SHUYIN 14: Invading Thanatos

23 4 1
                                    

SHUYIN 14: Invading Thanatos



RYEN EVE's POV:

Tulala lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Nandito pa rin ako sa backseat ng royal mews na pagmamay-ari ni Blade. May importanteng gagawin si Blade ngayong araw kaya hindi na siya nakasama sa paghatid sa'kin sa Thanatos. Kaming dalawa lang muna ng butler niya.

Tahimik lang talaga kaming dalawa habang bumibiyahe. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, pilit na pinapasaya yung sarili ko dahil sa ganda ng mga lugar na nadadaanan namin. Sobrang linis ng paligid, sobrang organized ng bawat bagay na nasa gilid kalsada pati na yung pagkakapuwesto ng mga building at mga bahay.

Ang pinakamaganda dito ay yung maraming puno at halaman sa paligid kahit nasa parang bayan kami. Bawat harap ng mga establishments ay may nakatanim na mga halaman, sa lupa man mismo o sa paso. Mayroon ding center island sa mga kalsada kung saan nakatayo ang maraming naggagandahang punong berdeng-berde ang mayayabong na dahon. Sa ilalim ng bawat kahoy naman naroroon ang makukulay na mga bulaklak.


Haaay... Kung sana hindi ako nasasaktan ngayon, siguro sobrang saya ko talaga dahil sa mga view na nakikita ko...


"Malapit na po tayo." Imik ng butler ni Blade, making me feel relieved.

Nangangalay na puwet ko sa kauupo. Ilang oras na din kasi kaming bumibiyahe.

"Salamat naman." A little curve was formed by my lips and then I heavily inhaled...


Tatlong araw na lang, namja...


Tatlong araw na lang ang natitira sa atin at hindi pwedeng hahayaan pa kitang iwasan ako. Kung ayaw mong umuwi sa palasyo, puwes, ako mismo ang pupunta sa'yo.


Bahala na...






----------


"Nandito po ang letter of request galing kay Prinsipe Blade Seymour ng Fallen Umberstone." Pormal na pahayag ng butler ni Blade tsaka nito iniabot ang isang kulay silver na sobreng may pulang seal sa isang matandang lalaking may mahabang kasuotan.

Tinanggap ito ng matanda at agad na binuksan at binasa.


Isang minuto ang makalipas ay ibinaling nito ang tingin sa amin at ngumiti.

"Request granted. Miss Ryen Eve, you may enter the palace. Let our assistants be of aid." Sobrang pormal talaga niyang magsalita.

"S-Salamat po." Bahagya akong yumuko at sumunod na ako sa limang assistant na sinasabi niya.

Puro sila babae at long gown na kulay pula yung suot nila. Turtle neck at bell-sleeved ang pang-ibabaw ng gown habang gore skirt naman yung pang-ibaba. May suot din silang corset kaya mukha talaga silang kabilang sa palasyo. Yung buhok naman nila ay naka-dutch braid at may pulang ribbon na may victorian prints na tila ginawa nilang headband at ang natitira nitong kahabaan ay isinama sa pagbraid sa buhok nila.

Nagpaiwan naman sa labas ng gate ng palasyo yung butler ni Blade, dun sa sasakyan.

"Sino po ba yung sadya niyo dito, Miss Eve?" Nakangiting tanong ng isang assistant.

Marrying Prince Shuyin [Shuyin Trilogy]Where stories live. Discover now