Chapter 5

66 22 1
                                    

FIONA's POV

Dalawang araw na ang nakalipas pero hindi parin ako sanay na hindi natutulog sa bahay. I guess this is what they called 'namamahay'. Duh.

I watch the two amazons who are now playing with their laptop. Each of us has our own business for now.Tsk. While me is just sipping this sour chicken soup. It's too cold right now, hindi parin humuhopas ang malakas na ulan, plus the aircon. So, para talagang may snow dito. Nagulat ako ng bigla nalang dumagondong ng malakas.

Nagulat rin ang dalawa kaya nagkatinginan kami, naghintay kami ng ilang segundo bago gumalaw, at nakahinga ng maluwag ng hindi na umulit iyon. Tumayo ako at tinahak ang papuntang sink saka ko nilagay doon ang pinagkainan ko. Pagkatapos hugasan, tinungo ko ang bathroom para maglinis ng katawan, tinali ko muna ang kulot at mahaba kung buhok saka ko isa-isang hinubad ang mga suot ko. Ini-on ko ang heater saka ko sinimulan ang paglilinis ng katawan ko. Narinig kung may kumalabog sa labas kaya sinilip ko ang maliit na bintana ng banyo, wala namang akong nakita doon maliban nalang sa basang paligid.

Pagkatapos maglinis, bumalik na ako sa higaan ko saka tiningnan silang dalawa. Natutulog na sila kaya pinikit ko ang mga mata ko pero ilang minuto lang narinig ko na naman na parang may sumabog or something. Bigla nalang nagsalita si aye.

"Narinig niyu yun?" Sabi niya habang dahan dahang iminulat ang mata saka umupo sa higaan niya. Tumango ako at sumagot

"Kanina payan. Narinig ko habang nasa banyo pa ako."

Umupo narin ako sa bed saka kami nagkatinginang tatlo. Sabay sabay kaming tumayo saka kinuha ang tag-iisang blazer. Nagtanguan kami saka tinungo ang pinto.

"Tara"

Dahan dahan kaming lumabas dahil baka may mga staff pang naglilibot. Thankfully, wala kaya dali dali naming tinahak kung saan man nanggaling ang tunog na yun. Nilibot ko ang paningin sa tahimik at madilim na hallway. Makikita mo ang mga paintings ng mga estudyante na mayroong mga pirma at pangalan sa gilid. May iba ring mga desinyo na isinadya talaga para doon. Nagpatuloy kami sa paglalakad kahit na maingay ang paligid dahil sa hindi parin humuhupa ang malakas na ulan na parang bagyo na yata.

Sa di inaasahan nagkita kami sa tatlong lalaking piling gwapo. Nagkatinginan kami saka nagkakunotan ng noo. Nagsalita ang nasa gitna sa kanila.

"Anong ginagawa niyu dito sa ganitong oras ng gabi?" Nakakunot noong tanong niya. Sumagot si kian.

"Wala, may susunduin lang kami."

"Sino? Bawal lumabas ang estudyante sa ganitong kailalim ng gabi."

Narinig namin ulit ang ingay saka kami nagkatininginang anim at dali daling tinungo yun. Habang tumatakbo nagsalita ang isa sa kanila

"Narinig niyu rin yun?"

Tumango kaming tatlo habang tumatakbo parin. Nagtaka kami ng mapansing patungo kami sa gym ng eskuwelahan. Nang makarating, isa-sa naming inilibot ang paningin sa kabuuan ng gym na iyun. Ilang sandali lang narinig namin ang ingay sa may sulok ng gym kaya dali-dali kaming humakbang papunta run para matingnan yun. Nakita ko sa di kalayuan ang isang batang papalayo palang, parang nagmamadali ito.

"Ayun!" Tinuro ko ang kinaruroonan nun saka kami tumakbo para maabutan yung batang yun. Tumakbo rin siya nung maramdamang hinahabol namin siya. Patuloy lang kami sa paghahabul ng mawala sa paningin namin ang bata. Nagulat kami ng bigla nalang tumalon ng walang kahirap-hirap si kianze sa may pader saka walang lingon-lingong tumakbo sa taas niyun. Mga sampung minuto lang nung bumalik siyang naroon ang bata sa kanyang bisig na nagpupumiglas.

A Modern ShieldmaidenNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ