SHUYIN 8: Gaining His Attention

30 2 0
                                    

SHUYIN 8: Gaining His Attention




RYEN EVE'S POV:

Kasalukuyan akong naglalakad-lakad sa malapad na hallway na puno ng malalaking tinted na bintana sa magkabilang gilid. Dahil maaga pa ay malayang nakakapasok sa gawi ko ang sikat ng araw. Patungo ako sa dining hall na sigurado akong wala na namang ibang tao maliban sa mga maid.


"Hi, Ryen Eve." Biglang may bumati sa'kin nang pabulong kaya napakislot ako't napalingon!


RYEN EVE DAW?!


Napahinto naman agad ako nang mamukhaan ko siya. Nakatayo din siya sa harap ko habang nakangiti nang maliwanag pa sa sikat ng araw.


Andami ko agad naalala sa mala-anghel niyang mukha.


Hindi na siya mukhang tomboy ngayon.


Rings a bell?


"Kuya Angelo." Monotone kong imik tsaka ako huminga nang malalim.


Bakit kaya ako naisipang pansinin nito? Ilang beses na kaming nagkakadaanan dito sa palasyo pero hindi naman niya ako pinapansin dati.


Ahhh... Siguro dahil wala si Kara, yung girlfriend niya.


"I see you still have the necklace I gave you." Mukhang natutuwa siya dahil nakita niya ang kuwintas na niregalo niya sa'king suot ko pa ngayon.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Of course. Bakit nga po pala kayo nandito?" Medyo malamig yung naging tono ng pananalita ko.


Bigla ko na lang naalala ang dating si Layne, yung boy bestfriend ko sa Pilipinas. Noong college pa kasi kami, hindi nagpaparamdam yun sa tuwing nagkaka-girlfriend. Ganito din ginagawa ni Kuya Angelo ngayon oh. Tsss.


"Syempre, prinsipe ako dito, eh! Tsaka dito ako nakatira!" Pamimilosopo niya sabay tawa nang mahina.

"Ang ibig kong sabihin, bakit mo nga pala ako naisipang pansinin? Wala si Kara?" Ang bitter ko lang talaga ngayon.

"Hala, nagtatampo ka ba sa'kin dahil hindi kita pinapansin?"


As if you care.

Marrying Prince Shuyin [Shuyin Trilogy]Where stories live. Discover now