I don't know if those armed men are part of the Autotrophs Assassins. Ni hindi ako makadecide kung maaawa ako sa kanila or hindi. Or should I be scared for myself? I am Blue Rose of the Autotrophs. Isa ako sa mga kalaban ni Sir Harris.
Napailing na lamang ako sa mga iniisip. Tumayo na ako ngunit tila umikot ang paningin ko. Kinailangan ko bang kumapit sa pinakamalapit na mesa para alalayan ang sarili.
Bumukas ang pinto at si Orville ang una kong nakitang pumasok. Sa likod niya'y nakasunod si Sir Harris na may hawak na walkie talkie, may kinakausap siya mula doon.
"Izen.. Namumutla ka.." Hindi ko alam kung naapektuhan ba ako sa sinabi ni Orville dahil mas lalo lamang umikot ang paningin ko.
Mariin kong piningit ang mata ko at sinubukang balansehin ang sarili para hindi matumba.
"Lock down the campus." Rinig kong utos ni Sir sa kausap niya pero nagmimistula iyong kinain ng lupa sa pandinig ko. Unti-unting nawawala ang pakiramdam ko sa paligid.
"May tama ka." Puna ni Orville at naramdaman ko ang paglapit niya sa akin.
Ng idilat ko ang mata ko, saktong napadpad ang paningin ko sa dagger sa sahig na may bahid pa ng dugo. Then it hit me. Oh damn. Lagot ako.
Nanginginig ang kamay kong tinuro ang dagger at lumingon kay Orville na nakalapit na sa akin.
"P-Poison.." Was my last word before my vision went black.
❄❄❄
Napaubo ako at hinabol ang aking hininga. Sobrang sakit na ng katawan ko ngunit hindi pa rin tapos ang ensayo. Hindi pa nakakatulong sa akin ang telang nakabalot sa mukha ko.
"Nakikita mo ba ang dalawang dagger na ito, Blue Rose?" Tanong ni Torch Flower, ang aking master. Nasa isang sulok lamang siya ng silid, perteng nakaupo habang pinagmamasdan ang paghihirap ko. She was holding a box at sa loob n'on ay nakalagay ang dalawang dagger na kulay pilak.
"Kapag nakuha mong hindi matamaan ng tatlong dummy sa loob ng sampong minuto, sa'yo na ang imbensyon kong ito." Wika niya.
Hingal na hingal ako pero sinubukan ko pa ring tumayo kahit sobrang sakit na ng katawan ko. Ang dami ko ng pasa sa katawan at halos ilang oras ko na ring linalabanan ang tatlong dummy na automatic na gumagalaw para kalabanin ako.
"Sa loob ng organisasyon, hindi mo maiiwasan ang labanan, Blue Rose. Assassin ka man o spy, kailangan ay matuto kang makipaglaban. At hangga't maaari ay hindi ka dapat masugatan." Tumayo siya't lumapit sa akin na nakahawak sa isang dummy upang suportahan ang sarili. Her maroon cloak swayed as she walk near me. May mga burda ng bulaklak ng Torch Flower ang cloak na iyon. Isang katibayan na siya nga si Torch Flower. I can only see her eyes. Her chocolate brown eyes that brings me into the deepest pit on the ground.
"Some of them used a weapon with poisons. Kahit konting galos lang ang matamo mo sa kalaban na gumagamit ng ganong armas, malalgutan ka ng hininga. You have to protect your body. Or else, you'll die."
Unti-unti kong naidilat ang mata ko. Lahat ng sinabi ng aking master ay rinig na rinig ko pa rin sa tenga ko. That was seven years ago. Nasa head quarters pa ako ng Autotrophs at hinahasa pa ang kakayahan sa hacking at sa pakikipaglaban.
Napabuntong hininga ako at pinagmasdan ang paligid. Bumangon ako mula sa kama na napakalambot at nabigla sa nakita. I wasn't at the hospital nor hell. Hindi pa ako patay, nakatitiyak ako dyan. I am certain that I was poisoned pero bakit wala ako sa ospital o kaya nama'y morgue?
I thought, nasa Mansyon ako ng Edison pero sa huli, napansin kong kakaiba ang structures ng silid kung na saan ako. It was big. At para akong nakabalik sa sinaunang panahon sa sobrang gara at vintage na tema ng kwarto kung na saan ako. Napahawak ako sa kaliwang balikat ko kung nasaan ang sugat ko. May benda na ang parteng iyon at napansin kong hindi ko na suot ang uniform ko. Isa ng simpleng white shirt na medyo maluwang sa akin at itim na short na tama lamang ang haba. Hindi gaanong mahaba, hindi rin naman maikli. Ng tingnan ko ang gilid, naroon ang uniform ko na may bahid pa nga ng dugo.
Bumukas ang pinto at agad kong nasilayan ang mukha ni Orville.
"Gising ka na pala, Izen."
Tumango lang ako bilang sagot at hindi ko pa talaga maproseso sa isip ko kung anong nangyayari.
"Nandito tayo sa Harris Mansion. Dito ka namin dinala at hindi sa Ospital. I don't know why here, but it's definitely the right decision dahil mas advance pala ang medical team nila Sir na narito. Nabigyan ka agad nila ng antidote." Paliwanag niya ng makalapit na sa akin. "Maayos na ba ang pakirandam mo?" Umupo siya sa edge ng kama habang nakatingin sa sugat ko.
So nandito pala kami sa Mansion nila Sir. Tingnan mo nga naman. Mas mayaman pa ata sila Sir Harris kaysa kay Trevor eh. Hindi ko pa man nakikita ang lahat ng sulok ng Mansion nila Sir Harris, sa laki pa lang ng kwarto na'to, siguradong-sigurado akong mas malaki ito kaysa sa Mansyon ng mga Edison.
Harris is indeed ahead.
"Kailangan mo pang turukan ng isa pang antidote para tuluyan ka ng gumaling." Aniya.
Nararamdaman ko pa nga ang panghihina ng katawan ko but at least, I'm still breathing.
Sigurado ako, kapag nalaman ni Torch Flower ang nangyari sa akin, she'll definitely say 'Told you.. You have to protect your body. Or else, you'll die."
On my defense, I wasn't ready about the attacks. Ni hindi nga ako ang puntirya ng mga lalaking iyon. I'm just a corateral damage. But I'll make sure that it won't happen again.
"Izen.." Nakakunot ang noo ni Orville habang nakatingin sa akin. Tila malalim ang kanyang iniisip. "How did you know that the dagger has a poison?"
Napatitig lamang ako sa kanya dahil sa tinanong niya. It's simply because I remember my Master that moment. Ang eksaktong sinabi ni Master sa akin. That some of the enemies used poisons on their weapon. I can clearly remember how it feels to be poisoned. Minsan na rin akong natamaan ng sandata ni Master which is a boomerang with blades na may lason. She gave me the antidote though.
Bahagya kong inawang ang bibig ko ngunit naitikom ko ulit iyon ng bumukas muli ang pinto. At first, akala ko ay si Sir Harris ang pumasok ngunit nagkamali ako.
It was actually a girl. She's wearing a red dress and shoes. Her body is well built. Kitang-kita ko ang magandang kurba ng katawan niya. Her eyes was dark like charcoal as well as her arch brows. With small on point nose, red lips, and beautiful jawline. Lumalabas ang kanyang maputing balat dahil sa itim na itim niyang buhok na kulay pula ang dulo.
In general, she was like a super model. Sobrang ganda niya that I can say that she really look like a Goddess. Oh.. I'm so gay but I'm telling the truth. Isa lang ang kulang sa kanyang mukha.
A smile.
She looked at me without any trace of emotions. It's a total blank. Like I'm facing a wall.
I know this girl..
It's her..
Desire Carmela Moran Harris.
My mission as Blue Rose.
❄❄❄
YOU ARE READING
Code: ICE (Code Series #1)
Mystery / Thriller[COMPLETED] "MPWF JT OPU BO JDF UIBU DBO CF NFMUFE" ~ICE Numbers.. Symbols.. Codes.. That's what she always face everyday. Being a member of an organization who did so many crimes on their city isn't a joke. A hacker, and a spy. That's her mission...
Chapter 11: Target Locked in
Start from the beginning
