Magkaiba nilang tinahak ang hagdan paakyat dito at palapit kay Sheena. Blangkong tumango pa ang huli sa dalawa at muling nagturan.

"Please cast your votes inside the box at the center of aisle."

-

"Cassey... sigurado ka ba dito?" Tanong ni Spiro sabay tingala sa kinakalawang na gate.

"Shhh..." pagpapatahimik ni Cassey sa kaibigan at lumapit dito. "Ano ka ba... 'wag kang maingay..." bulong niya sa kaibigan habang kaliwa't kanang lumingon sa paligid.

Nagtataka man ay nanahimik nalang si Spiro at nagisip kung paano makakapasok sa loob ng abandonadong gusali.

"Paano tayo makakapasok diyan?" Tanong pa niya kay Cassey na ngayon ay sumisilip sa mga butas ng gate.

"Wait... nung nakaraan kasi..." mahinang turan ni Cassey at iginala ang tingin sa paligid. Malakas pa siyang napasambit nang makita ang hinahanap.

"Ayon!" Sabay takip sa sariling bibig at nanlaki ang mga matang napatitig kay Spiro. "Ayon oh..." turo niya sa tali sa gilid. "'Yan ginamit ko kahapon para makapasok..." paliwanag pa niya.

Kumakamot sa ulo at napailing si Spiro nang makita ang tinuro ng kaibigan. "Tsss... mababalian pa tayo sa tinuturo mo eh... ako na nga!" Sambit ni Spiro at dahan-dahang hinuhubad ang pantalon.

"Anong ginagawa mo?!" Reklamo pa ni Cassey sabay lihis ng tingin. Hindi siya sinagot ni Spiro bagkus ay tinuloy lang ang pagtatanggal ng pantalon maging ang damit at sapatos nito.

Nang lumingon si Cassey ay nagulat siya sa nakitang ginawa ni Spiro. Tanging shorts nalang ang kasuotan, mabilis itong tumakbo sa may kalakihang puno at tumalon para abutin ang sanga nito.

Maliksi ang mga kilos na nakarating siya sa dulong sanga ng puno at walang ano-ano'y tumalon sa pader na bakod nito. Napataas pa ang kanang kilay ni Cassey sa nasasaksihang kaibigan.

Ilang sandali lang ay bumukas na ang gate at iniluwa noon si Spiro na pinagpapawisan na rin. Kinuha niya ang mga gamit na nakalapag sa sahig at mabilisang sinuot ito.

Nakita niya pang ngumisi si Cassey at pagkuway na pumasok na rin. Sinarado ang gate at nagmasid sa loob.

"Sigurado ka bang umalis si Itchan?" Pagkuway na tanong ni Cassey habang naglalakad papasok sa gusali.

"Oo... sabi niya, may lalakarin siya ngayon..." sagot naman ni Spiro sabay ikot ng tingin sa kabuohang espasyo. Naririnig niya pa ang mga kaluskos ng daga sa paligid habang sinusundan si Cassey.

"I told you... may kakaiba dito... mamaya, makikita mo..." muling sambit ni Cassey at naglakad na nang matulin paakyat ng hagdan. Sinundan lamang siya ni Spiro na may kakaibang kaba sa pakiramdam.

Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang bigat sa pakiramdam. Bawat yapak ay dumadagdag sa dagundong ng kaniyang puso.

"Look..." rinig niyang turan ni Cassey sabay turo sa makapal na bakal sa gitna ng palapag. Takang lumapit pa siya dito at kinatok ito na nagbigay ng malakas na tunog.

"Makapal nga..." saad lang ni Spiro at muling iginala ang paningin sa buong palapag.

"I told you..." sambit lang ni Cassey habang pumipindot sa gilid nito. Apat na pindot at apat ding tunog ang nilabas nito. Narinig iyon ni Spiro at pinanood ang sunod na ginawa ng kaibigan.

Lumabas ang solidong pihitan na de-susi. Napatingin pa si Cassey kay Spiro at napailong.

"Oh... pa'no 'yan?" Natatawang tanong ni Spiro. Pinanliitan lang siya ni Cassey ng mga mata at tinanggal ang pagkakaipit ng kaniyang buhok.

Ang hair pin na iyon ay pinasok sa butas at ilang beses na pinihit. Walang ano-ano'y bumukas ang pinto at sinalubong sila ng makapal na puting usok. Umatras pa ang pareho at hinintay na mawala ito.

"Here... may remote dito eh..." at naglakad papasok. Kinuha ang tinukoy at pinindot ito. Ang inaasahang tunog ni Cassey ay gumulat kay Spiro. Muling bumaling ang una sa kaibigan at nginitian ito.

"I told you... hindi ako nagkamali... and now... we just wait..." tumabi si Spiro sa nakapamewang na si Cassey at magkasamang pinanood ang maliit na telebisyon.

Nagsitayuan ang lahat ng balahibo sa katawan ni Spiro at bahagya pa siyang nanginig nang makita ang imahe ng taong hubo't hubad na nakahiga sa higaan.

Lumapit pa siya dito upang pagmasdang maigi at nanlaki ang mga matang napasigaw.

"Eul?!"

-

Itutuloy

-

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon