 1

131 26 4
                                    

Princess? No bitch, Queen...

K I A N Z E

Naghikab muna ako sandali bago bumangon. Masakit parin ang katawan ko dahil sa ginawa namin kahapon, ginalaw galaw ko muna ang katawan bago hanapin ang tsinelas. Sinoot ko ang tsinelas saka ko tinungo ang bathroom. Pumunta ako sa sink at inunang linisin ang mukha ko. Pagkatapos, isa-isa kong inalis ang damit pantulog ko ini-on ang shower

Pagkatapos maligo, magtoothbrush at magbihis, agad akong bumaba. Pagkabukas ko palang ng pinto agad umalingawngaw ang tinig ni fiona sa buong bahay. Nakikita ko silang nagsisigawan sa may dining table. Prenteng nakaupo si aye sa upuan na nakangisi kay fiona.

"Pwede bang hinay hinay naman ha aye?! Di ka na nga naglalaba ng mga gamit mo! Ako pa nag aayos sa kwarto mung parang sabug! Mygad mababaliw na ako sayu" sigaw nya kay aye na ngingise lang na nilalambing sya para kumalma. Hinilot niya ang sintido habang masamang nakatingin kay aye na nilalambing siya.

"Promise di na mauulit." Sagot nya habang niyayakap ang isang braso ni fiona. "E kasi naman diba? Pagod ako dahil kahapon, ang sakit kaya ng buong katawan ko.

"Ulol ka! Wag mokong uto-in, pagod rin ako! May practice man o wala sadyang ganyan kalang talaga, TAMAD!" Sabi nya habang pilit tinatanggal ang pagkakapit ni aye sa braso nya."Bitiwan moko kumain kana pupuntahan ko pa ang isang yun baka sabog rin yun" napangiwi ako sa huling sinabi nya

Napangiti ako sa tinuran nya, kahit anong gawin namin, magalit man sya o ano. Still, inaalagaan parin nya kami. Hindi ko talaga maimagine ang bahay kung walang fiona na tumitira. Hindi nya kasi maatim ang makalat ang paligid, gusto nya yung malinis araw-araw. Magagaan na hakbang na tinungo ko ang hagdan sa may gilid.

"No need" sabi ko habang nakahawak sa railings at humahakbang pababa. Tiningnan ko siya na masamang nakatingin samin.

"Senyora mabuti't bumaba kana. Tapos nang magluto ang yaya ninyung dalawa" sarkastikong ani nya habang pinapaikot ang mata nya.

"Mabuti naman" kaswal at nakangising saad ko.

"Tangina nyo talaga, kapag ako nagsawa lalayas talaga ako." Naiinis na sabi nya. Ilang ulit na nyang sinabi yan pero di nya ginawa o sinubukan man lang. Lihim akong napangiti.

"Oh come on fion, alam naman nating hindi mo magagawa yan." Nanunudyong ani ni aye. Nang-aasar kahit na napakadilim ng mukha ni fiona.

"At bakit naman aber? I have all the right para lumayas, besides wala naman kayung ginawa kundi magkalat ng magkalat! Di na kayu naawa!"

"Dahil mahal mo kami Hehehe"

"Mabulunan ka sanang animal ka" nakasimangot na sagot nya. Tumingin ako sa kanilang dalawa at tinanong.

"Anyways, nakapaghanda na kayu?" Sabi ko sabay hila ng upuan sa dining table. Kumuha ng kanin at ulam tapos sumubo. Saglit silang tumahimik sa sinabi ko.

"Tanginang yan!" Sabay hampas sa lamesa "Bakit ba kasi kailangan pa nating gawin to e" nagkakamot at nangangalaiting sabi ni fiona.

Kahapon lang sinabi ng mga magulang namin na gawin to. I can't find any reason why we have to do this, where in the first place it's all useless as shit.

"Di ko ngarin alam e. Nakakapagtaka nga. Ano nga bang eskwelahan yun?" Tanong ko.

"Ethereal High International School daw sabi ni mom" sagot ni aye habang sumusubo ng pagkain. Kumuha ako ng boiled egg at tocino at inilagay sa plato ko.

A Modern ShieldmaidenWhere stories live. Discover now