Bumuntong-hininga si Tito More. "Totoong bawal. Posible nating ikapahamak pare-pareho." Nilingon niya ang tatlong anak, saka nahinto kay Maxpein ang paningin. "Kung ako ang masusunod ay...gugustuhin ko nang lisanin ang lugar namin. Wala na roon ang mga magulang ko. Pero..."bumuntong-hininga siya. "Inirerespeto ko ang posisyon ng anak ko at pagiging makasarili ang kagustuhan ko."

"Dad," naroon na agad ang pagtanggi sa tinig ni Maxpein.

"I know," napilitang ngumiti si Tito More. "Naiisip ko lang," nagbaba siya ng tingin. "Ayaw ko nang dumaan ang sino man sa aking mga apo sa pinagdaanan nating pare-pareho, higit na sa mga naranasan mo, Maxpein," emosyonal siyang ngumiti rito. "Pasensya."

Nagbaba ako ng tingin. Akala ko ay matindi na 'yong kaba ko, hindi pa pala. Dahil nadagdagan iyon sa sinabi ni Tito More. Wala pa man ay meron na sa dibdib kong tumatanggi sa mangyayari.

"You should get married," ani Mokz. "As soon as possible."

Nag-angat ako ng tingin kay Maxwell, hindi niya inaasahan. Kaya naman nakita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata, maging ang pagkakakagat niya sa labi. Pero agad 'yong napawi nang mapansin akong nakatingin.

Hindi na ito ang oras para magsisihan. Wala nang magbabago. At wala akong pinagsisisihan sa lahat ng meron ako ngayon...totoo 'yon. Ayaw ko lang na may mapahamak na iba, lalo na ang kanilang pamilya. Na kung may mangyayari man, sana sa akin na lang.

Napabuntong-hininga ako sa sariling isipin. Bumalik ako sa wisyo nang matitigan ang mukha ni Maxwell na animong sinasagot ang ipinag-aalala ng puso't isip ko. Sinasabing hindi niya hinahayaang mapahamak ang kahit na sino, lalo na ako. Baliw na yata ako para isipin 'yon pero nagtiwala ako.

"We'll get marriedtomorrow, next week, I want it soon," ani Maxwell. "That's because I want to marry her. Because I want her to be my wife. Because I don't want anyone else to have her. Because I want us to be together for the rest of our lives." Sinabi niya iyon habang sinusuyod ng tingin ang kaniyang pamilya. "No other reasons."

Parang hinaplos ang puso ko. Heto ako at inaalala ang mangyayari sa hinaharap. Kahit na pabor sa akin ang makasal sa kaniya ay pulos alalahanin ang laman ng aking isip. Pero si Maxwell ay walang iniisip kung hindi ang nararamdaman sa 'kin. Na wala siyang ibang rason para pakasalan ako kundi ang pagmamahal.

"We'll prepare everything," ani Tita Maze saka nakangiting lumingon sa 'kin. "Yaz..." Hindi ko inaasahang tatayo siya upang lapitan ako.

Wala akong nagawa kung hindi ang tumayo rin. "Tita."

"Welcome to the family," emosyonal iyong sinabi ni tita, hindi ko malaman ang mararamdaman. Hindi ko napigilang mahawa. "We waited for this."

Tumulo ang luha ko sa kabila nang malapad kong ngiti. "Thank you, tita."

"Got my own moon now," ani Maxwell sa likuran ko, natawa kaming pareho ni tita. "Can't wait to have more."

Kumalas si Tita Maze sa akin saka hinakawan ang pareho kong pisngi. "Wala muna tayong pagsasabihan nito, malinaw ba?"

Natigilan man ay tumango ako. "Opo, tita."

"Ibig sabihin ay hindi maaaring malaman ninoman, maging ng mga magulang mo, Yaz."

"Yes, tita," nalito man ay sumagot ako.

"Thank you, Yaz." Ngumiti si tita saka isinenyas na maupo ako. "Call me mom."

Doon na ako hindi nakasagot, nagugulat ko siyang sinundan ng tingin hanggang sa muling makabalik sa silya.

LOVE WITHOUT LIMITSWhere stories live. Discover now