SHUYIN 29: Newlyweds

45 4 1
                                    

SHUYIN 29: Newlyweds


ADAM ZEIN'S POV:


Habang ini-imagine kong si yeoja ko ang naglalakad patungo sa akin ay nag-iba ang pakiramdam ko. Yung sobrang gaan ng pakiramdam ko at kahit paano'y nakaramdam ako ng saya sa puso ko.

Kahit imagination ko na lang magdala sa kasal na 'to.

I stared at her. Parang siya naman yung nagslow motion ngayon. The petals are still falling from above, making her look like she's in a fairytale wedding as she marches slowly but elegantly towards me. May hawak siyang magandang bouquet ng mala-kristal na bulaklak na sigurado akong mula pa sa Efflorescing Forest.

Halos hindi ko na napansin ang ama niyang nasa kaliwa pala niya. Nakakapit ang kaliwang kamay niya sa kanang braso ng ama niya habang yung kanang kamay naman niya ay nakahawak sa nagniningning na bouquet.

Bakit nga pala iba ang suot ng hari ng Thanatos? Wala rin siyang korona ngayon... At...ang weird pero bakit parang nag-iba yung hitsura niya?

Sus. Sa sobrang pag-iimagine ko pala ay si tito Gael na rin ang paningin ko sa ama ni Persephone. Ganun talaga ako mag-imagine, pagpasensyahan niyo na.


Muli kong ibinaling ang atensiyon ko kay yeoja.

I admit, she's shining brightly. Idagdag pa natin ang liwanag ng sikat ng araw na nakapasok sa pamamagitan ng nakabukas na main door ng cathedral. Tila spotlight iyong nakatutok sa kanya.


Ryen Eve...


Sa wakas, nakarating na din siya sa harap ko. Huminto sila ng ama niya at ipinaubaya na siya nito sa'kin.

"It's nice to meet you again, Adam." Nakangiting imik ng ama niya tsaka ito pumunta sa unang row ng upuan.

Ngumiti na lang din ako at tinitigan ko ang mukha ni Ryen Eve pero hindi ko iyon makita nang buo dahil sa belong suot niya.

Inilahad ko ang kanang palad ko sa kanya at unti-unti naman niyang inihawak doon ang kanang kamay niyang may suot pang manipis na lacey glove.

I honestly felt a spark when her hand landed on mine...but... Maybe it's because I am imagining too much of Ryen Eve...

Kahit ganun ay napahagipit ang hawak ko sa kamay niya at ganun na din siya sa'kin. I guided her hand so she could hold my left arm. Hinawakan niya nang mahigpit ang kaliwang braso ko, yun bang parang ayaw na niyang bumitaw...


Sabay kaming tumungo sa mismong harap ng naghihintay na matandang pari. Nakangiti ang lahat sa amin, tila masayang-masaya sila sa pag-iisang dibdib naming dalawa.


Ryen Eve...


Patuloy na tinatawag ng puso't isip ko...


Yeoja...


Nagsimula na sa pagsasalita ang pari. Sinimulan na niya ang opisyal na misa. Hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko ang lahat. Hindi pa natatanggap ng buong sistema ko ang kasalukuyang nagaganap...

Nakatingin lang ako nang blangko sa altar habang tila nabibingi sa mga katagang binibitawan ng pari. Ang kapares ko nama'y nakatayo lang din habang nakahawak pa rin nang mahigpit sa kaliwang braso ko. Pareho kaming walang imik at pawang nakikinig at naghihintay na lang sa susunod na mangyayari...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Marrying Prince Shuyin [Shuyin Trilogy]Where stories live. Discover now